Sundot Kulangot


Susundot ka ba sa hatid nitong sarap? LOL

Susundot ka ba sa hatid nitong sarap? LOL

Minsan sa aming maikling pagpupulong, napag-usapan namin ang tungkol sa sundot kulangot. Nakatikim ka na ba nito? Paturo naman kung paano ang magandang pagsundot (hindi ko pa kasi na-experience na bumili ng ganito?) LOL. Kidding aside, ang tanong sa amin ay kung ano daw ang katangian nating mga Pilipino ang ipinapahiwatig ng pagkaing sundot kulangot. Narito ang ilan sa mga naging sagot:
1. Pagiging malinis.
2. Pwede naman daw tayong bumili ng kalamay ngunit bakit sundot kulangot pa daw na kailangan pang sundotin ng sundotin? Nagpapahiwatig lang daw ito na tayong mga Pilipino ay may likas na katangian ng pagiging masipag, matiyaga, at handang magsakripisyo.
3. May sumagot din na tayong mga Pilipino ay mahilig bumili ng tingi-tingi o yung hindi agad maramihan. Sa atin nga lang daw nauuso yung mga naka-sachet gaya ng shampoo.
4. Tayong mga Pilipino daw ay masyadong creative.
5. May nagsabi din naman na ang sagot niya ay medyo papunta doon sa puntong hindi angkop para sa mga batang mambabasa. Hahaha

Kayo mga kablog, ano bang sagot n’yo? Siguro nagtatanong kayo kung bakit kami tinanong ng ganoon. Ang sabi kasi ng aming speaker ay mas makakabuti daw para sa atin na gumawa tayo ng bago araw-araw. Ibig sabihin, i-break daw natin ang routine o yung mga nakasanayan nating gawin araw-araw simula sa paggising natin sa umaga. Kung dalawang mata ka kapag gumigising, try mo daw na gumising na nakapikit ang isang mata. Kung pagkagising mo umiinom ka agad ng tubig, try mo naman daw na huwag munang uminom at ibuhos muna sa mukha ang tubig. Dagdag halimbawa pa niya, kung kanang kamay ang iyong ginagamit sa pagsusulat, try mo din daw na magsulat gamit ang kaliwang kamay. At sa pagtatanong din daw, try naman daw natin na magtanong ng bago maliban doon sa mga expected question gaya ng “what is…” at iba pa. Gaya ng tanong na nabanggit sa taas, tiyak na makakakuha tayo ng iba-ibang bagong opinyon at saloobin.

zz

About loadplus

This world is now my " new " world! #iPlus1forFun! ;) View all posts by loadplus

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: