Tag Archives: Angel Locsin

BOOM Nakaraos si Gangster!


Angel and Luis in Japan (Photo taken from: push.abs-cbn.com)

Angel and Luis in Japan (Photo taken from: push.abs-cbn.com)

Ilang buwan na rin ang lumipas na hindi ako nakapag-post o nakapag-update dito sa blog na ito. Parang dumaan lang ako sa sinasabi nilang “awkward stage” of blogging di ba? Yung tipong nakakalito; yung feeling na parang nagdadalawang isip ka sa dahilan o purpose kung bakit ka ba talaga magpapatuloy pa sa pagba-blog. Parang may nagsasabi sa akin na, “boy may buhay ka sa mundo ng realidad na dapat mong pagtuunan ng pansin kaysa paggugol mo ng oras sa blogosperyo.” Marahil ay isa ang mga ito sa dahilan (maliban pa sa katotohanang tinatamad lang talaga) kung bakit ako’y biglang nanahimik; pilit kinalimutan yung kaunting stress na dulot ng intensyong makagawa ng makabuluhang akda at sinubukang makapagpahinga ang makukulit kong imahinasyon. Ngunit habang dumaan ang mga buwan ng katahimikan, ramdam ko na parang may kulang. Ang hirap mag-move on sa dati mong nakasanaya’t kinagiliwan. Parang katulad lang sa bigat na naramdaman noon nina Angel Locsin at Luis Manzano noong sila’y naghiwalay. Ngunit sinong mag-aakala na magkakabalikan pa talaga ang dalawa ngayon? Kaya nga rin siguro’y huwag kayong mabibigla kung ako ngayo’y muling nagbabalik. Sinusubukan muling pamunuan ang iniwan kong kaharian. At sa puntong ito ng aking post ay alam kong malapit na akong makaraos. Malapit ng pumutok ang bagong bugso ng kakulitan ng inyong lingkod. Ngunit sabi nga sa isang tv ad, “hindi ba pwedeng happy lang, walang ending?” Kaya I’ll make it sure na may kasunod pang maraming happy posts dito kahit matapos man ang binabasa mong ito. Sana’y masabayan mo ako. Boom panes! Boom nakaraos! Boom patok! So, are you now ready for dating a gangster?

Advertisements

Kami, Ako, at Siya (part 2)


Si Amara at ang nobyo nitong si Roman ay parehong nag-aaral sa magkatulad na unibersidad. Pareho na silang nasa panghuling taon nila. Nursing ang kinukuhang kurso ni Amara samantalang Engineering naman ang kinukuha ni Roman. Sikat na varsity player sa basketball si Roman sa kanilang school kaya hindi akalain ni Amara na minsan sa buhay nito ay mapatingin ito at umibig sa isang katulad niya. Kung tutuusin, hindi naman talaga ito imposible dahil maganda rin naman si Amara. Marami ngang nagsasabi sa kanya na kamukha daw niya si Angel Locsin. Noong una, hindi pinapansin ni Amara ang pagpapacute sa kanya ng binata at iniisip nitong pinagtritripan lang s’ya ng mokong na si Roman ngunit dahil sa di matawarang kulit at fighting spirit ng binata ay napa-oo na rin ito. Kaarawan noon ni Roman nang sinagot siya ng sinisintang si Amara. Sa araw na yun, katatapos lang nila Roman magpractice ng basketball noon at sa loob ng gym ay napasigaw nga si Roman ng “Sa wakas, nobya ko na si Amara”. Sa harap ng mga kalaro, ay lubos ang pagmamalaki ni Roman sa nakamit na tagumpay.

ITUTULOY…


Ikaw na si Darna!


As Narda... (Photo source: www.pinoyexchange.com)

As Narda…
(Photo source: http://www.pinoyexchange.com)

Narda,

Kilala na kita kahit noong ika’y nagsisimula pa. Sa mga katangian mong taglay ako’y iyong napahanga. Tunay na karapat-dapat kang mahalin. Tunay na kapusong maipagmamalaki namin. Sa bawat paglipad mo, sa bawat pagsigaw mo, sa bawat aksyon mo, at sa bawat paggamit ng mahika mo, kami ay sa’yo sumasaludo. Mas lalo ka na ngang tumibay at ngayo’y isa ng ginto. Ngunit sa tuktok ng tagumpay na hawak mo na sana, ika’y di natakot sumugal at magsimulang muli sa umpisa. Sa bagong kaharian na iyong kinabibilangan ang sabi mo, “bakit ako matatakot? Kung prinsesa sila, prinsesa din naman ako.” At dahil sa katapangan mo at sa mga natutunan mo noon mula sa mga naghubog sa’yo, ika’y mas yumabong at mas napatunayan ang sarili mo. Ngayon, muling ibibinigay sa’yo ang bato at alam kong bukas makalawa, muli kong maririnig ang iyong pagsigaw — mas bago, mas malakas! Wish ko nga lang na sana sa muli mong paglipad, ako’y iyong makakasama.

Nagmamahal,
Ding

As Darna... (Photo source: www.showbiznest.com)

As Darna…
(Photo source: http://www.showbiznest.com)