Category Archives: 2013

2013 in review


The WordPress.com stats helper monkeys prepared a 2013 annual report for this blog.

Here’s an excerpt:

A New York City subway train holds 1,200 people. This blog was viewed about 5,700 times in 2013. If it were a NYC subway train, it would take about 5 trips to carry that many people.

Click here to see the complete report.

Advertisements

Be Good To Me 2013


Happy New Year sa inyong lahat mga kablog! 2013 na nga talaga at tayo’y lubos na magpasalamat dahil hindi natuloy ang pagkawasak/pagkaguho ng mundo noong nagdaang taon. Ngayong taong ito, kailangang maging positive lang tayo parati upang sure na win na win ang ating 2013. Walang nega-nega. Dapat tuloy-tuloy lang ang buhay. Huwag tayong huminto. Dapat simulan na nating maglakad dahil tumatakbo ang oras ika nga nila.
At sa aking patuloy na pagsabak dito sa mundo ng mga blogero, please be good to me 2013! Ang tanging hangad ko lang ngayon ay ang maging isang simpleng huwaran, maging isang masayahing kaibigan, maging isang source ng kaalaman, at maging isang mainit na kaputokan hahaha. Anuman ang makamit ko at anuman ang marating ko bukas makalawa, ang lahat ng iyon ay hindi lang para sa akin, kundi para sa’yo (parang linya lang ni Malaya sa Indio di ba?). Nawa’y di kayo magsasawang samahan ako upang ating mapagsaluhan ang chacharap na buhay mga dabarkads. Kahit kunting pagtingin lang mula sa inyo ay masaya na ako. Huwag kayong mahihiya sa akin ha dahil sadyang maloko din ang isang ‘to!
O sige, hanggang dito na lang ang walang hanggan level na post na to. Para sa ating lahat, walang imposible sa pusong puno ng pag-asa. Tama ba?