Category Archives: Pagbabago

Si PNoy at ang bayan


15th President of the Philippines: Pres. Benigno Aquino III (Photo source: www.allvoices.com)

15th President of the Philippines: Pres. Benigno Aquino III
(Photo source: http://www.allvoices.com)

Simula sa araw na sinabi ni PNoy ang linyang “kayo ang boss ko”, alam kong napakahirap at napakalaking responsibilidad ang alam niyang nakaatang na sa kanya bilang pangulo ng Pilipinas (este Filipinas?). Sa kanyang tatlong taong panunungkulan (kung tama ang pagkakabilang ko), kumusta na nga ba ang Pilipinas? Sa tingin ba ng nakararaming Pilipino ay nakatahak pa rin tayo sa matuwid na landas o lumihis na ba tayo? Alam kong napakaraming magagandang pangarap si PNoy para sa Pilipinas; alam kong nais niyang gumawa ng kanyang sariling pangalan; at alam kong nais niyang may mapatunayan; ngunit ang lahat ba ng ito ay nasimulan na ng maayos para maramdaman ng bawat Pilipino o hanggang ngayon ay nakalutang pa rin sa hangin bilang mga pangarap?
Sa ikaapat na SONA ni PNoy, alamin natin kung may dagdag at bagong kasagutan ang ating napakaraming dating mga katanungan (di lang kung ilang palakpak ang kanyang natanggap). Mga dating tanong tungkol sa kahirapan, edukasyon, trabaho, seguridad, negosyo, pamilya, buhay, at iba pang pangangailangan. Oo, may karapatan tayong malaman ang mga bagay-bagay na tungkol dito ngunit sana lang din ay alam natin na may responsibilidad din tayo para sa ating bayan bilang mga mamamayang Pilipino. Ang lahat ng ito ay di naman talaga tungkol lang kay PNoy kaya dapat matuto din tayong makiisa, sumuporta, tumulong, magsakripisyo, at lumaban para sa isang matatag at maayos na Pilipinas. Sa sama-sama nating lakas, hindi imposible ang lahat.


Humor post ni Loadplus


BABALA: Huwag kang masyadong tumawa baka sa huli hindi mo masasabing “laughter is the best medicine”.

Hindi ako si Michael V, hindi ako si Vic Sotto, hindi ako si Vhong Navarro, at lalong hindi ako si Dolphy; kung “trying hard” man ang pagpapatawa ko, hayaan n’yo na lang ako, at least nag-effort din kahit hindi todo. Sana’y masungkit ko ang karangalang Humor blog of the year ng Philippine Blog Awards gamit ang post na ito. Lol. So much for that panimulang “joke” (joke ba yun? Ang korni lang), konting silence, silence! All rise, please! Period. :p
Bragging aside, noong panahong ang dala-dala ko pa’y isang bag na libro, ako ang parating nangunguna sa listahan ng mga honor students sa amin since Grade 1 hanggang 4th year high school (including Day Care 1 and 2). Kung hindi ka maniniwala, hala sige ikaw ang bahala, basta ako, hindi ako guilty! Para sa iba, ang nabanggit ko’y tila isang malaking tropeong napanalunan at dapat ipagmalaki; kabaliktaran naman ang pananaw ko tungkol dito (pero syempre kailangang i-enjoy yung moment). Hindi dahil hindi ako deserving sa recognition kundi dahil alam ko na nasa masaya ngunit maliit na comfort zone lang ako nag-aaral. Dahil yun nga ang nangyari sa ilang bahagi ng aking kwento, ayon purong-puro at buong-buo ang rutang bahay-eskwelahan at eskwelahan-bahay na sadyang sinusunod ng lingkod n’yo. Wala kasi kaming mall, wala kaming net cafe, wala kaming fast food chain, atbp., in short, walang ibang mapagtripan sa lugar namin. Dati, madalas din akong mapagsabihan na “bibilhin ko ang smile mo Loadplus” dahil nga daw hindi nila madalas nakikita na ngumingiti ako at tumatambling sila pag nakikitang nakasmile ako. Hahahaha! Ang gusto ko lang talagang sabihin, mukhang seryoso masyado ang buhay ko nang mga panahong yun; pero sa totoo lang, ang lahat ay maling akala lamang dahil ang dami ko ngang mga bilanggong kalokohan, mga power hug na jokes, at hindi ako kasing seryoso gaya ni Ninoy na nasa dating pera ng Pilipinas na limandaang piso (yung ‘di pa included si Cory). Parang gumagawa daw kasi ako ng bakod sa kaharian ko kaya hindi sila makapasok-pasok; exaggerated man masyado pero natutuwa ako dahil may ilan sa kanila na sinisira ang harang na ito makilala lang ang tunay na ako. Thank you so much sa inyo!
(itutuloy…)


Mga banat ni Juan Tam-ad (with Nene de Bakit)


BABALA: Ang susunod na pakulo ay bawal basahin ng mga masisipag na frog (ano daw? :p). Huwag matigas ang ulo…

Juan Tam-ad: Si Cory Aquino ka ba?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Marami kasing kamukha mo sa mga panaginip ko.

Juan Tam-ad: Apat ba ang paa mo?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Madalas kasi, gusto kitang upuan at higaan kahit one hundred years pa.

Juan Tam-ad: Si Chaka doll ka ba?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Parang natatakot kasi akong magtrabaho dahil sa yo.

Juan Tam-ad: Alarm clock ka ba?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Magaling kasi ako mag-set ng plano, baka gusto mo?

Juan Tam-ad: Milyonaryo ka ba?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Akala ko kasi magkatulad tayo — parang may yaya na umaasikaso.

Juan Tam-ad: Kalendaryo ka ba?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Paggumigising kasi ako sa umaga, madalas akong mapagsabihan ng ANONG PETSA NA?

Juan Tam-ad: Miss, teacher ka ba?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Gusto ko kasing turuan mo ako; ang sabi kasi nila ROBOT daw ako.

Juan Tam-ad: Si PNoy ka ba?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Gusto ko kasi ng pagbabago; para sa tuwid na daan tayo! (may himala!)

F-R-E-E-Z-E! O s’ya, kayo na lang ang bahalang humanap ng humor sa post na ito. Sana may makahanap sa inyo. Good luck! :p


Libre lang mangarap!


BABALA: Huwag kang bumitaw kung ayaw mong mahulog.

Lahat tayo ay nabubuhay sa ating mga munting pangarap. Kayang-kaya nating isipin anuman ang gusto nating gawin; kayang-kaya nating abutin anuman ang naisin natin kahit gaano pa ito kalayo; kayang-kaya natin ang lahat dahil nga libre lang mangarap! 🙂
Ang maging isang blogero ay isa lang sa mga simpleng pangarap ko dati. Ngayon, ako’y lubos na nagpapasalamat dahil sa hinaba-haba ng paghihintay ko, ibinigay din ang pagkakataong ito. Lol. Totoo nga ang sabi ng iba na “the long wait makes the reward sweet”. Para sa isang probinsyano sa internet na tulad ko, ito’y isang simpleng katuparan na hatid/dala ay isang simpleng katanungan na kay hirap sagutin — ito ay ang tanong na, kaya ko bang hawakan/dalhin ang biyayang ibinigay sa akin? Ang puntong nais kong i-raise ngayon sa post na ito ay minsan tunay na mahirap, matagal, at malabo ang katuparan ng ilan sa ating mga pangarap; minsan nga parang gusto na nating bumigay at umayaw; subalit ang pinakamaganda nating dapat gawin ay ang maniwala sa bawat pangarap na meron tayo at siguradong ito’y ibibigay sa atin sa tamang panahon. Kung darating man ang panahon ng katuparan sa dati’y mga libre nating pangarap, huwag na huwag natin itong sayangin; ibigay natin ang lahat ng ating lakas at makakaya upang ito’y di mahulog at di mawalang bigla sa atin.
Bilang huling punto, hindi masama ang pangarap; ang mga pangarap na ito ang nagsisilbing ilaw na nagbibigay liwanag sa tuwid na daang gusto nating tahakin. Dream, Believe, Survive! — dapat parang nasa StarStruck lang tayo; at kung kaya nating isipin, dapat kaya rin nating gawin.