Tag Archives: Pagbabago

Mga nagliparang Pangarap (Huling Yugto)


hope

Mula ng mag-artista ako, nagbago na ang lahat sa buhay ko. Dahil sa kasikatang taglay ko, naging mainit rin ako sa mata ng mga taga-press kung kaya’y ilang sex scandal, nude photos, at ilang nakakasirang isyu ang nagsilabasan tungkol sa akin mula sa aking mga bashers at sa mga gustong magpabagsak sa akin. Naging malaki na rin kasi ang aking ulo, nagkaroon ako ng iba’t-ibang karelasyon, at lihim ding nalulong sa druga at sugal. Kahit nakagawa man ako ng sarili kong pangalan sa showbiz, unti-unti ding tumamlay ang aking karera dala ng mga isyung kinasangkutan ko. Di naglaon ay bigla na lang nawala ang lahat; bumagsak ang aking dati’y napakainit na karera. Huli na bago ko na-realize ang lahat at wala na akong magagawa pa. Kahit papaano, may naipon at naipundar din naman ako mula sa pag-aartista; ngunit dahil sa luho at bisyo, naubos din ang mga ito. Mula noon, tumanggap ako ng napakaraming indecent offers. Ilan sa kanila ay nasa pulitika, may mga kilalang negosyante, at ang ilan ay mga taga-showbiz din na kadalasan ay mga nagtatagong ayaw lumantad. Katawan ang muli kong ginawang puhunan. Katawan ang ginamit ko upang muling kumita’t maabuhay. Sa kasamaang palad, nagkasakit ako. Mula noon, humina at di naglao’y natigil ang nakasanayan kong raket.
Umuwi ako sa probinsiya. Doon ay nagsimula akong gumaling sa aking pagkakasakit at bumalik ang dating tikas ng aking pangangatawan. Sa kabila ng lahat, naging kakampi ko ang aking mga magulang at kapatid. Madalas, pinagsisihan ko kung bakit di ko inalagaan ang biyayang iyun sa aking buhay. Hawak ko na sana ang pinapangarap ng lahat ngunit ang mga ito’y isa-isang nagsiliparan. Wala mang natira sa akin, pinilit ko pa ring magpakatatag, magbago, at mangarap muli. Sa ngayon, kahit sa simpleng buhay ay masaya na ako dahil sa wakas ay nakabuo ako ng isang bago at maayos na pamilyang puno ng pagmamahalan. Nakakilala rin ako ng mga taong handa pa ring tumanggap at magmahal sa akin. Ang pinto ng pagbabago ang siyang nagbukas ng lahat. At sa Panginoong patuloy na nagmamahal at sumusubaybay sa akin,lubos ang aking pasasalamat sa Kanya.

WAKAS

Advertisements

Ang Dating Damuhan


Tanging Aral: “Baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan….”

Nagising ako ng maaga nang araw na yun. Tila nanibago ako sa aking kinahihigaang banig — isang lumang banig na dati ay s’yang aking nakasanayang higaan noong bago ako mag-aral ng kolehiyo. Habang nakahiga ako, ramdam ko na ang nagsisimulang mag-init na si Haring Araw. Nais ko pa sanang ipikit ang aking mga mata ng ilang minuto pa ngunit isang “sige na, bumangon ka na d’yan Loadplus” mula kay Mama na nasa kusina at naghahanda ng aming espesyal na almusal ang nakapilit sa akin na bumangon na lang. Matapos ang aming almusal, ako’y naligo na at pagkatapos magbihis ang nagpaalam muna ako para mamasyal. Excited akong makita muli ang damuhang dati ay punong-puno ng saya at tawa ko kasama ng aking mga kaibigan habang nagpapalipad kami ng makukulay naming mga saranggolang pangarap, kumakain ng libreng bayabas, naghahabulang parang walang kapaguran at nagkwekwentuhang halos walang katapusan. Ngunit nakakalungkot isipin dahil iba ang aking nadatnan. Wala na ang damuhang aming minahal. 😦 Tunay na nagbago na ang lahat. Masakit man isipin ngunit kailangan kong tanggapin. Ayoko din namang mapag-iwanan ng panahon ngayon na tila si Flash lang sa bilis. Ngunit anuman ang nagbago at nawala, kailanman, hinding hindi ko makakalimutan ang mga ala-alang nagbigay kulay upang mahubog ang isang katauhang maipagmamalaki ninuman!