Tag Archives: deal or no deal

Isa at Dalawang Itlog


(Photo taken from: areyoufinishedyet.com)

(Photo taken from: areyoufinishedyet.com)

Bagamat hindi naging madali para sa akin kung paano hatakin ang lubid ng pagba-blogging, nakakatuwang isipin na nairaos ko rin naman ito at heto nga’t 2nd Anniversary na pala ng blog ko (January 27). Mabibilang lang ang mga tagasubaybay ko at ang mga natatanggap kong komento dito, ngunit ang lubos na pinanghahawakan ko ay ang karangalang makilala at maging kaibigan ang ilang mga kilalang blogero na naging inspirasyon ko (ang FC ko kasi). Sa panahong inilaan ko sa munting bossing kong blog, mas napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko palang mag-isip, kaya ko palang magsulat, kaya ko palang gumawa ng kwento, at kaya ko palang magpatawa sa mga simpleng paraan na alam ko. Higit sa lahat, mas napatunayan ko na kaya ko palang maging makulit kahit sa ilang karakter lang na nabuo ko. LOL. Minsan naman kapag may nakaka-appreciate sa post na nagawa ko, parang nakakataba lang talaga ng puso; sobrang nakaka-proud sa sarili. Nakakalimutan ko yung hirap at sakit ng kalooban tuwing nauubusan ako ng magagandang ideya at walang maisulat. At sa pagpapatuloy ko, tiyak kong napakarami ko pang maaaring matutunan at mararanasan na kasama kayo. Nangangarap rin ako na sana’y sa kabila ng madilim kong mukha (na laging pinapantasyahang makilala) ay matatandaan ako bilang isang blogero na may isa at dalawang itlog na mukha; ang blogerong ang pagiging kampeon ang nais ipakita. Kahit kunti lang, sana maabot ko ang hangaring ito sa pagdaan ng mga taon.
At sa puntong ito, nais ko lang magpasalamat sa lahat ng may-ari ng mga larawang ginamit ko sa blog ko at sa lahat ng mga napadaan sa kaharian ko. Malaki kayong tulong sa pagsikat ng araw ko. At sa lahat naman ng mga nasaktan ko (wish ko lang wala!), humihingi po ako ng kunting pag-unawa mula sa inyo. Minsan kasi, nagiging beyond limit na pala ako ngunit hindi ko alam. Honesto, pangako ko sa inyo, ipu-push ko ang mga tunay nating kwento — ang mga kwentong kahit gaano man kaliit ay may malaking halagang hatid. Hiling ko lang din, sana’y mas kumapit kayo sa katawan ng blog ko dahil libre ang pasabog na ihahanda ko habang kasama kayo. DEAL or NO DEAL? Ipaalam n’yo lang sa akin; bukas na ang pintuan ko d’yan sa baba. Bilis na! 🙂


Kami, Siya, at Ako (Part 4)


Tawanan ang bumabalot sa tambayan ng grupo nina Roman. Nasa condo unit sila ng isa nilang kaibigan. Nag-iinuman sila at ang naging pulutan nila ay ang pag-oo ni Amara kay Roman. “O ano mga tol, bilib na kayo sa akin?” ang malokong saad ni Roman sa mga katropa. “At bilang pagtupad namin sa usapan tol Roman, ibibigay na namin sa’yo ang tropeo mo”, saad ni Lucas. “Tayo ka na d’yan at nakahain na ang pagkain para sa’yo tol. Mukhang mapapalaban ka sa isang ito” patuloy pa ni Lucas.
Matapos ang paglalaro ni Roman na nakailang rounds din ay nagpahinga lang ito ng kunti, mabilis na naghot shower at nagpaalam na sa tropa. May bibilhin pa daw itong regalo sa SM para kay Amara. Mukhang ayaw paring magpatalo ni Roman sa bagong deal ng grupo. Ito ay ang usapan na dapat maka-score ito sa dalagang lubos na nagtitiwala sa kanya.
Pagkalawas ng condo, nagtext si Roman kay Amara, “Musta na ang baby ko? Sana magbukas na para magkita na tayo. Miss na kita. Love You!”

ITUTULOY…