#FinaLEE


Matagal na ring hindi ako nakapag-update ng blog na ito. Wala na kasi akong masyadong panahon para pagtuunan ito ng sapat na oras. Biglang handog muli, narito ang isang blogero na naging sobrang bait sa akin (alam kong alam niya kung bakit). Matagal na niyang nasagutan ang ipinadala kong “e-mail interview” noon ngunit ngayon ko lang mapa-published (Naghintay kasi ako sa kasunod na bahagi ng interview:p). Siya ay walang iba kundi si Christian Melanie Lee. #FinaLEE, it’s your time to shine!

Isang rakista? Hindi, galing rakista.com lang ang larawang ito.

Isang rakista? Hindi, galing rakista.com lang ang larawang ito.

Name/alias: Christian Melanie Lee
Birthdate: 11/25/1980
Age: 32
Location: Quezon City
School: FEU Fern College (also known as FEU Diliman)
Course: Information Technology
Awards received: #7- Top 10 Emerging Influential Blogs for 2012, Top 6 contender for Blogger Manila’s Blogger Apprentice Challenge 2012
Civil status: Single
Blog name: Blogged: Eccentric Yet Happy / Social Media PH
Blog URL: http://www.eccentricyethappy.info/ http://socialmediaph.net

Twitter username: @eccentricmelai/ @ph_socialmedia
Favorite Hashtag: #SakitSaBangs
Favorite Pinoy Movie and Song: Song from Sandwich and Kjwan. Sa movie: OTJ
Favorite sleeping position: nakatagilid
Sexiest word: luscious
Sexiest game:
Sexiest time of the day: In the evening
Hottest Film: madaming hottest film. Siguro ung OTJ, I haven’t seen the film pero ok ung storya nung pelikula.
Hottest website: probably Rogue Magazine Philippines.
Pick-up Lines: Para kang stats ng blog ko, oras oras kitang tinitigna.
Collection: I’m now collecting blogger shirts and seminar shirts.
Share a rare word: rare word for me, kaputs! (a friend of mine always saying this whenever he’s saying goodbye to us.)

“JUST FOR FUN” QUESTIONS
1. Sino ka sa loob at labas ng blog world?

Ako ay isa sa mga admins ng Pinoy Bloggers sa Facebook, researcher sa 2 kong kliyente na madalas nag blogger outreach sa mga campaigns nila sa Amerika at Canada. At saka Blogger at Social Media enthusiast.
2. Ano ang kwento bakit naisipan mong pumasok sa mundo ng mga blogero?

Naging libangan ko lang ang pagblog, pero nung Makita ko na pwede akong magshift from personal to lifestyle blog…madaming opportunities na dumating sa akin.
3. Ano ang mga bagay na natutunan mo mula sa pagbablog? Ano ang mga di makakalimutang karanasan sa pagba-blog?

Yung pagiging updated ang mga pinagpost sa blog ko. Isa siguro sa hindi ko makakalimutan na karanasan ay yung may nagtroll sa comment box ko sa 1 blog post ko nung nagsisimula pa lang ako magblog. Naovercome ko yun nang sa 1 pinagcontributan ko na blog nangugulo ung taong yun. Hindi nya alam na natrace ko kung sino ung nambully sa akin.

4. Ano ang ilang “facts” na hindi namin alam tungkol sa iyong blog?

Naka tatlong beses palit ng theme ang blog ko na Blogged: Eccentric Yet Happy at hango sya sa isang naging blog ko sa Tumblr. At ung Social Media PH ay nakaplano talaga magsimula pagkatapos ako nanalo sa Top 10 Emerging Influential Blog pero ung dati kong tech blog muna ang nilaunch ko noon.

5. Ano ang responsibilidad ng isang blogero? May maipapayo ka ba sa mga kapwa mo blogero at sa mga nais maging blogero?

Isa sa mga responsibilidad ng isang blogero ay dapat orihinal ang iyong post at akma sa iyong niche ang mga pinost mo. Wag mangopya ng post ng ibang blogero. Sa mga nais maging blogero, lagi kong sinasabi: Blogging is passion. Ipakita mo na may angking talento ka sa pagblog, maging malikhain ka sa mga gagawin mo sa blog mo.

6. Ano ang madalas laman ng bag na gamit mo?
Ang madalas na laman ng bag ko ay: netbook, USB connector, headset, wallet, Seretide (gamut ko sa hika), suklay, powder, bimpo, jacket.

7. Craziest thing you’ve done noong grade school days mo? high school days mo? college days mo?

Craziest thing na nagawa ko nung grade school ako ay nung mag grade 4 ako, imbes na maglaro ako ay nagbabasa ako ng encyclopedia. Nung high school, tinuruan ako ng kaibigan ko ng sayaw…imbes sa classroom nila naming ginawa, sa corridor ng hallway namin ako tinuruan. Nung college ako, hindi pa uso ang DSL na connection, kupad pagong ung dial up connection namin at try ko gumawa ng unang blog ko sa Geocities. That was year 2000. Hindi ko lang natuloy noon magblog, mahal ang linya ng dial up noon.

8. Pinakamalaking halaga ng pera na nahawakan mo?

Around 16,000 pesos. Yung total ng kinita ko sa 1 part time job online plus ung ibang raket ko nung last year.

9. What can you say about GMA, ABS-CBN, and TV5? Best and worst PH’s TV series?

Sa GMA, ABS-CBN at TV5, magaganda naman ang mga palabas. Kaso, ako ung walang time talagang manood. Best TV series, ung Pangako Sa Yo ng ABS. wala naming pinakaworst na napanoodkong TV series.

10. Coffee, Milk or Tea? Beauty or Brain? Handsome or Hot?
Coffee addict kasia ko. Brain. Kung handsome or hot, pwedeng both.

11. Inspirasyon mo sa buhay? Yung mga readers ko at yung mga taong sumusuporta sa lahat ng ginagawa ko ngayon.
12. Describe yourself bilang estudyante noon? Bilang isang dilag ngayon? Bilang isang mommy soon?

Ako ung estudyanteng strict at ayaw ma-late sa class. Kayod marina ako ngaun dahil sa daming ginagawang trabaho online. Kung magiging mommy ako, I will be the best mom sa magiging anak ko.

13. Describe your sex life in one word.

Naku, zero. LOL
14. Your way to say I’m sorry? Your way to show your anger?

Dinadaan ko sa sulat ang pagsorry ko. Pag nagagalit naman ako, matindi. Dinadaan ko sa hagis ng gamit.

15. Favorite line or quotations?

16. Latest updates sa buhay mo?

I’m currently handling 2 clients sa Odesk as a Virtual PR assistant, Social Media Marketer. Busy din ako pag gawa ng bago kong blog.

YOUR THOUGHTS ON…
Social Media: Social Media kasi ngaun, nagemerge na sya. Dadami pa ang mga social networking sites na magugustuhan ng mga netizens.
Blogging: Blogging is passion. Kung gusto mong makilala sa blogging community, you must be a great example sa ibang bloggers.
Life: Life is beautiful. Enjoy every minute of it.
Success: Having success in your career, you want to explore a lot of things.
Education: Education for me is important to fulfill your dreams.
Happiness: Happiness is around you whenever you’re inspired.
Love: Love is eternity. Makikita mo ang love pag kusang dumating sayo ung taong magmamahal sayo.
Virginity: Secure your virginity dun lang sa papakasalan ka.
S3X: If you having sex with someone, be sure lang na you’re doing safe sex.

Justice in PH: Justice delayed naman palagi. Sana lang magpag concentrate sila sa pagpataw ng parusa sa mga dapat parusahan na mga tao.

Online Games: Madaming naadik ngayon sa online games. Moderate lang kayo maglaro.
Long Distance Relationship: Mahirap na may LDR. Mahirap masaktan pag nalaman mong may iba ung bf/gf mo.
OFW: Ang mga OFW ngayon…sila ang bagong bayani natin. Nagpapakahirap na magtrabaho para sa pamilya nila.
Friends: Having a long lasting friendship will test you sa mga problema.
RH Law: With the RH Law, dapat ayusin nila muna ung batas. Kasi may mga tao pa na nde marunong intindihin kung ano ba talaga ang RH law.
PNoy: For Pnoy, he done a good job as the president of our country. Kaso, ang dami lang pumupuna sa kanya, lalo na sa mga controversial na issues ngaun.
PDAF: Scrap PDAF!

5WHAT IF’s…
1. What if may time machine ka, anong panahon o pangyayari ang gusto mong
balikan?

Siguro ung college ako. Madami akong dapat ayusin nung nagaaral ako.
2. What if bibigyan ka ng power na lumipad, saang lugar ka pupunta at sino ang iyong isasama?

Gusto kong pumunta ng Niagara Falls sa Canada. Gusto kong makasama best friend ko, si Nei.
3. What if papipiliin ka: Yaman, Kasikatan, o Hitsura? Anong pipiliin mo at bakit?

Hitsura. Kasi kung may yaman ka nga at sikat ka, anong silbi ng hitsura mo pag wala ka nung dalawang bagay na yan. May mga tao kasing mapanghusga sa hitsura ng 1 tao.
4. What if lilisan ka na ngayon, anong huling hiling mo?

Last wish ko, maaccomplish ko lahat ng ibang bagay na gusto kong gawin habang bata pa ako.

5. What if gagawa ka ng aklat, anong pamagat ang gusto mo?

Life of a multitasking blogger.

Best Regards

Christian Melanie C. Lee | Eccentric Yet Happy
Blogger | Researcher | Online Publisher | Freelance Writer

M: +639273181135
E: lee.christianmelanie@gmail.com
admin@eccentricyethappy.info

Twitter:
@eccentricmelai
@ph_socialmedia

Facebook page:

Facebook | Eccentric Yet Happy
Facebook | Social Media PH
Facebook | Poems Over Coffee
Facebook | Real Men Don’t Buy Girls

Blogs:

Eccentric Yet Happy
Social Media PH
Poems Over Coffee
Tumblr | Eccentric Yet Happy

#7- Top 10 Emerging Influential Blogger for 2012

Top 6 Contender – Blogger Apprentice 2012

About loadplus

This world is now my " new " world! #iPlus1forFun! ;) View all posts by loadplus

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: