Monthly Archives: September 2013

Posisyon: Nakaupo


Ito ba ang gusto mo?

Ito ba ang gusto mo?

Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat. Tuwing may time, parati na lang s’yang nauulit; hindi napipigilan kahit mag-isa tayo, kahit saang lugar, at kahit anong panahon man, lalung-lalo na kapag wala talagang ibang magawa. Nakakatamad man ngunit parang di nakakasawa. Minsan halos buong araw, ito lang ang ating ginagawa. Masama man o hindi man healthy ngunit minsan kasi dito natin nahahanap ang sarili natin, dito natin nahahanap ang sagot sa mga problema natin, dito natin nahahanap ang sariling kasiyahan, at dito natin nahahanap ang mabisang pantanggal ng stress kaya hindi rin talaga natin masasabing mali o hindi dapat gawin. Siguro ang maganda nating gawin ay siguraduhin lang natin na matapos ang lahat, positive ba ang kahahantungan nito sa buhay natin. Nasa atin na kasi ang kontrol. Nasa ating mga kamay na ang desisyon kung tatayo ba tayo at susubok ng bagong posisyon o mananatili na lang tayo sa nakasanayan na. Para sa akin, ito ang pinakamalaking hamon sa atin ngayon ng ating panahon. Ikaw, kakasa ka pa ba?
Ngayon, bilang panghuling punto, dahil tayo ang itinuturing na pag-asa ng bayan, sana kahit tayo’y nakaupo huwag nating kalimutang makialam sa mga nangyayari sa ating paligid. Sa henerasyon natin ngayon, kahit tayo’y nakaupo ay kayang-kaya nating ipaabot sa kabilang dulo man ng mundo ang magagawa natin para sa pagkakaisa, kapayapaan, at pagbabago. Upo-upo din ‘pag may time but bear in mind na we should make the most out of everything we have. Lumangoy tayo habang nakaupo!


Moment of the Kite Master


Isa siya sa mga kilalang blogero sa bansa. Walang duda dito. Sa kanyang mga naabot ngayon gamit ang saranggolang pinaghirapan niya, isang karangalan para sa akin ang pagpapa-unlak niya sa hiling kong ito. Halina’t sumama upang mas makilala siya.

(Serious type? hehehe)

(Serious type? hehehe)

Name/Alias: Bernard “Blue” Umali
Birthdate: June 27
Age: early 30’ish
Location: Makati and Taguig
School: hmmm wait : Philippine Normal University (College), UP Diliman (some MA units), De La Salle CSB-SPACE (Real Estate Mgt Diploma)
Course: BSE Values Education (sa maniwala ka’t sa hindi may ganung course at sa maniwala ka at sa hindi…
Awards received: Cum Laude ako lols
Civil status: single by choice, by accident, by force of nature
Blog name: Hibang / Saranggola Blog Awards
Blog URL:http://www.bernardumali.wordpress.com / http://www.saranggolablogawards.com
Twitter username: bernardumali
Favorite Hashtag: #alammoyan
Favorite Pinoy Movie and Song: basta star cinema ahihihi / basil valdez, lea s.
Favorite sleeping position: fetus position
Sexiest word: sexy?
Sexiest game: basagang itlog
Sexiest time of the day: 1AM
Hottest Film: Lahar
Hottest website: http://www.catholic.org/
Pick-up Lines: Magkano? lols
Collection: postal stamp,
Share a rare word: gamay lang

“JUST FOR FUN” QUESTIONS
1. Sino ka sa loob at labas ng blog world?
— Makwento ako sa blog world. Mas makwento ako with animation sa labas ng blog world.

2. Ano ang kwento bakit naisipan mong pumasok sa mundo ng mga blogero?
— Seriously? Mahilig akong magdiary since 1st year high school. Kaso aksaya ng notebook. Na-realize ko na sa blog na lang ako magsulat and the rest is history.

3. Ano ang mga bagay na natutunan mo mula sa pagbablog? Ano ang mga di makakalimutang karanasan sa pagba-blog?
— Natutunan ko sa pagbablog na maging extra careful. ‘pag naisulat mo na, mahirap bawiin at bahagi na s’ya ng kasaysayan mo. Parang video scandal yan, once na maipost mo na at mabasa na nila ang sinasabi mo, sinusukat ka na nila… ang buo mong pagkatao. Maraming hindi malilimutan gaya ng guesting sa radio, gawing parte ng libro, dyaryo at assignment ang sinulat mo. May nagalit pa kasi napagalitan ng teacher dahil pangit daw ang kwento nya na pinasa e kinuha daw n’ya yun sa ‘kin at s’yempre ang pagdami ng maraming blogerong kaibigan na nagiging kagimik na rin.

4. Ano ang ilang “facts” na hindi namin alam tungkol sa iyong blog?
— Karamihan sa blog ko ay hango sa totoong buhay at totoong pangyayari. Puro Filipino ang sinusulat ko. Madalas ay nakikinig ako ng music habang nagsusulat para mahugot ang emosyon.

5. Ano ang responsibilidad ng isang blogero? May maipapayo ka ba sa mga kapwa mo blogero at sa mga nais maging blogero?
— ‘gaya ng sinabi ko sa #3, kailangan maingat at isaalang-alang ang makakabasa at magiging paksa sa pagsusulat. Akala ng iba kapangyarihan nila ang pagsusulat kung saan pwede nilang labanan, gantihan at ipagtanggol ang kanilang sarili. Tandaan na ang kapangyarihan ay may kasamang responsibilidad sabi nga ni spiderman.
Sa mga nais maging blogero. Gow! wala namang pumipigil sa’yo. Walang kurso sa pagbablog. Lahat pwedeng maging blogero. Magiging unique ka lang depende sa laman ng isusulat mo. Sa nasa sa isip at puso mo. Actually, totoo namang reflection mo ang blog.

6. Ano ang madalas laman ng bag na gamit mo?
— Bukod sa resibo, syempre charger at toiletries?

7. Craziest thing you’ve done noong grade school days mo? high school days mo? college days mo?
— Nung grade school, wala akong matandaan na craziest. May selective amnesia ako at parang kinalimutan ko na ang bahaging iyon ng buhay ko (cue: insert heavy drama music). Nung high school, sa pagkakaalam ko may isang araw na kumanta ako sa lahat ng subject. Bago magstart ang klase, irerequest ko sa teacher ko na kakanta ako at wala silang magawa kundi pagbigyan ako. Very supportive kasi ang mga classmates ko. President kasi ako noon at lahat sila may share ng pork barrel este pork barbecue. Nung college naman, crazy ako PERIOD!

8. Pinakamalaking halaga ng pera na nahawakan mo?
— ssshhhhh bawal, baka silipin ako ni Kim Henares.

9. What can you say about GMA, ABS-CBN, and TV5? Best and worst PH’s TV series?
— Kapamilya ako. That says it all.
wait worst PH’s TV series? ang pangarap kong jackpot?

10. Coffee, Milk or Tea? Brief, Boxer short or Boxer brief? Shave, Trim or Forest?
— Tea, boxer, trim

11. Inspirasyon mo sa buhay?
— Si Pong Pagong?

12. Describe yourself bilang estudyante noon? Bilang isang binata ngayon? Bilang isang ama soon?
— Estudyante ako noon, ngayon, at bukas.

13. Describe your sex life in one word.
— Passionate

14. Your way to say I’m sorry? Your way to show your anger?
— I just say sorry. no dramas.
Walk out ako pag galit. Bye!

15. Ilang beses ka naliligo sa isang araw?
— Gosh ang detalye ha. Twice on a regular day and thrice on weekends.

16. Favorite line or quotations?
— Jump run make noise but do not sin – don bosco

17. Latest updates sa buhay mo?
— Eto busy kaso need to answer some questions.

YOUR THOUGHTS ON…
Social Media: powerful
Blogging: mas powerful
Life: an opportunity
Success: its there. its available. waiting to be reached.
Education: is a right
Happiness: is a choice
Love: complex
Virginity: lets discuss poverty instead
S3X: is necessary
Justice in PH: the reality, justice nowadays is for the privilege few
Online Games: farmville lang and candy crush ang nilaro ko
Long Distance Relationship: No!
OFW: they fuel the economy
Friends: they are our siblings in the social community
RH Law: Gow
PNoy: Good.

5 WHAT IF’s…

1. What if may time machine ka, anong panahon o pangyayari ang gusto mong
balikan?

— First 5 years of my life. gusto ko makita how i lived

2. What if bibigyan ka ng power na lumipad, saang lugar ka pupunta at sino ang iyong isasama?
— Sa mga islands sa Phil. na hindi ko pa napupuntahan. Syempre bilang tourism person, kahit may murang fuel / airfare iba pa rin pag libre di ba?

3. What if papipiliin ka: Yaman, Kasikatan, o Hitsura? Anong pipiliin mo at bakit?
— Happy with what I have now.

4. What if lilisan ka na ngayon, anong huling hiling mo?
— Kakalowka! Pakainin nyo ko ng kare-kare!

5. What if gagawa ka ng aklat, anong pamagat ang gusto mo?

'yan ha, nauna ka pang nakakita ng cover.

‘yan ha, nauna ka pang nakakita ng cover.

SHOW IT OFF

1. Ano ang favorite photo mo na madalas mong tinitingnan?
z.1

z.1.1

2. Can you show us some photo of your boy crush and girl crush (kung meron)?
Z2

3. Ano ang mga makikita namin sa loob ng kwarto mo?
???????????????????????????????

4. Ano ang pinakamahal na bagay na nabili mo sa abroad o dito sa Pilipinas?
???????????????????????????????

5. Favorite part of your body?
Z5

6. One of those best moments in your life?
— The best moment is yet to come.

7. Things that you can’t live without?
— ‘dami

8. Do you have a wacky photo of yourself?
???????????????????????????????

9. Ano usually ang madalas mong suot na pambahay? Panlakad? Pantulog?
— ‘wag na to. ‘di ako fashionable lols

10. Sexiest photo you have in your wallet?
— eto na lang lols
???????????????????????????????

11. Photo that best describe you as a person?

PERSONAL MESSAGE:

Salamat Loadplus.
Shy type ako promise.
Wala akong selfie 😉
Sa lahat ng makakabasa nito,
mas seryoso ako dito ::
http://www.bernardumali.wordpress.com

(Wala ng kokontra. Yun o!)

(Wala ng kokontra. Yun o!)


Ang Pugad na Tahanan


Photo taken from: urbanlandscape.org.uk

Ang larawang ito ay mula sa: urbanlandscape.org.uk

Napakalayo na ang narating ko sa buhay;
At ilang bansa na ang aking nalakbay.
Ngunit ang hindi ko kayang ipagpalit sa anumang yamang taglay;
Ay ang mga natutunan kong aral sa loob ng pugad naming bahay.

Mag-aral kang mabuti kahit wala kang baon parati;
Ang sabi nina Itay at Inay habang ako’y lumalaki.
Matataas na pader, estero’t mga kable ng kuryente;
Nakapalibot man sa amin, kami’y di nagpapaapi.

Nakakatakot man isipin ang totoong sitwasyon;
Ngunit may karapatan ba kaming sa Diyos ay maghamon?
Alam kong ito’y ibinigay Niya upang kami ay subokan;
Kung ito’y malalagpasan ng aming kapit bisig, paniniwala, at pagmamahalan.

At sa pagdaan ng mga taon ay nagbago na ang lahat;
Kaya ng pagandahin ang ilong, katawan, o maging kulay ng balat.
Ang ipinapangamba ko lamang ay ang makatanggap na naman ng sulat;
Na nagsasabing gigibain na ang pugad kaya kailangan n’yo ng lumipat.

Masaklap man ang kinahinatnan ng pugad naming tahanan;
Salamat na lang sa mga kamay na nand’yan upang kami ay alalayan.
Upang makabuo muli ng panibagong matitirhan;
Doon sa mas ligtas at mas maayos daw na lugar na pangako ng pamahalaan.

Sa huli isa lang ang gusto kong patunayan;
Hindi madali ang mamuhay sa isang pugad na tahanan.
Ngunit sa hirap ng buhay lahat kayang subokan;
Upang malagpasan ang mga dagok ng kapalaran sa loob ng bawat tahanan.

Ang tulang ito ay aking opisyal na lahok para sa Saranggola Blog Awards 5. (http://www.saranggolablogawards.com/)


The Man Behind ‘The Feed’


“Ber months” na nga at bukas makalawa ay pasko na naman kaya bilang advance regalo ko sa inyo, narito ang isang blogerong ating kikilalanin.

z1

Name/Alias: Adrian Benipayo
Birthdate: July 15
Age: —
Location: Southside
Civil status: Single and ready to mingle
Blog name: The Feed
Blog URL: adrianbenipayo.blogspot.com
Twitter username: @adrianbenipayo
Favorite Hashtag: #FoodTripFriday
Favorite sleeping position: lying on my stomach
Sexiest word: BACON
Sexiest game:Bahay-bahayan
Sexiest time of the day: all-day everyday
Hottest Film: Inferno?
Hottest website: http://www.thefeed.com.nu
Pick-up Lines: Floor wax kaba? Kasi I love you! Ay, nadulas ako.
Collection: perfumes and jackets

“JUST FOR FUN” QUESTIONS
1. Sino ka sa loob at labas ng blog world?
My blog reflects my personality. I write about things na gusto ko, not because I am obliged to write about them.

2. Ano ang kwento bakit naisipan mong pumasok sa mundo ng mga blogero?
It all started with this: http://www.youtube.com/watch?v=qV7HMNgGRiU. Then I realized na napakalaki pala ng impact ng ginawa ko to inspire other people. And I guess, through my blog I get to inspire, inform and and make people happy.

3. Ano ang mga bagay na natutunan mo mula sa pag-bablog? Ano ang mga di makakalimutang karanasan mo sa pagba-blog?
Through blogging I learned to be more expressive with my own personal opinions. Through blogging I get to meet new friends and gain new experiences.

4. Ano ang ilang “facts” na hindi namin alam tungkol sa iyong blog?
I treat my blog as a television network. Bawat content ay isang palabas. And to keep your audiences wanting more and to keep them interested in “watching” your channel, kelangan may variety. Kelangan visually pleasing siya and at the same time may sustansiyasa content.

5. Ano ang responsibilidad ng isang blogero? May maipapayo ka ba sa mga kapwa mo blogero at sa mga nais maging blogero?
And isang blogger ay maihahalintulad din sa mga artista, sa mga news reporters, sa mga celebrities. Ang isang blogger ay maituturing din na isang public figure. At bilang isang public figure, you have social responsibilities. You have the power to inform, educate and inspire other people. Unfortunately, may ibang mga bloggers na nag-aabuso nito. Media is power. And with this power comes great responsibilities.

6. Ano ang madalas laman ng bag na gamit mo?
Wallet, facial wash, tablet, camera, cellphones and perfume.Iwas snatch lang ha.

7. Craziest thing you’ve done noong grade school days mo? high school days mo? college days mo?
Gradeschool: Proposed to a teacher.
Highschool: Brought a pet snake in class without anyone knowing.
College: Made a term paper for a subject and added lyrics of a song in the middle part. I think I got a 96% or a 97% grade on that one.

8. Pinakamalaking halaga ng pera na nahawakan mo?
It’s not about how much it is but kung gaano mo pinaghirapan ma-earn yung perang yun.

9. What can you say about GMA, ABS-CBN, and TV5? Best and worst PH’s TV series?
Here’s my take on this matter: http://adrianbenipayo.blogspot.com/2012/11/netizens-choice-awards-favorite-tv.html

10. Coffee, Milk or Tea? Brief, Boxer short or Boxer brief? Shave, Trim or Forest?
Milk Tea.Boxer brief.Rebonded.

11. Inspirasyon mo sa buhay?
Hanggat may napapangiti akong tao and as long as someone appreciates what I do, I’m happy.

12. Describe yourself bilang estudyante noon? Bilang isang binata ngayon? Bilang isang ama soon?
I was a goody two-shoes back in the days. Good boy kung baga. Ngayon, I try to discover new things and experiences as much as I can. While I still can. I am free-willed and ready to take on any challenge with a smile. My take on being a father? I don’t mind that for now. Mas inaalala ko pa kung paano makahanap ng matinong girlfriend sa panahon ngayon.

13. Describe your sex life in one word.
BACON

14. Your way to say I’m sorry?
Just say it with sincerity. It’s the best and most effective way to say it.

Your way to show your anger?
Smile and pretend nothing is wrong and suddenly give them that “look”.

15. Ilang beses ka naliligo sa isang araw?
Twice. Mahal ang Evian.

16. Favorite line or quotations?
You can’t wait for a good life to come. You have to make one.

17. Latest updates sa buhay mo?
Just check out my social media sites. It’s always updated 

YOUR THOUGHTS ON…

Social Media: What we thought would be just a trend is actually here to stay. The people have found a new avenue to inform and be informed and stay connected. Media has once again evolved. There is now so much interactivity.

Blogging: Blogging is not always about the numbers. It’s not always about your site ranking. It’s all about content. Blogging takes a lot of responsibility. You are responsible on what content you feed to your readers.

Life: Life will always be unfair. Deal with it. You just have to learn the work around to be happy.

Success: You will never be successful until you are satisfied.

Education: School serves as your foundation in creating the “You” that you wish to be in the future.

Happiness: It’s a choice. We can choose to be happy.

Love: There’s a thin line between love and lust.

Virginity: Don’t be a hypocrite. Do it if you want to. You just gotta be aware of what you are losing. There’s no turning back.

S3X: BACON.

Justice in PH: Mas accurate pa ang paggamit ng Magic 8 ball.

Online Games: Nakakasira ng future at nakakataas ng kuryente.

Long Distance Relationship: It works if both of you have no trust issues.

OFW: Hindi sila mayaman tulad ng iniisip ng iba. Not because they are overseas doesn’t mean it’s not hard-earned money. Mas mahirap ang buhay sa ibang bansa.

Friends: Marami sila pero hindi lahat totoo.

RH Law: Common sense:Lugaw na lang ang kinakain ng pamilya mo, magpapabuntis ka pa? Ulit? After 2 months? Hindi nakakabusog at nai-pangbabayad ng gastusin ang pagmamahal. This is where proper education is needed.

5WHAT IF’s…

1. What if may time machine ka, anong panahon o pangyayari ang gusto mong
balikan?
Wala. Everything happens for a reason. I am not who I am today kung hindi mangyayari yung mga bagay sa nakaraan. But to answer your question, siguro yung time na bago i-announce yung numbers nang grand lotto jackpot na P300M++. Mayaman na sana ako ngayon at marami nang natulungan.

2. What if bibigyan ka ng power na lumipad, saang lugar ka pupunta at sino ang iyong isasama?
Sa Alcatraz. Ililipad ko dun yung mga pulitikong puno ng katiwalian.

