Monthly Archives: October 2013

Melason ng Pag-ibig


z

Sa bahay ni Kuya kayong dalawa ay nagkakilala;
Naging malapit sa isa’t isa at sa buong baya’y nagpasaya.
Gabi-gabing tinutukan kahit ang pasimpleng ligawan;
Kilig kasi’t tawa sa inyo’y hindi naka-kaban.

At sa paglabas n’yo sa PBB house, Melason in the City lang ang laban;
Naging totohanan ang relasyon ninyong kahit si Kris ito’y kinagiliwan.
Ngunit isang araw, nabalitaan na lang ang inyong hiwalayan;
Tanong ng karamihan, “ang mga puso ninyo’y muli pa kayang mabubuksan?”

Lumipas ang mga araw at kayo’y muling nagkasama;
Sa pangalawang pagkakataon na ito kayo’y mas nagkakilala pa.
Naging magkaibigan at muling nagkamabutihan;
At sa puntong ito, kwento ng pag-ibig ninyo’y sa kasalan na ang patutunguhan.

Lahat ngayon ay masaya para sa inyong dalawa;
Hangad ng masa ang tagumpay sa bago ninyong kabanata.
Sana’y hindi kayo susuko at maging matatag lang sa laban;
Sa ngalan ng pangarap, pamilya, at pagmamahalan.


Whole Day, Half Rice


Pahingi ng kunting half rice...

Pahingi ng kunting half rice…

Sa dami ng mga pangarap natin sa buhay, sa dami ng responsibilidad na nakaatang sa ating balikat, at sa dami ng expectations sa atin na kailangang i-sustain at patunayan, sadyang hindi sapat ang half rice lang upang kayanin ang lahat ng ito. Ang buong paglalakbay nating ito dito sa mundo ay hindi ganun kadali gaya ng iniisip natin, kaya kailangan talaga natin ng lakas mula sa whole rice na tiwala sa sarili, whole rice na pananalig sa Diyos, at whole rice na pagmamahal at suporta mula sa mga mahal natin sa buhay upang mas mapagaan at maging maayos ang paglalakbay natin. Sa kasawiang palad, ilan sa ating mga kababayan ay walang sapat na whole rice na tatlong beses isang araw sa kanilang buhay. Nakakalungkot mang isipin ngunit pinipilit lamang nilang pagkasyahin sa buong araw ng buhay nila ang tanging half rice na meron lang sila. Alam ko kung gaano kahirap ang malagay sa ganitong sitwasyon kaya ramdam ko rin ang laki ng tuwa’t kasiyahan nila sa bawat pagkakataon na may makilala at mapadaan sa buhay nila na buong pusong naghahandog ng walang kapalit na whole rice. Hindi man ganoon kaganda o kamahal ang kalidad ng bigas na ginamit sa inihandog na whole rice, hindi na ito mahalaga para sa kanila dahil ang nakikita na lamang nila ay isang tao na puno ng sensiridad na makatulong at makapagpasaya ng tao kahit sa simpleng paraan lang. Sa panahon natin ngayon, alam kong malaki ang magagawa natin upang baguhin at mapaganda ang buhay ng ilan nating mga naghihirap, nagtitiis, at nagsasakripisyong mga kababayang half rice lang ang tanging hinuhugutan ng pag-asa sa buhay. Ikaw, handa ka na bang maghandog ng whole rice sa kanila? Simulan na natin yan ngayon! Tara na at makiisa upang wala ng Pinoy sa buong mundo ang naka-half rice lang sa buhay!


Hanging Strangers


Friendship or Love

Friendship or Love

 

Sa pamamagitan ng isang simpleng friend request ko, bumigay siya at doon nagsimula ang lahat. Sabi ko, “Kailangan ko ‘tong subukan. Kailangan ako ang gumawa ng first move kasi ako naman ang nangangailangan“. Dahil mabilis nga ang naging response niya, dahan-dahan na lumalim ang relasyong sa ami’y namamagitan. Alam kong nagkakamali ka ng iniisip mo ngayon tungkol sa amin, hindi po naging kami lilinawin ko lang po ha (ang dami kasing sabit hehehe). Naging friends lang po talaga kami, ngunit ramdam ko naman na nandoon yung interest niya sa akin na more than friends kahit di pa niya sabihin (sa gwapo ko ba namang ito LOL). Araw-araw nga, lumalawak na ang aming napag-uusapan; araw-araw, mas lalo ko siyang nakikila at mas lalo siyang nahihiwagaan sa pagkatao ko. I’m giving her kasi an impression na hotheaded ako, an impression na ang weirdo kong tao, at an impression na hindi ako mabait at hindi dapat mahali’t pagkatiwalaan. Sabi niya, “bakit mo ‘to ginagawa? Be true to yourself dahil I will not judge you. Narito ako para umintindi sa’yo (ang cute lang di ba?)”. Alam kong tama siya, ngunit sana makuha niya na hindi ganun kadali ang lahat. Sa tamang panahon, dadating din kami sa puntong yun na handa na kami sa anumang responsibilidad. Walang takot. Walang pressure. Walang hesitation.

Summing these up, all we just wanted is to create a so called “new generation friendship” with a foundation of strong thrust but unfortunately, we’re caught in a situation where our trusts are tested at ang alab ng tapang ay patuloy na hinahamon. What will be the ending of our story? How I wish we will not end up as hanging strangers.

WARNING: Don't talk to strangers.

WARNING: Don’t talk to strangers.