Category Archives: Love Story

Hanging Strangers


Friendship or Love

Friendship or Love

 

Sa pamamagitan ng isang simpleng friend request ko, bumigay siya at doon nagsimula ang lahat. Sabi ko, “Kailangan ko ‘tong subukan. Kailangan ako ang gumawa ng first move kasi ako naman ang nangangailangan“. Dahil mabilis nga ang naging response niya, dahan-dahan na lumalim ang relasyong sa ami’y namamagitan. Alam kong nagkakamali ka ng iniisip mo ngayon tungkol sa amin, hindi po naging kami lilinawin ko lang po ha (ang dami kasing sabit hehehe). Naging friends lang po talaga kami, ngunit ramdam ko naman na nandoon yung interest niya sa akin na more than friends kahit di pa niya sabihin (sa gwapo ko ba namang ito LOL). Araw-araw nga, lumalawak na ang aming napag-uusapan; araw-araw, mas lalo ko siyang nakikila at mas lalo siyang nahihiwagaan sa pagkatao ko. I’m giving her kasi an impression na hotheaded ako, an impression na ang weirdo kong tao, at an impression na hindi ako mabait at hindi dapat mahali’t pagkatiwalaan. Sabi niya, “bakit mo ‘to ginagawa? Be true to yourself dahil I will not judge you. Narito ako para umintindi sa’yo (ang cute lang di ba?)”. Alam kong tama siya, ngunit sana makuha niya na hindi ganun kadali ang lahat. Sa tamang panahon, dadating din kami sa puntong yun na handa na kami sa anumang responsibilidad. Walang takot. Walang pressure. Walang hesitation.

Summing these up, all we just wanted is to create a so called “new generation friendship” with a foundation of strong thrust but unfortunately, we’re caught in a situation where our trusts are tested at ang alab ng tapang ay patuloy na hinahamon. What will be the ending of our story? How I wish we will not end up as hanging strangers.

WARNING: Don't talk to strangers.

WARNING: Don’t talk to strangers.

Advertisements

Kami, Siya, at Ako (Part 11)


Sa isang close family event, nagtagpo ang landas ng apat, si Roman kasama si Bella at si Alberto kasama si Amara. Ng gabi ding iyun ay sorpresang inihayag ni Alberto ang engagement nila ni Amara. Di maipaliwag ni Roman ang nararamdaman. Parang tumagos pa rin sa puso niya ang sakit ng katotohanang kailangan niyang tanggapin. Magpapakasal na ang Amara niya sa kapatid niya. Uminom ng uminom si Roman ng gabing iyun upang makalimutan ang lahat at baka daw sa paggising nito ay magbago ang lahat. After 3 months nun ang napag-usapang date ng kasal nina Alberto at Amara. “Babe, alam kong hindi po pa lubusang nakakalimutan si Kuya ngunit sana ay hayaan mong akong pumasok sa puso mo. Mahal na mahal kita at handa akong maghintay sa panahong mahalin mo ako ng buong-buo” ang minsang magsusumamo ni Alberto kay Amara. “Mahal ko si Alberto at ayoko ko siyang saktan.” ito ang naging huling pasya ni Amara. Matutuloy kaya ang kasal nina Alberto at Amara? Muli bang lalaban si Roman sa kanyang nararamdaman kay Amara? May pag-asa pa ba ang lahat para kay Amara at Roman?

ITUTULOY…


Kami, Siya, at Ako (Part 10)


Matapos ang pagkikitang muli nina Amara at Roman, halos noon lang din ay nakilala ni Amara si Alberto. Mabait si Alberto, maalaga, may humor kausap at may angking kagwapuhan din ang binata kaya di nagtagal ay napaibig na din si Amara sa kanya matapos ang ilang buwan ding pagsuyo sa kanya ni Alberto. Naging madalas ang pagkikita nila Alberto at Amara at tuwing tinititigan ni Amara ang binata ay ang mukha ni Roman ang nakikita nito. May pagkahawig kasi ang binata kay Roman at halos hindi din malayo ang agwat ng edad nito sa dating nobyo ni Amara. Hindi maipaliwanag ni Amara ang lahat basta ang alam niya ngayon ay mahal niya si Alberto at dahil dito hindi siya naging malihim dito — tungkol sa kanya at kay Roman. Sa pagtatapat ni Amara, noon din niya nalaman ang katotohanang si Alberto at Roman pala ay magkapatid sa ina. Akalain mo nga naman. Masyadong mapagbiro ang tadhana. Paano kaya sasabihin ni Alberto sa nakakatandang kapatid sa ina na ang dati nitong nobya ay ang babaing mahal na mahal niya ngayon?

ITUTULOY…


Kami, Siya, at Ako (Part 9)


Tatlong taon na ang nakalipas matapos ang hiwalayang Roman at Amara. Nakapagmove-on na kaya ang dalawa? Si Amara ngayon ay kakabalik Pilipinas lang matapos ang kontrata niya sa Canada. Sa kanyang pagbabalik ay hindi niya akalain na magkikita silang muli ni Roman. Kasama ni Roman ang isang maganda at fashionistang dalaga. Hindi sila nakapagsalitang dalawa. Akala ni Roman ay nakalimutan na niya si Amara ngunit ngayong kaharap niya muli ang dalaga ay tila hindi pa rin naglaho ang pagtingin niya dito. Matapos ang matipid na kumustahan nina Roman at Amara, “Honey let’s go!” ani ni Bella, ang babaing ngayon ay kumukulupot sa braso ni Roman na tila nagsasabi kay Amara na “this is now mine Amara”. Samantala, sa tatlong taon na nasa Canada si Amara, marami ang nagpahayag ng pagtingin sa kanya ngunit lahat sila ay hindi pinagbigyan ng dalaga. Siguro dahil hindi pa siya handang umibig muli. Siguro dahil hindi pa siya nakakakita ng katulad ni Roman. Para sa dalaga, matagal na niyang napatawad si Roman. Halos nakalimutan na nga niya ang lahat ng sakit na yun dulot ng ginawa ni Roman.

ITUTULOY…


Kami, Siya, at Ako (Part 8)


Hindi na sinagot ni Amara ang text ni Roman. Tumatawag din ang binata ngunit hindi na niya ito sinagot. Habang sakay siya ng bus na yun pauwi ay batid ni Amara na mukhang nagkamali siya na lubos ang tiwalang ibinigay niya sa nobyo. Nakauwi na nga siya sa kanila at dahil sa nangyari, hindi siya nakatulog ng maayos.
Kinabukasan, isang “SORRY NA” gimik ang ginawa ng binata kay Amara sa kanilang campus ngunit pinilit ng dalaga na magcool-off daw muna sila ni Roman. Mula noon ay nagbago na ang lahat sa dalawa. Lalo pang lumala ang sitwasyon ng malaman ni Amara mula na rin sa narinig niyang usapan ng mga katropa nito ang tungkol sa kanilang pustahan. Humingi ng tawad si Roman kay Amara ngunit malabo daw na mapatawad siya nito. Matapos ang masakit na hiwalayan, nagbago daw si Roman, madalas daw itong liban sa klase at maging sa basketball practice niya. Mukhang tinamaan daw talaga ito kay Amara kaya ganoon kabigat upang matanggap niya ang lahat. Kawawang Roman. Kahit gaano man kasakit ang nagawa ni Roman kay Amara, di pa rin maalis sa kanya ang maawa sa dating nobyo. Ngunit para kay Amara, hindi na niya kasalan ang nangyayari ngayon kay Roman.
Lumipas ang mga buwan at dumating ang pagtatapos nila. Tuluyan na kayang matutuldukan ang lahat? Magkakahiwalay na ba talaga ang landas nina Roman at Amara?

ITUTULOY…


Kami, Siya, at Ako (Part 7)


Matapos magbihis ni Amara, tumayo si Roman at lumapit sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga. Makahulugang tingin ang ibinigay ni Roman sa kanya. Mas lumapit pa si Roman at akmang hahalikan na ang dalaga. Nagpaubaya si Amara ngunit siya naman at unang kumawala. “Roman, hindi ‘to tama” ani Amara. “Mahal kita Amara at handa akong patunayan iyan sa’yo” ang sagot ni Roman. Muling hinalikan ni Roman ang dalaga. Ngayon, mas mainit, mas mapusok. Ngunit ng pilit ipinahiga ni Roman si Amara sa kama ay umiwas na ang dalaga. “Amara kahit ngayon lang. Mahal kita at mahal mo ko di ba?” ani Roman. “Roman, mahal kita ngunit hindi talaga ‘to tama. Sana maintindihan mo ko. Hindi pa ako handa.” ang sabi ni Amara.
Ngunit dala ng libog at ng ideyang pustahan nila ng kanyang mga katropa, mukhang walang balak si Roman na pauwiin si Amara na hindi siya nakaka-score. Mananaig kaya ang pagmamahal at respeto niya kay Amara? Matutuloy kaya ang balak ni Roman na mapaligaya si Amara?

ITUTULOY…


Kami, Siya, at Ako (Part 6)


Isang araw ay sinundo ni Roman si Amara sa kanilang bahay upang pumasyal sa kanila at magswimming. Nasa business trip daw ang kanyang mga magulang at wala siyang makausap. Pagdating nila ay dumiretso na sila sa may pool. Nakaupo na sila sa gilid ng pool ng tumayo si Roman. Hinubad nito ang suot na tshirt. Napakaganda ng katawan ni Roman at kinilig si Amara sa magandang view na nakikita niya. Akala ni Amara ay da-dive na si Roman ngunit bigla siya nitong hinila at sabay silang napahulog sa pool. “Roman naman! Nakakainis ka ha..” ang nasambit ni Amara ngunit tawa lang ng tawa ang sagot ng binata sa kanya. Wala ng magawa si Amara kundi maligo na lang kahit di na nakapagpalit ng pampaligong damit. Matapos nilang pagsawaan ang swimming pool, niyaya na ni Amara ang binata na umahon na at baka daw late pa itong makauwi sa kanila. Sa kwarto ni Roman, napaupo ang binata sa gilid ng kama habang naliligo si Amara sa kanyang bathroom. “Baby ko, sabay na tayo!” malokong saad ni Roman. “Sige subukan mo lang at magkakagulo ang mundo” seryoso namang sagot ni Amara. Matapos maligo, lumabas si Amara na nakatapis lang ng tuwalya. Pinatalikod niya si Roman upang makapagbihis na siya. “HUWAG NA HUWAG KANG LUMINGON ROMAN”, utos ng dalaga.

ITUTULOY…