Category Archives: Think about this

Ikaw na si Darna!


As Narda... (Photo source: www.pinoyexchange.com)

As Narda…
(Photo source: http://www.pinoyexchange.com)

Narda,

Kilala na kita kahit noong ika’y nagsisimula pa. Sa mga katangian mong taglay ako’y iyong napahanga. Tunay na karapat-dapat kang mahalin. Tunay na kapusong maipagmamalaki namin. Sa bawat paglipad mo, sa bawat pagsigaw mo, sa bawat aksyon mo, at sa bawat paggamit ng mahika mo, kami ay sa’yo sumasaludo. Mas lalo ka na ngang tumibay at ngayo’y isa ng ginto. Ngunit sa tuktok ng tagumpay na hawak mo na sana, ika’y di natakot sumugal at magsimulang muli sa umpisa. Sa bagong kaharian na iyong kinabibilangan ang sabi mo, “bakit ako matatakot? Kung prinsesa sila, prinsesa din naman ako.” At dahil sa katapangan mo at sa mga natutunan mo noon mula sa mga naghubog sa’yo, ika’y mas yumabong at mas napatunayan ang sarili mo. Ngayon, muling ibibinigay sa’yo ang bato at alam kong bukas makalawa, muli kong maririnig ang iyong pagsigaw — mas bago, mas malakas! Wish ko nga lang na sana sa muli mong paglipad, ako’y iyong makakasama.

Nagmamahal,
Ding

As Darna... (Photo source: www.showbiznest.com)

As Darna…
(Photo source: http://www.showbiznest.com)


Pulang may buhay


"Ako ba talaga ang tinutukoy mo? hmhmm" (Photo source: www.photographyblogger.net)

“Ako ba talaga ang tinutukoy mo? hmhmm”
(Photo source: http://www.photographyblogger.net)

Kahit sa iyong liit, ikaw parin ang madalas gustong makita. Naglalakad ka lang sa daan, andaming mga kamay na gusto kang hawakan upang ang buhay mo’y masusubukan kung saan ang hangganan. Kapag tinitingnan kang mabuti, wala ka namang ipinagkaiba sa mga kakulay mong pulang may buhay. Taglay mo lang din ang kakaibang anyo — may kalakihang ulo at katamtamang tuwid na katawan. Pero alam ko, sa mata ng may hawak sa’yo ngayon, sa mata ng lumikha sa’yo, ikaw ang isa sa kanyang ipinagmamalaki. Ang nakakatawa lang, natatakot ang mga bata na hawakan ka dahil ang sabi ng mga magulang nila ika’y kay hapdi kung kumagat. Ang totoo, dulot ng iyong kagat ay isang pambihirang sugat na kailangang kamutin ng ilang oras lang naman. Alam kong wala kang kasalanan doon dahil ang kagat mo’y ang tangi mo lang magagawa upang ipagtanggol ang iyong sarili; dahil ang kagat mo’y di man ligaya ang hatid sa iba ngunit para sa’yo ito’y isang pagpapakita na ika’y lagi lang handa. Saludo ako sa’yo langgam na pula. Ang liit mo ngunit ang laki ng dulot mo! Yun o…