Category Archives: Ala nobela

Mga nagliparang Pangarap (Huling Yugto)


hope

Mula ng mag-artista ako, nagbago na ang lahat sa buhay ko. Dahil sa kasikatang taglay ko, naging mainit rin ako sa mata ng mga taga-press kung kaya’y ilang sex scandal, nude photos, at ilang nakakasirang isyu ang nagsilabasan tungkol sa akin mula sa aking mga bashers at sa mga gustong magpabagsak sa akin. Naging malaki na rin kasi ang aking ulo, nagkaroon ako ng iba’t-ibang karelasyon, at lihim ding nalulong sa druga at sugal. Kahit nakagawa man ako ng sarili kong pangalan sa showbiz, unti-unti ding tumamlay ang aking karera dala ng mga isyung kinasangkutan ko. Di naglaon ay bigla na lang nawala ang lahat; bumagsak ang aking dati’y napakainit na karera. Huli na bago ko na-realize ang lahat at wala na akong magagawa pa. Kahit papaano, may naipon at naipundar din naman ako mula sa pag-aartista; ngunit dahil sa luho at bisyo, naubos din ang mga ito. Mula noon, tumanggap ako ng napakaraming indecent offers. Ilan sa kanila ay nasa pulitika, may mga kilalang negosyante, at ang ilan ay mga taga-showbiz din na kadalasan ay mga nagtatagong ayaw lumantad. Katawan ang muli kong ginawang puhunan. Katawan ang ginamit ko upang muling kumita’t maabuhay. Sa kasamaang palad, nagkasakit ako. Mula noon, humina at di naglao’y natigil ang nakasanayan kong raket.
Umuwi ako sa probinsiya. Doon ay nagsimula akong gumaling sa aking pagkakasakit at bumalik ang dating tikas ng aking pangangatawan. Sa kabila ng lahat, naging kakampi ko ang aking mga magulang at kapatid. Madalas, pinagsisihan ko kung bakit di ko inalagaan ang biyayang iyun sa aking buhay. Hawak ko na sana ang pinapangarap ng lahat ngunit ang mga ito’y isa-isang nagsiliparan. Wala mang natira sa akin, pinilit ko pa ring magpakatatag, magbago, at mangarap muli. Sa ngayon, kahit sa simpleng buhay ay masaya na ako dahil sa wakas ay nakabuo ako ng isang bago at maayos na pamilyang puno ng pagmamahalan. Nakakilala rin ako ng mga taong handa pa ring tumanggap at magmahal sa akin. Ang pinto ng pagbabago ang siyang nagbukas ng lahat. At sa Panginoong patuloy na nagmamahal at sumusubaybay sa akin,lubos ang aking pasasalamat sa Kanya.

WAKAS


Mga nagliparang Pangarap 4


Dahil sa nangyari, napagpasyahan kong mangibang bayan muna. Mula sa probinsya, nakipagsapalaran ako sa magulong buhay sa Manila. Laking pasasalamat ko ng makahanap agad ako ng maayos na trabaho. Di man ganun kalaki ang sweldo ngunit di rin naman ganun kabigat ang trabaho. Noong una ay medyo nahirapan akong makipagsabayan; nahirapan akong makisama sa mga katrabaho. Lumipas ang mga araw, natutunan ko rin kung paano sumabay sa bagong agos na ito. Marami akong nakilala; ilan sa kanila ay nagpaparamdam pa ng kanilang interest sa akin. Lalaki lang ako at may pangangailangan, kung kaya’y di ‘ko na maiwasang bumigay sa iilang makamundong tukso ng buhay. Ngunit para sa akin, ang lahat ng iyun ay hindi seryoso. Wala pa akong nakikilala na gaya ng baby ko.
Isang gabi, habang pauwi na ako galing trabaho, dumaan muna ako sa isang mall. Wala naman talaga akong balak na bilhin ngunit parang may kakaibang puwersa na gusto akong dalhin papasok sa nasabing mall. Naglibot-libot ako. Napadaan ako sa stall ng isang kilalang brand ng pantalon. Magsisimula na sana akong mamili ng may lalaking lumapit sa akin at nagpakilala. Isa daw siyang talent manager at tinanong niya ako kung gusto ko ba daw mag-artista. Dumaan kami sa ilang araw ng detalyadong pag-uusap at sa huli’y humantong ng pagpirma ko sa isang kontrata. Dahil sa taglay kong hitsura at karisma, nagsimulang yumabong ang aking karera. Ilang taon lang ang lumipas ay taglay ko na ang kasikatang di ko inakala.Ilang magagandang proyekto rin kasi ang aking nagawa; hindi lang sa telebisyon kundi maging sa pelikula. Saan man ako pupunta, ako’y kilalang-kilala na.

ITUTULOY…


Mga nagliparang Pangarap 3


Masaya ang naging pagkikita naming mga ka-batch. Simula ng araw na yun ay mas naging malapit kami ng aking sinisinta. Matapos ng ilang buwan kong panliligaw sa kanya, sa wakas ay naging official na kaming mag-on. Napakasaya ko sa araw na yun; ang araw na narinig ko ang kanyang matamis na oo. Sobrang saya ko noon na halos isigaw ko ito sa buong mundo. From single dati, ngayon, in relationship na din ang status ko.
Naging mainit ang relasyon namin ng aking unang pag-ibig. Halos araw-araw ay ipinapadama namin ang aming pagmamahal sa isa’t-isa. Alam kong masaya s’ya sa akin at mas wala na akong ihihiling pa habang kasama s’ya. Kapag magkasama kami, parati kong hinihiling na sana wala ng katapusan ang lahat sa amin. Mahal ko siya. Siya lang ang buhay ko.
Isang umaga, nagising ako na tila may something na di maganda akong nararamdaman. As usual, nagtext ako kay baby ko ng “Gud mwnin bhe. Luv U!” ngunit di s’ya nagreply. “Baka tulog pa yun”, ang nasa isip ko. Ngunit matapos ng ilang oras, isang balita ang natanggap ko na halos binagsakan ako ng langit at lupa sa sakit ng ito’y aking marinig. Ang baby ko, ginahasa at pinatay kagabi! Halos mabaliw ako. Hindi ko matanggap ang nangyari kay baby ko. Sobrang sakit ng pangyayaring ito.
One year after ng pangyayaring yun sa buhay ko, hindi ko pa rin nakakalimutan si baby ko. Feeling ko, matagal na panahon pa ang kailangan bago ko muling mabubuksan ang aking puso. Hindi pa ako handang umibig muli. Sana makahanap pa ako ng babaeng katulad ng baby ko. Sana nga…

ITUTULOY…


Mga nagliparang Pangarap 2


Mahal rin kita! — ito ang sabi ng aking sinisinta na ngayon ay nasa harapan ko na. Nakatayo sa may paanan ng kamang aking kinahihigaan. Parang di ako makapaniwala. “Totoo ba ‘to?”, ang tanong ko sa sarili. Mas lumapit pa s’ya sa akin. Bumangon na agad ako at mabilis naming pinagsaluhan ang isang mainit na halikan. Mahigpit ko siyang niyakap. Ilang minuto pa’y naging mapusok na kami ng biglang isang malakas na alarm ng aking phone ang tumunog. Iyun ang gumising sa aking mahimbing na pagkakatulog; ang tunog na pumutol sa aking napakagandang panaginip. “Sayang naman!”, ang tangi kong nasambit. Panaginip lang pala ang lahat. Matapos ng ilang minuto ay bumangon na rin ako. 5:00 am na pala ng umaga ng i-check ko ang oras. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Matapos magmumog, uminom muna ako ng mainit na kape na sinamahan ko na ng loaf bread na nakita ko doon. Bumalik ako ng kwarto pagkatapos. Hinanap ko ang aking phone at may isa akong text message na natanggap. Galing ito sa barkada ko na kagagaling Canada. Magkikita-kita daw ang buong barkada (mga ka-batch ko noong high school) at inihirit pa niyang kasama daw ang aking sinisinta at marami pang iba. Excited akong nagreply na makakapunta ako. Sana aayon ang ihip ng kapalaran para sa torpeng binata na lubos lang na nagmamahal. Pag-ibig nga naman!

Itutuloy…


Mga nagliparang Pangarap 1


Gabi na ng makauwi ako sa bahay. Galing ako sa bahay ng aking kaklase noong high school na kakauwi lang galing Canada. Masarap ang naging kwentuhan namin kaya di na namin namalayan ang oras. Bitbit ko pauwi ang isang punong-puno supot ng kanyang ibinigay na mga pasalubong. Pagkabukas ko ng pintuan sa bahay, napansin agad ng mga nakababata kong kapatid ang dala ko na kani-kanila lang ay nakatuon ang atensyon sa pinanuod nilang palabas. Kasama nilang nanonood sina Mama at Papa. Pagkabigay ko ng dala ko, dumiretso na ako ng aking kwarto at sinabing hindi na ako kakain ng hapunan. Pagkapasok ko ng aking silid, naghubad ako ng damit, kumuha ng puting tuwalya at agad tumungo sa banyo upang maligo ng mabilis. Maalinsangan kasi ang panahon ng gabing yun. Matapos maligo at makapagbihis, naglog-in ako sa FB at nagpost ng “Mga nagliparang pangarap, saan kaya aabot?” Matapos lang ng ilang minuto, nakatanggap ang post kong ito ng ilang likes at comments. Isa sa nagcomment ay ang aking sinisinta na noon ko pa pinapangarap. Lumakas ang kabog ng kilig sa aking FB wall na naging tanda sa isang masaya naming usapan. Ayaw ko pa sanang matapos ang pagkakataong yun, ngunit wala na akong magawa ng nagpaalam s’yang magla-log out na. Mga ilang minuto lang ay nag-log out na din ako. “Good Nigth!” ang naisipan ko pang itext sa kanya. Naghintay ako ng reply ngunit inantok na lang ako wala pa rin s’yang reply. Nagpasya na lang akong umidlip na muna.

Itutuloy…


Sinimulan ko, Tapusin mo (Part 1)


Malamig ang gabi at halos katahimikan ang bumabalot sa loob ng silid na aking tinutuluyan. Maghahating-gabi na ngunit hindi ako makatulog. Ilang oras na din akong nakahiga at hindi mapakali. Hindi kasi ako nasanay na sa ibang bahay nakikitulog. Naisipan kong bumangon na lang muna at magtungo sa kusina upang humanap ng kaunting pang-midnight snack, ngunit wala akong mahanap. Walang laman ang kanilang ref maliban sa mga lalagyan ng tubig na pinapalamig. “Ang malas naman” ang tangi kong nasabi. Babalik na sana ako ng kwarto ng biglang nagbrown-out. Wala akong makita dahil sa dilim. Halos mapasigaw pa ako sa pagkabigla ng may tumapik sa aking balikat at parang may matulis na bagay na itinutok sa aking tagiliran. “Huwag kang maingay kung ayaw mong masaktan”, ito ang sabi ng isang di ko kilalang boses. Hindi na ako gumalaw dahil sa takot na pilit kong ikinukubli sa mga sandaling iyon. “Napasok ba kami ng akyat-bahay gang o pinagtritripan lang ako ng mga mokong kong kaibigan?”, ang tanong ko sa sarili. Mas lalo pa akong kinabahan ng inutusan niya akong hubarin ang aking suot na damit. Hindi na talaga ‘to maganda ngunit wala akong magawa kundi sundin ang utos niya. Hinubad ko ang pantulog kong t-shirt. Tanging boxer short na lang ang suot ko. “Huwag naman sanang mangyari ang nasa isip ko”, taimtim kong hiling.
.
.
.
F-R-E-E-Z-E

So mga kablog, kung kayo ang tatanungin, ano ang gusto n’yong ending para sa kwentong ito?