Isa at Dalawang Itlog


(Photo taken from: areyoufinishedyet.com)

(Photo taken from: areyoufinishedyet.com)

Bagamat hindi naging madali para sa akin kung paano hatakin ang lubid ng pagba-blogging, nakakatuwang isipin na nairaos ko rin naman ito at heto nga’t 2nd Anniversary na pala ng blog ko (January 27). Mabibilang lang ang mga tagasubaybay ko at ang mga natatanggap kong komento dito, ngunit ang lubos na pinanghahawakan ko ay ang karangalang makilala at maging kaibigan ang ilang mga kilalang blogero na naging inspirasyon ko (ang FC ko kasi). Sa panahong inilaan ko sa munting bossing kong blog, mas napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko palang mag-isip, kaya ko palang magsulat, kaya ko palang gumawa ng kwento, at kaya ko palang magpatawa sa mga simpleng paraan na alam ko. Higit sa lahat, mas napatunayan ko na kaya ko palang maging makulit kahit sa ilang karakter lang na nabuo ko. LOL. Minsan naman kapag may nakaka-appreciate sa post na nagawa ko, parang nakakataba lang talaga ng puso; sobrang nakaka-proud sa sarili. Nakakalimutan ko yung hirap at sakit ng kalooban tuwing nauubusan ako ng magagandang ideya at walang maisulat. At sa pagpapatuloy ko, tiyak kong napakarami ko pang maaaring matutunan at mararanasan na kasama kayo. Nangangarap rin ako na sana’y sa kabila ng madilim kong mukha (na laging pinapantasyahang makilala) ay matatandaan ako bilang isang blogero na may isa at dalawang itlog na mukha; ang blogerong ang pagiging kampeon ang nais ipakita. Kahit kunti lang, sana maabot ko ang hangaring ito sa pagdaan ng mga taon.
At sa puntong ito, nais ko lang magpasalamat sa lahat ng may-ari ng mga larawang ginamit ko sa blog ko at sa lahat ng mga napadaan sa kaharian ko. Malaki kayong tulong sa pagsikat ng araw ko. At sa lahat naman ng mga nasaktan ko (wish ko lang wala!), humihingi po ako ng kunting pag-unawa mula sa inyo. Minsan kasi, nagiging beyond limit na pala ako ngunit hindi ko alam. Honesto, pangako ko sa inyo, ipu-push ko ang mga tunay nating kwento — ang mga kwentong kahit gaano man kaliit ay may malaking halagang hatid. Hiling ko lang din, sana’y mas kumapit kayo sa katawan ng blog ko dahil libre ang pasabog na ihahanda ko habang kasama kayo. DEAL or NO DEAL? Ipaalam n’yo lang sa akin; bukas na ang pintuan ko d’yan sa baba. Bilis na!🙂

About loadplus

This world is now my " new " world! #iPlus1forFun! ;) View all posts by loadplus

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: