Category Archives: Yearender

#2013BangOnTop: An early yearender


Ang bilis masyado ng panahon, akalain mo malapit na palang mag-goodbye si 2013. Kumusta ang buong taon n’yo mga ka-blog? Sana maayos naman ito at ito’y na-enjoy ninyo. Ngunit bago tuluyang dumating ang hinihintay nating si 2014, nais ko lang sanang balikan o muling bigyang moment ang mga makukulit na experiences ko ngayong taon at siyempre, kasama na rin yung mga kaganapang lubos na pinag-usapan sa taong ito; mga pangyayaring bumulaga at pinagkaguluhan di lang sa twitter at FB kundi pati sa buong bansa. Naniniwala kasi ako na sa bawat balik tanaw natin ay may mabubuo tayong mga bagong aral na s’yang magagamit natin sa susunod na mga taon sa ating buhay. Handa ka na ba? Kung handa ka na, makibang-bang ka na!

1. Ang Lindol sa Bohol at Hagupit ni Yolanda/Haiyan

Nakakalungkot na pati ang simbahan ay di pinalagpas ng lindol sa Bohol. (Photo source: www.philstar.com)

Nakakalungkot na pati ang simbahan ay di pinalagpas ng lindol sa Bohol.
(Photo source: http://www.philstar.com)

Ang paghagupit ni Yolanda na sumubok sa katatagan ng mga Pinoy. #BangonPilipinas #GiveBackPhilippines (Photo source: bandera.inquirer.net)

Ang paghagupit ni Yolanda na sumubok sa katatagan ng mga Pinoy. #BangonPilipinas #GiveBackPhilippines
(Photo source: bandera.inquirer.net)

2. Pork Barrel Scam

Ang mga linyang "I invoke my right against self-incrimination" at "hindi ko po alam" tanda n'yo pa ba? Kay Janet Napoles po yan, sa pagharap niya sa Senado. (Photo source: www.interaksyon.com)

Ang mga linyang “I invoke my right against self-incrimination” at “hindi ko po alam” tanda n’yo pa ba? Kay Janet Napoles po yan, sa pagharap niya sa Senado.
(Photo source: http://www.interaksyon.com)

3. Eleksyon 2013

Naki-dapat tama ka ba talaga? (Photo source: www.gmanetwork.com)

Naki-dapat tama ka ba talaga?
(Photo source: http://www.gmanetwork.com)

4. Hiwalayan sa Showbiz

Ang sweet nila dito di ba? What happen po? (Photo source: www.abante.com.ph)

Ang sweet nila dito di ba? What happen po?
(Photo source: http://www.abante.com.ph)

At their shining moment... (Photo source: baderablogs.wordpress.com)

At their shining moment…
(Photo source: baderablogs.wordpress.com)

Azkal at Lobo: The Twitter Love story (Photo source: whynotcoconut.com)

Azkal at Lobo: The Twitter Love story
(Photo source: whynotcoconut.com)

5. Charice’s Revelation

Opo Tito Boy... (Photo source: popdust.com)

Opo Tito Boy…
(Photo source: popdust.com)

6. First Pinay Miss World

"Miss World for me treasures the core value of humanity and that guides her into understanding people, why they act the way that they do, how they're living their lives and I will use these core values in my understanding not only in helping others but to show other people how they can understand others, to help others so that as one, together, we shall help society," (Photo source: www.rappler.com)

“Miss World for me treasures the core value of humanity and that guides her into understanding people, why they act the way that they do, how they’re living their lives and I will use these core values in my understanding not only in helping others but to show other people how they can understand others, to help others so that as one, together, we shall help society,”
(Photo source: http://www.rappler.com)

7. Pacquiao VS Rios

Ang muling pagbangon ng Kampeon! (Photo source: www.inewmedia.org)

Ang muling pagbangon ng Kampeon!
(Photo source: http://www.inewmedia.org)

8. Anne’s mistake

Be strong and move on... (Photo source: filipinoscribe.com)

Be strong and move on…
(Photo source: filipinoscribe.com)

9 – 10: Sa puntong ito, para sa sarili ko na lang ito. Salamat mga ka-blog sa buong taon ninyong pagsuporta. Samahan n’yo pa rin sana ako sa susunod kong mga kwento. Merry Christmas and Happy New Year!

Salamat po! (Photo source: funny2014.com)

Salamat po!
(Photo source: funny2014.com)

Advertisements

My 50th @ 2012


TANGING ARAL: Kung para talaga sa atin, ito’y ibibigay sa atin sa tamang panahon.

Ito ang ika-50th post ko sa taong 2012. Ang taong ito ay isang napakagandang taon para sa akin. Maraming nangyari sa buhay ko sa taong ito na talagang nagbigay sa akin ng pagkakataon para mag-grow as a person. Ilan lamang sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Naging teacher ako sa high school dito sa isang school sa Batangas. Mahirap pala talaga maging isang guro pero mas nakakatuwa at nakakataba ng puso ang ideyang naging bahagi ka ng buhay nila sa pamamagitan ng mga kaalamang iyong naibahagi sa kanila.

2. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapunta ng Tagaytay for free! Masayang-masaya ang karanasang ito kasama ang ilan sa aking mga estudyante (fieldtrip nila ‘to sa Social Studies). Nagpunta kami ng Paraizoo at sa Picnic Grove kung saan may place sila doon na overlooking sa napakagandang view ng Lake Taal. Wow na wow talaga!

3. Unang taon ko din ito na may work di ba? Masaya at masarap ang pakiramdam na hindi ka na umaasa sa ‘yong mga magulang at ikaw ang tumutulong sa kanila. Higit sa lahat, ang napakagandang plus pa nito ay may budget ka na para bumili ng gusto mo gaya ng bagong damit, pagkain, gadget, etc.

At ngayon, bilang pagtatapos ng post na ‘to, Merry Christmas at Happy New Year sa inyong lahat mga kablog. Salamat sa panahong inyong ibinigay sa blog ko at tunay na isang karangalan ang makasama kayong lahat dito. More power!