Category Archives: Lesson 101

Posisyon: Nakaupo


Ito ba ang gusto mo?

Ito ba ang gusto mo?

Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat. Tuwing may time, parati na lang s’yang nauulit; hindi napipigilan kahit mag-isa tayo, kahit saang lugar, at kahit anong panahon man, lalung-lalo na kapag wala talagang ibang magawa. Nakakatamad man ngunit parang di nakakasawa. Minsan halos buong araw, ito lang ang ating ginagawa. Masama man o hindi man healthy ngunit minsan kasi dito natin nahahanap ang sarili natin, dito natin nahahanap ang sagot sa mga problema natin, dito natin nahahanap ang sariling kasiyahan, at dito natin nahahanap ang mabisang pantanggal ng stress kaya hindi rin talaga natin masasabing mali o hindi dapat gawin. Siguro ang maganda nating gawin ay siguraduhin lang natin na matapos ang lahat, positive ba ang kahahantungan nito sa buhay natin. Nasa atin na kasi ang kontrol. Nasa ating mga kamay na ang desisyon kung tatayo ba tayo at susubok ng bagong posisyon o mananatili na lang tayo sa nakasanayan na. Para sa akin, ito ang pinakamalaking hamon sa atin ngayon ng ating panahon. Ikaw, kakasa ka pa ba?
Ngayon, bilang panghuling punto, dahil tayo ang itinuturing na pag-asa ng bayan, sana kahit tayo’y nakaupo huwag nating kalimutang makialam sa mga nangyayari sa ating paligid. Sa henerasyon natin ngayon, kahit tayo’y nakaupo ay kayang-kaya nating ipaabot sa kabilang dulo man ng mundo ang magagawa natin para sa pagkakaisa, kapayapaan, at pagbabago. Upo-upo din ‘pag may time but bear in mind na we should make the most out of everything we have. Lumangoy tayo habang nakaupo!