Akonilandia Second Saga


Isa siya sa mga blogerong gumawa ng pangalan at tiyak akong patuloy na gagawa ng pangalan. In short, ASTIG ang blogerong ito. Narito na siya upang magbigay muli ng bagong ngiti.

Sasama ka ba sa muli kong paglipad?

Sasama ka ba sa muli kong paglipad?

Name/Alias: Akoni
Birthdate: June 9
Age: Passed
Location: Saudi Arabia
Civil status: Passed
Blog name: Kaharian ng Akonilandia (sarado na)
Blog URL: Akonilandiya.com
Twitter username: Akoni0609
Sexiest word: V_gina
Sexiest game: Billiards
Pick-up Lines: Hi!
Collection: Relo and Cap
Favorite age: Sweet 16

“JUST FOR FUN” QUESTIONS

1. Sino ka sa loob at labas ng blog world?

Sa loob ng blog world: Para akong nasa loob ng banyo, pamangahas, laging basa, raawwwrrr. Walang saplot at malaya. Kaunti lang ang limitasyon, pinagnanasaan ang mundo, ang mga tao, ang sarili, at higit sa lahat ay iniintindi ang cycle of life, ang pag-ikot ng mundo at kung anu-anong bagay sa daigdaig at binibigyan ng sariling kahulogan o pag-intindi.

Sa labas ng blog world: Isang typical na mamayang Pilipino. Jologs at korni din. Nagkukunwari, nagsisinungaling, nagmamahal, kaibigan, kaaway, fan, tumatawa, umiiyak at araw-araw ay kung anu-anong klaseng maskara ang suot. Pero hinuhubad ko ito (maskara) kapag nasa harap na ako ng isang kaibigan, minsan pati suot ko.

2. Ano ang kwento bakit naisipan mong pumasok sa mundo ng mga blogero?

Gusto ko magkaroon ng sariling pag-aari sa loob ng internet. Simple lang, tulad ng nakakarami, gusto kong makilala, gusto kong mamalimos ng paghanga at smile sa mga tao kahit kunti lang.

3. Ano ang mga bagay na natutunan mo mula sa pagbablog? Ano ang mga di makakalimutang karanasan sa pagba-blog?

Natuto akong magbasa ng mga libro, natuto ako magjoke, at natutonan kong lawakan ang aking pag-iisip.

‘yung minsan may mga naisulat ako at naiposte, tapos nung balikan ko ay pinagsisihan kong sana hindi ko na lang naisulat dahil ang panget pala at ang korni ko. Pero nandon na eh, naipost na, hindi ko na puweding bawiin, naisuka ko na, ang panget at kadiri kung kakainin ko uli yun. Dahil ang buhay ay touch move.

4. Ano ang ilang “facts” na hindi namin alam tungkol sa iyong blog?

Totoong nangyari sa buhay ko ang mga sinusulat ko, pero para hindi masyadong mahalata, yung iba hinahaluan ko ng fiction. 69% true story, 31% Fucktion.

5. Ano ang responsibilidad ng isang blogero? May maipapayo ka ba sa mga kapwa mo blogero at sa mga nais maging blogero?

Responsibilidad mong maging maingat sa pagbibigay ng opinion, lalo na tungkol sa religion, iwasan maging racist.

Sumulat lang nang sumulat hanggang sa marealized mo na hindi pala para sa’yo ang pagsusulat o hanggang sa marealized mong para talaga sa’yo ang pagsusulat.

6. Ano ang madalas laman ng bag na gamit mo?

Damit.

7. Craziest thing you’ve done noong grade school days mo? high school days mo? college days mo?

Grade School, namboboso kami sa ilalim ng stage namin.

High school, namboboso sa ilog at sa likod ng school namin.

College, ako na ang binobosohan.

8. Pinakamalaking halaga ng pera na nahawakan mo?

Hindi ko nabilang, pera ng dating company na pinagtatrabahoan ko. Nasa malaking paper bag, siguro nasa isang milyon riyals o higit yun.

9. What can you say about GMA, ABS-CBN, and TV5? Best and worst PH’s TV series?

Mga Tv Networks, wala ako IDEA.

10. Coffee, Milk or Tea? Brief, Boxer short or Boxer brief? Shave, Trim or Forest?
Coffee
Boxer short
Trim

11. Inspirasyon mo sa buhay?

Si Batman.

12. Describe yourself bilang estudyante noon? Bilang isang binata ngayon? Bilang isang ama soon?
Bulakbol pero hindi pinapabayaan ang pag-aaral (kung meron man ganyan).

Hindi ko pa alam maging ama pero may anak na ako. Hindi ko alam paano maging isang ama dahil magkahiwalay kami, na’sa Pinas siya.

13. Describe your sex life in one word.

BOOM!!!

14. Your way to say thank you? Your way to show pleasure? Your way to show your anger?

Sinasabi, minsan nanlilibre

Bubulongan

Hindi ililibre at hindi bubulongan.

15. Kumusta ang buhay na malayo sa Pilipinas at sa pamilya?

Hindi maganda, nakakamiss lahat, pati mga punong kahoy at hayop sa Pinas ay namimiss ko, lalo na ang ulan at mga ulam.

16. Latest updates sa buhay mo?

Uwi na ako ng Pinas at hindi na babalik sa abroad

YOUR THOUGHTS ON…

Social media: Unfair/double standard
Blogging: Malaya
Life: Experience
Success: doing not wishing
Education: Treasure
Happiness: Life
Love: Corny
Virginity: Ouch
S3X: Gift
Justice in PH: Payatas
Online Games: Cool
OFW: Sacrifice

5 WHAT IF’s…
1. What if may time machine ka, anong panahon o pangyayari ang gusto mong
balikan?
Nung pinapanganak ako.

2. What if bibigyan ka ng power na maging invisible, ano ang gagawin mo?
Tatakbong nakahubad

3. What if ikaw ang President ng ating bansa, ano ang una mong gagawin?
Magso-SONA.

4. What if kaya mong lumipad, saang lugar ka pupunta at sinong isasama mo?
Bubong namin, isasama ko si yaya para walisan yun, dami na siguro mga dahon don.

5. What if gagawa ka ng isang aklat ngayon, tungkol saan ito at anong pamagat nito?

Tungkol sa buhay ko. Pamagat ay MMK o Malabong Maalala Ko.

SHOW IT OFF (just answer with a photo or photos)

1. Ano ang favorite photo mo na madalas mong tinitingnan?
2. Can you show us some photo of your boy crush and girl crush (kung meron)?
3. Ano ang mga makikita namin sa loob ng kwarto mo?
4. Ano ang pinakamahal na bagay na nabili mo sa abroad o dito sa Pilipinas?
5. Favorite part of your body?
6. One of those best moments in your life?
7. Things that you can’t live without?
8. Do you have a wacky photo of yourself?
9. Ano usually ang madalas mong suot na pambahay? Panlakad? Pantulog?
10. Sexiest photo you have in your wallet?

PERSONAL MESSAGE:

Salamat pero wala akong personal na mensahe. Baka magalit ka eh. Walang personalan diba?

About loadplus

This world is now my " new " world! #iPlus1forFun! ;) View all posts by loadplus

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: