Monthly Archives: January 2014

Isa at Dalawang Itlog


(Photo taken from: areyoufinishedyet.com)

(Photo taken from: areyoufinishedyet.com)

Bagamat hindi naging madali para sa akin kung paano hatakin ang lubid ng pagba-blogging, nakakatuwang isipin na nairaos ko rin naman ito at heto nga’t 2nd Anniversary na pala ng blog ko (January 27). Mabibilang lang ang mga tagasubaybay ko at ang mga natatanggap kong komento dito, ngunit ang lubos na pinanghahawakan ko ay ang karangalang makilala at maging kaibigan ang ilang mga kilalang blogero na naging inspirasyon ko (ang FC ko kasi). Sa panahong inilaan ko sa munting bossing kong blog, mas napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko palang mag-isip, kaya ko palang magsulat, kaya ko palang gumawa ng kwento, at kaya ko palang magpatawa sa mga simpleng paraan na alam ko. Higit sa lahat, mas napatunayan ko na kaya ko palang maging makulit kahit sa ilang karakter lang na nabuo ko. LOL. Minsan naman kapag may nakaka-appreciate sa post na nagawa ko, parang nakakataba lang talaga ng puso; sobrang nakaka-proud sa sarili. Nakakalimutan ko yung hirap at sakit ng kalooban tuwing nauubusan ako ng magagandang ideya at walang maisulat. At sa pagpapatuloy ko, tiyak kong napakarami ko pang maaaring matutunan at mararanasan na kasama kayo. Nangangarap rin ako na sana’y sa kabila ng madilim kong mukha (na laging pinapantasyahang makilala) ay matatandaan ako bilang isang blogero na may isa at dalawang itlog na mukha; ang blogerong ang pagiging kampeon ang nais ipakita. Kahit kunti lang, sana maabot ko ang hangaring ito sa pagdaan ng mga taon.
At sa puntong ito, nais ko lang magpasalamat sa lahat ng may-ari ng mga larawang ginamit ko sa blog ko at sa lahat ng mga napadaan sa kaharian ko. Malaki kayong tulong sa pagsikat ng araw ko. At sa lahat naman ng mga nasaktan ko (wish ko lang wala!), humihingi po ako ng kunting pag-unawa mula sa inyo. Minsan kasi, nagiging beyond limit na pala ako ngunit hindi ko alam. Honesto, pangako ko sa inyo, ipu-push ko ang mga tunay nating kwento — ang mga kwentong kahit gaano man kaliit ay may malaking halagang hatid. Hiling ko lang din, sana’y mas kumapit kayo sa katawan ng blog ko dahil libre ang pasabog na ihahanda ko habang kasama kayo. DEAL or NO DEAL? Ipaalam n’yo lang sa akin; bukas na ang pintuan ko d’yan sa baba. Bilis na! 🙂

Advertisements

Kwentong Honesto sa Bayan Ko


Honest 'to, Promise! (Photo source: www.abs-cbn.com)

Honest ‘to, Promise!
(Photo source: http://www.abs-cbn.com)

Sa pagbungad ng panibagong taon;
Kwento ng Pilipinas kaya’y anong magiging hamon?
Tanong nina Kris at Edu na “GKNB?”;
Masasagot ba ng Pilipinas ngayon ng game na?

At dahil ang kwento ng buhay ay parang gulong;
Pakikipagsapalaran ni PNoy para sa bayan ay saan ba hahantong?
Maisusulong pa kaya niya ang malawakang katuparan ng tuwid na daan para sa mga boss ng bayan?;
O di kaya’y makikisabay na lang tayo kay Sarah G. na kumanta ng ikot-ikot lang dahil tanggap na nating ang pangako’y wala pang tiyak na patutunguhan?

Ngunit ang mas nakakalungkot pang isipin sa panahon ngayon;
Marami sa atin na imbes makiisa para sa pagbangon ay nagkukunwari lang at may iba palang intensiyon.
Halimbawa na lang ay ang mga rally dito’t rally doon ng ilang grupo d’yan sa lansangan;
Hangarin ba talaga nila’y tunay na para sa taong bayan?

Sabi nga ng isang OFW kong nakilala;
Kadalasan kapag nasa ibang bansa, sa kapwa Pinoy daw ay ‘wag agad magtitiwala.
Tanong ko sa kanya kung bakit niya nasabi;
Sagot niyang matindi, “madalas kasi ay may crab mentality”.

Kaya sana dumating ang araw na tayong lahat ay magkaisa’t magbago na;
Upang bawat Juana’t Juan ay nakataas noo na lalakad sa daan.
Ang pag-unlad ng bayan ay pag-unlad ng mamamayan;
Ngunit imposible ang lahat kung ang bawat isa’y hindi makikipagtulungan.

Ikaw, ako, kasama kayo;
Tayo ay Pilipino at kwento natin ang lahat ng ito.
At sa laban nating ito na tila Yolanda man sa laki;
Panlaban natin ay bayanihan at ang sikat na sigaw sa EDSA ni Tita Cory.


How to start a new year?


Let's aim for a better 2014! (Photo source: www.phillymag.com)

Let’s aim for a better 2014!
(Photo source: http://www.phillymag.com)

Heto na naman at bagong taon na. Tiyak gasgas na naman si New Year Resolution nito. Upang maiba naman, nais kong ibahagi ang 20 for Teens mga Pampa-gana sa buhay na tiyak swak lang sa budget ninyo. Yung kayang-kaya lang sa bulsa ika nga. Ready na?

1. Mas kilalanin ang sarili ngayong 2014. Sarili muna bago ang iba di ba? Kapag kilala mo ang sarili mo, mas magiging palaban ka kahit ilang rounds pa.

2. Ang buhay ay pag-ibig kaya be inlove and stay inlove; pero dapat magaling ka sa Math ha, para makuha mo ang proof ng 1+1=0.

3. Always count your blessings and don’t forget to share your blessings.

4. Explore new positions, new possibilities, and new opportunities. Be creative!

5. Read books and start to travel. Don’t be mediocre. Start to shine on top.

6. Exercise ka naman kahit kunti lang. Twice a day will do. Mabuti na yung healthy.

7. Huwag kalimutang kumain o kaya’y magluto ng makakain. Mahirap ang may kumakalam na sikmura sa totoo lang.

8. Subukang makipag-usap paminsan-minsan. Huwag yung puro push and touch na lang sa screen na hawak.

9. Subukang kumita mula sa mga simpleng raket; huwag gastos na lang ng gastos. Mahal ang load ngayon.

10. Huwag kalimutang manalig sa kakayahan mo. Sundin ang sinisigaw ng yung puso. Maki-ihaw na!

11. Maglaro at makipagkulitan kasama ang pamilya o mga kaibigan. Huwag sa di kakilala ha?

12. Makialam sa kwento ng ating bansa at sa buong mundo. May malaki kang maitutulong para sa pagbabago.

13. Subukang maging swerte para sa buhay ng iba. Bawal ang malas at sad ika nga ni Ryzza.

14. Nene at Totoy, huwag maging ADIK sa kasikatan o kayamanan. Withdraw n’yo na yan!

15. Maagang maligo araw-araw at maging malinis. Tandaan: bawal na ang plastic ngayon.

16. Maging tunay na kuripot sabi ni Tito Boy Abunda.

17. Kung hindi mo kaya, huwag mahiyang magpatulong sa iba lalo na kung alam mong libre lang pala. Lol.

18. Huwag masyadong mahangin baka puputok ka n’yan. Mabuti kung sa labas, paano kung sa loob?

19. Naintindihan mo na ba na ang oras ngayon ay napakabilis na? Huwag mag-aksaya; i-sagad mo na ang pakikibaka.

20. Kapag loading ka pa sa lahat ng ito, tandaan mo na lang na narito ako para sumuporta sa’yo. Katropa mo ‘ko, Honesto!

At bilang panghuling punto, nais ko lang namang sabihin na nawa’y maging masagana ang ating bagong taon mga ka-blog. Ingat kayo sa mga paputok ko ha, mas malakas na kasi ngayon. BOOM! :p


2013 in review


The WordPress.com stats helper monkeys prepared a 2013 annual report for this blog.

Here’s an excerpt:

A New York City subway train holds 1,200 people. This blog was viewed about 5,700 times in 2013. If it were a NYC subway train, it would take about 5 trips to carry that many people.

Click here to see the complete report.