3. What if papipiliin ka: Yaman, Kasikatan, o Hitsura? Anong pipiliin mo at bakit?
Ang yaman nauubos.Ang kasikatan may kadahilanan. Ang hitsura ay nadodoktor. Diskarte ang kailangan.Kung meron ka nito, makukuha mo ang tatlo.

4. What if lilisan ka na ngayon, anong huling hiling mo?
Pa-cr muna.Malayo ata ang biyahe.

5. What if gagawa ka ng aklat, anong pamagat ang gusto mo?
“Bakit hindi mo gusto ang may gusto sa’yo.”

SHOW IT OFF

1. Ano ang favorite photo mo na madalas mong tinitingnan?
z1

2. Can you show us some photo of your boy crush and girl crush (kung meron)?
zpnam

3. Ano ang mga makikita namin sa loob ng kwarto mo?
http://adrianbenipayo.blogspot.com/2012/07/pimp-my-room.html

4. Ano ang pinakamahal na bagay na nabili mo sa abroad o dito sa Pilipinas?
z4

5. Favorite part of your body?
z5

6. One of those best moments in your life?
z66

7. Things that you can’t live without?
z7

8. Do you have a wacky photo of yourself?
z789pic

9. Ano usually ang madalas mong suot na pambahay? Panlakad? Pantulog?
zpambahay

10. Sexiest photo you have in your wallet?
— I don’t have photos in my wallet 

11. Photo that best describe you as a person?
Zurich: Excited Skydiver in Free Fall

PERSONAL MESSAGE:

Photo taken as of writing this message.

Photo taken as of writing this message.


Napaka-ikli ng buhay. Hindi natin alam kung kelan tayo mawawala sa mundo. Sa oras na dumating yung “moment” na yun na kinakailangan mo nang magpaalam, handa ka na ba? Ask yourself, was I able to make the most out of my life? Did I serve my purpose? Na-sulit ko ba yung time na nabubuhay pa ako?
Do what you want to do. Eat what you want to eat. Go wherever you want to go. Do whatever that makes you happy. Life has full of wonderful things instore for you. Explore. Get out of your comfort zone. Live your life without regrets. Dance, love, get hurt and learn. Life is too short. Go, do it!


Janet Napoles at ang Bayan: On The Job


z1

Simula ng malantad ang pork barrel scam isyu;
Tiyak na naging kabado ang mga dawit dito.
Ang isa sa itinuturo na nasa taas ng usaping hinahalungkat ng publiko;
Si Janet Napoles na matapos magtago’t bigyan ng 10M na patong sa ulo ay sumuko sa ating pangulo.

Si Janet Napoles na nga ang pinakamainit ngayong personalidad sa bansa;
Mula sa telebisyon, pahayagan, o social media, pangalan niya’y parating nangunguna.
Kaya nga lahat ng kanyang yama’t mga party ng kaibigan na kanyang dinaluhan;
Walang lusot sa mga mapanuring mata ng bayan.

Ngayon, ang bagong on the job hamon ng pamahalaan sa kanya;
Magsalita ka na kung sinu-sino pa ang iyong mga kasama.
Sa I-witness stand pwedeng-pwede ka;
At kami ng bahala sa proteksyon mo tuwina.

Sana matapos na ang lahat ng gulong ‘to;
Ito nga siguro ang dinadasal ni Janet Napoles sa bago niyang kwarto.
Nakakasakit kasing isipin na kahit almusal niya’y alam ng publiko;
At kahit wala pang hatol sa kanya’y hinusgahan na ng todong-todo.

Kaya mga kababayan ko ang hamon ko rin sa inyo;
Makialam at makiisa tayo para sa hinahangad na pagbabago.
On the job din natin na ipaglaban ang ating mga karapatan at kung ano ang totoo;
Upang matuldokan na ang isyu kay Napoles at lahat tayo ay maging progresibo.