Category Archives: Annual events

Steel of my Life


Nakakalungkot isipin na may mga tao na ang nakikita lang ata ay ang mali at pangit sa mundo. Hindi ba nila alam na kahit sa simpleng bagay ay ang dami ng maaaring ipagpasalamat? Hindi ako galit sa kanila, ngunit ang mahirap kasi ay kapag yun na lang parati ang naririnig ko sa kanila. Nakakapagod, nakakasura, nakakayamot, at nakakatanggal ng good vibes. Emo na nga ang buhay ko, dadagdag pa ang mode na ganun mula sa kanila. Hahaha
Anyway, tama na ang negativity at tayo na lang ay tumawa ng hahaha at hehehe upang makapanood na tayo ng Dance of the Steel Bars at Man of Steel (anong konek? :p). Speaking of steel, ano ba ang steel ng buhay mo? Ito ba ang steel na ipinagmamalaki mo sa mundo? Ito ba ang steel na nagpapahirap sa’yo? Ito ba ang steel na karangalan ng pagkatao mo? O ito ba ang steel na kailanman di magbabago sa’yo anuman ang gawin mo? Ito’y mga katanungan ko sa’yo kaibigan na gusto kong malaman ang iyong kasagutan. Kung ako ang tatanungin mo, ang hawak ko ngayong steel ay ang steel ng buhay ko na biyaya ko sa’yo. Ang steel na ang parating hatid ay saya, kaalaman, at mumunting ngiti para sa’yo. O s’ya hanggang dito na lang at baka kung saan pa mapunta ang usapang ito. Happy Independence mga ka-Steel ko dito sa blogworld. Wink!

P.S.
Sa lahat ng ama sa mundo, Happy Araw ng mga Ama po sa inyong lahat! Mabuhay kayo.

Advertisements

P.S. 143 June


(Photo source: www.answerbag.com)

(Photo source: http://www.answerbag.com)

I Love You June…
Because of you, our life’s stories started.

As for instance, it was you June when we’ve made our special vows. It was you June when our cute babies made their first cries. It was you June when our babies started to learn how to read and write. And it was you June when we’ve shouted our independence to the whole world. Ikaw na talaga si June na walang malay! Hehehe

Dahil sa naging parte ka na ng aming buhay, lubos kaming nagpapasalamat sa’yo June. Dumaan man ang mga araw at buwan, mananatili ka parati sa aming mga puso June. Sana sa muli nating pagkikita June ay maipadama mo muli ang inspirasyong dala-dala mo. Ang inspirasyong bumuhay ng aming katawang lupa, ang inspirasyong humubog ng aming pagkatao, at ang inspirasyong naging “source” ng aming mumunting kasiyahan araw-araw. Sa bawat tagumpay at kabiguan namin sa buhay, alam naming nand’yan ka parati at naghihintay na sa’yo kami’y magbabahagi ng aming maliliit at malalaking kwento ng paglalakbay. Tunay na nag-iisa ka June. Para sa amin, hindi kumpleto ang buhay kung ‘di namin mararanasan taon-taon ang 30 araw na pagmamahal mo sa amin June. Ang 30 araw na buong-buo at ‘di magbabago. Sulit na sulit na karanasan ang hatid mo sa amin June. Salamat sa lahat-lahat.
I Love You June…

P.S.
Paki-regards mo na lang kami kina January, February, March, April, May, July, August, September, October, November, at December. Ingats June. 🙂


Dearest Mama (a late Mother’s Day offering)


08:16 am, Mon May 14 2012

Dear Mama,
Alam kong natatandaan n’yo pa rin yung first letter ko sa’yo Ma — yung letter na requirement namin sa isang subject noong high school. Ngayon, ang open letter na ito ay hindi isang requirement kundi gusto ko lang talaga. Kakalungkot nga lang dahil mukhang hindi mo pa ito mababasa sa ngayon. Nawa’y darating ang tamang panahon at mababasa mo rin ito.
Ma, salamat nga pala sa lahat ng pag-aalaga, pagmamahal, suporta, at tiwala. Sa tindi ng bilib mo sa iyong tatlong anak, madalas mo kaming ipinagbibida sa halos lahat ng iyong makakwentuhan d’yan sa ating Purok Masiyahin (peace Ma!). Alam namin Ma ang hirap na dinaanan mo (kayong dalawa ni Papa actually) sa pagpapalaki sa amin at pati sa pagpapa-aral sa amin. Wala man tayong malaking lupain at negosyo pero nakapagtapos pa rin kaming tatlo ng pag-aaral dahil sa pagtutulungan ninyo ni Papa at sa tiyaga at diskarte mo sa pagpapatakbo ng ating munting sari-sari store (na minsan sira-sira store na dahil pinapadala mong pang-allowance namin ang dapat sana ay pandagdag puhunan na). Ma, huwag kang mag-alala dahil pipilitin naming masuklian ang lahat ng pagsasakripisyo ninyong dalawa ni Papa. Pipilitin naming mapaayos ang ating maliit na nipa house at pipilitin naming magbuhay Reyna at Hari kayong dalawa ni Papa. Maraming salamat talaga sa inyo Ma. Hindi ka man namin nabati ng Happy Mother’s Day kahapon, ngunit sana sa simpleng sulat kong ito ay maramdaman mo ang pagmamahal namin sa’yo. Ikaw ang Best Mama in the world para sa amin Ma. Belated Happy Mother’s Ma! Mahal na mahal ka namin Ma!

Nagmamahal,
Loadplus (with Ate and Kuya)