Janet Napoles at ang Bayan: On The Job


z1

Simula ng malantad ang pork barrel scam isyu;
Tiyak na naging kabado ang mga dawit dito.
Ang isa sa itinuturo na nasa taas ng usaping hinahalungkat ng publiko;
Si Janet Napoles na matapos magtago’t bigyan ng 10M na patong sa ulo ay sumuko sa ating pangulo.

Si Janet Napoles na nga ang pinakamainit ngayong personalidad sa bansa;
Mula sa telebisyon, pahayagan, o social media, pangalan niya’y parating nangunguna.
Kaya nga lahat ng kanyang yama’t mga party ng kaibigan na kanyang dinaluhan;
Walang lusot sa mga mapanuring mata ng bayan.

Ngayon, ang bagong on the job hamon ng pamahalaan sa kanya;
Magsalita ka na kung sinu-sino pa ang iyong mga kasama.
Sa I-witness stand pwedeng-pwede ka;
At kami ng bahala sa proteksyon mo tuwina.

Sana matapos na ang lahat ng gulong ‘to;
Ito nga siguro ang dinadasal ni Janet Napoles sa bago niyang kwarto.
Nakakasakit kasing isipin na kahit almusal niya’y alam ng publiko;
At kahit wala pang hatol sa kanya’y hinusgahan na ng todong-todo.

Kaya mga kababayan ko ang hamon ko rin sa inyo;
Makialam at makiisa tayo para sa hinahangad na pagbabago.
On the job din natin na ipaglaban ang ating mga karapatan at kung ano ang totoo;
Upang matuldokan na ang isyu kay Napoles at lahat tayo ay maging progresibo.

About loadplus

This world is now my " new " world! #iPlus1forFun! ;) View all posts by loadplus

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: