Category Archives: Mga Tulang Hindi Pinag-isipan

Kwentong Honesto sa Bayan Ko


Honest 'to, Promise! (Photo source: www.abs-cbn.com)

Honest ‘to, Promise!
(Photo source: http://www.abs-cbn.com)

Sa pagbungad ng panibagong taon;
Kwento ng Pilipinas kaya’y anong magiging hamon?
Tanong nina Kris at Edu na “GKNB?”;
Masasagot ba ng Pilipinas ngayon ng game na?

At dahil ang kwento ng buhay ay parang gulong;
Pakikipagsapalaran ni PNoy para sa bayan ay saan ba hahantong?
Maisusulong pa kaya niya ang malawakang katuparan ng tuwid na daan para sa mga boss ng bayan?;
O di kaya’y makikisabay na lang tayo kay Sarah G. na kumanta ng ikot-ikot lang dahil tanggap na nating ang pangako’y wala pang tiyak na patutunguhan?

Ngunit ang mas nakakalungkot pang isipin sa panahon ngayon;
Marami sa atin na imbes makiisa para sa pagbangon ay nagkukunwari lang at may iba palang intensiyon.
Halimbawa na lang ay ang mga rally dito’t rally doon ng ilang grupo d’yan sa lansangan;
Hangarin ba talaga nila’y tunay na para sa taong bayan?

Sabi nga ng isang OFW kong nakilala;
Kadalasan kapag nasa ibang bansa, sa kapwa Pinoy daw ay ‘wag agad magtitiwala.
Tanong ko sa kanya kung bakit niya nasabi;
Sagot niyang matindi, “madalas kasi ay may crab mentality”.

Kaya sana dumating ang araw na tayong lahat ay magkaisa’t magbago na;
Upang bawat Juana’t Juan ay nakataas noo na lalakad sa daan.
Ang pag-unlad ng bayan ay pag-unlad ng mamamayan;
Ngunit imposible ang lahat kung ang bawat isa’y hindi makikipagtulungan.

Ikaw, ako, kasama kayo;
Tayo ay Pilipino at kwento natin ang lahat ng ito.
At sa laban nating ito na tila Yolanda man sa laki;
Panlaban natin ay bayanihan at ang sikat na sigaw sa EDSA ni Tita Cory.

Advertisements

Melason ng Pag-ibig


z

Sa bahay ni Kuya kayong dalawa ay nagkakilala;
Naging malapit sa isa’t isa at sa buong baya’y nagpasaya.
Gabi-gabing tinutukan kahit ang pasimpleng ligawan;
Kilig kasi’t tawa sa inyo’y hindi naka-kaban.

At sa paglabas n’yo sa PBB house, Melason in the City lang ang laban;
Naging totohanan ang relasyon ninyong kahit si Kris ito’y kinagiliwan.
Ngunit isang araw, nabalitaan na lang ang inyong hiwalayan;
Tanong ng karamihan, “ang mga puso ninyo’y muli pa kayang mabubuksan?”

Lumipas ang mga araw at kayo’y muling nagkasama;
Sa pangalawang pagkakataon na ito kayo’y mas nagkakilala pa.
Naging magkaibigan at muling nagkamabutihan;
At sa puntong ito, kwento ng pag-ibig ninyo’y sa kasalan na ang patutunguhan.

Lahat ngayon ay masaya para sa inyong dalawa;
Hangad ng masa ang tagumpay sa bago ninyong kabanata.
Sana’y hindi kayo susuko at maging matatag lang sa laban;
Sa ngalan ng pangarap, pamilya, at pagmamahalan.


Ang Pugad na Tahanan


Photo taken from: urbanlandscape.org.uk

Ang larawang ito ay mula sa: urbanlandscape.org.uk

Napakalayo na ang narating ko sa buhay;
At ilang bansa na ang aking nalakbay.
Ngunit ang hindi ko kayang ipagpalit sa anumang yamang taglay;
Ay ang mga natutunan kong aral sa loob ng pugad naming bahay.

Mag-aral kang mabuti kahit wala kang baon parati;
Ang sabi nina Itay at Inay habang ako’y lumalaki.
Matataas na pader, estero’t mga kable ng kuryente;
Nakapalibot man sa amin, kami’y di nagpapaapi.

Nakakatakot man isipin ang totoong sitwasyon;
Ngunit may karapatan ba kaming sa Diyos ay maghamon?
Alam kong ito’y ibinigay Niya upang kami ay subokan;
Kung ito’y malalagpasan ng aming kapit bisig, paniniwala, at pagmamahalan.

At sa pagdaan ng mga taon ay nagbago na ang lahat;
Kaya ng pagandahin ang ilong, katawan, o maging kulay ng balat.
Ang ipinapangamba ko lamang ay ang makatanggap na naman ng sulat;
Na nagsasabing gigibain na ang pugad kaya kailangan n’yo ng lumipat.

Masaklap man ang kinahinatnan ng pugad naming tahanan;
Salamat na lang sa mga kamay na nand’yan upang kami ay alalayan.
Upang makabuo muli ng panibagong matitirhan;
Doon sa mas ligtas at mas maayos daw na lugar na pangako ng pamahalaan.

Sa huli isa lang ang gusto kong patunayan;
Hindi madali ang mamuhay sa isang pugad na tahanan.
Ngunit sa hirap ng buhay lahat kayang subokan;
Upang malagpasan ang mga dagok ng kapalaran sa loob ng bawat tahanan.

Ang tulang ito ay aking opisyal na lahok para sa Saranggola Blog Awards 5. (http://www.saranggolablogawards.com/)


Nangingibabaw


Ganito ba ang wakas ng pag-iibigan n'yo?

Ganito ba ang wakas ng pag-iibigan n’yo?

Nang magkakilala tayo sa Tondo, nagsimula na akong mag-I Love You;
Hindi ako sumuko kaya ika’y napa-oo.
Wasak man ako noon ngunit tinanggap mo ‘ko ng buong-buo;
Kasing puro ng Kapeng Barako.

Makalipas ng mga araw, tayo’y mas nagkasundo;
Araw-araw kasi tayo’y parating kapit-tuko.
Sa umaga, sa gabi, o sa pagguho man ng mundo;
Pangako nati’y di tayo magkakalayo.

Ngunit ang lahat ay nagbago ng nangibabaw ako sa’yo;
Pakiramdam mo kasi ako ang parating panalo.
Kaya natuto na ako at ipinaubaya ko sa’yo;
Mas naging maganda naman ang bago mong puwesto.

Lahat ay maayos naman kasama ka;
Ngunit nagising na lang ako isang umaga na wala ka na.
Nangingibabaw ka na pala ng iba;
At sa Youtube mo pa sa akin ipinakita.

Wish ko lang masaya ka na ngayon;
Dahil nakaraos na din ako sa pagdaan nitong mga taon.
Sa haba ng paghihintay ko’y nahanap ko rin;
Ang taong muling magpapatibok ng puso kong nangangailangan ng pansin.


Aabutin Ko Ang Langit


Maingay na mundo ang ginagalawan ko;
At tila sobrang bilis kung dumaan ang oras dito.
Araw-araw halos magkatulad lang ang ginagawa ng ibang tao dito;
Pasimpleng nakaupo at lumalanggoy sa tripleng “W”.

Wala naman talagang masama sa pag-unlad ng teknolohiya sa mundo;
Ngunit ang masaklap lang ay may ibang tao na tila nakakulong na dito.
Walang ibang magawa kundi ang magpost, maglike at magshare;
Sabayan pa ng kanilang YM at twitter.

Ngayon na ang panahon ng pagbabago;
Dapat sa tama at makabuluhan lang sana iikot ang mundo mo.
Langit man ito kung iisipin;
Ngunit sabi nga nila na kung kayang isipin ay kaya din nating gawin.

Walang imposible at lahat mangyayari;
Kapag sa tuwid na daan ka sadyang sasali.
Makiisa na at ibangon ang sarili;
Upang ang pangarap nati’y matupad ng ganoon lang kadali.