Monthly Archives: August 2013

Sundot Kulangot


Susundot ka ba sa hatid nitong sarap? LOL

Susundot ka ba sa hatid nitong sarap? LOL

Minsan sa aming maikling pagpupulong, napag-usapan namin ang tungkol sa sundot kulangot. Nakatikim ka na ba nito? Paturo naman kung paano ang magandang pagsundot (hindi ko pa kasi na-experience na bumili ng ganito?) LOL. Kidding aside, ang tanong sa amin ay kung ano daw ang katangian nating mga Pilipino ang ipinapahiwatig ng pagkaing sundot kulangot. Narito ang ilan sa mga naging sagot:
1. Pagiging malinis.
2. Pwede naman daw tayong bumili ng kalamay ngunit bakit sundot kulangot pa daw na kailangan pang sundotin ng sundotin? Nagpapahiwatig lang daw ito na tayong mga Pilipino ay may likas na katangian ng pagiging masipag, matiyaga, at handang magsakripisyo.
3. May sumagot din na tayong mga Pilipino ay mahilig bumili ng tingi-tingi o yung hindi agad maramihan. Sa atin nga lang daw nauuso yung mga naka-sachet gaya ng shampoo.
4. Tayong mga Pilipino daw ay masyadong creative.
5. May nagsabi din naman na ang sagot niya ay medyo papunta doon sa puntong hindi angkop para sa mga batang mambabasa. Hahaha

Kayo mga kablog, ano bang sagot n’yo? Siguro nagtatanong kayo kung bakit kami tinanong ng ganoon. Ang sabi kasi ng aming speaker ay mas makakabuti daw para sa atin na gumawa tayo ng bago araw-araw. Ibig sabihin, i-break daw natin ang routine o yung mga nakasanayan nating gawin araw-araw simula sa paggising natin sa umaga. Kung dalawang mata ka kapag gumigising, try mo daw na gumising na nakapikit ang isang mata. Kung pagkagising mo umiinom ka agad ng tubig, try mo naman daw na huwag munang uminom at ibuhos muna sa mukha ang tubig. Dagdag halimbawa pa niya, kung kanang kamay ang iyong ginagamit sa pagsusulat, try mo din daw na magsulat gamit ang kaliwang kamay. At sa pagtatanong din daw, try naman daw natin na magtanong ng bago maliban doon sa mga expected question gaya ng “what is…” at iba pa. Gaya ng tanong na nabanggit sa taas, tiyak na makakakuha tayo ng iba-ibang bagong opinyon at saloobin.

zz

Advertisements

Exploring Ron’s mind


We have the connections na sa amin lang... #AngSweetRonAndMonette

We have the connections na sa amin lang… #AngSweet

Name/Alias: Ron Cruz
Birthdate: October 15, 19(ahem)
Age: Doesn’t matter
Location: 1.3667° N, 103.7500° E
Civil status: Single
Blog name: Flip’n Travels
Blog URL: fliptravels.com
Twitter username: @roncruzrn @fliptravelsTWIT
Favorite Hashtag: #ayjuskopo
Favorite sleeping position: missionary?
Sexiest word: “almost there”
Sexiest game: Bahay-bahayan
Sexiest time of the day: “me” time
Hottest Film: RED parts 1 & 2
Hottest website: edi fliptravels.com
Pick-up Lines: “Do you have a lighter?” “(Sorry, I don’t smoke)” “Awww, me too!”
Collection: Bukod sa savings, wala.

“JUST FOR FUN” QUESTIONS

1. Sino ka sa loob at labas ng blog world?
Sa blogging world, I am an irreverent traveler that doesn’t give an eff about what online people will say. Outside blogging, OFW na nagpapatupad ng batas, kumakalikot ng ebidensya, pumipirma ng papel, naghihintay ng vacation leave (repeat as necessary).

2. Ano ang kwento bakit naisipan mong pumasok sa mundo ng mga blogero?
Sumali sa contest na pinilit kaming mag blog, ayon natalo. So tuloy na lang pagkukwento, e may mga natuwa. The rest is history.
(Contest video here http://youtu.be/O803Vdbq2oQ)

3. Ano ang mga bagay na natutunan mo mula sa pagbablog? Ano ang mga di makakalimutang karanasan sa pagba-blog?
Na walang permanenteng kaibigan sa blogging world (Showbiz?). Na ang mga readers will come and go, pero ang feedburner kasama mo ’til the end.
Di makakalimutan? Yung may lumapit sakin sa airport “ikaw si Ron di ba?” lakas maka-pogi pramis!

4. Ano ang ilang “facts” na hindi namin alam tungkol sa iyong blog?
FACT: Hindi ko po girlfriend si Monette. Yaya ko sya!
FACT: Kala nyo lang magaling ako mag-english. Drop-out po ako sa writing and composition nung high school. Kaya nung na-published na ko sa mga magazines, ang una kong pinadalhan ng free copies was my teacher in writing and composition nung high school

5. Ano ang responsibilidad ng isang blogero? May maipapayo ka ba sa mga kapwa mo blogero at sa mga nais maging blogero?
Responsibilidad ng isang blogger ang magbasa, sumuporta at tumangkilik ng ibang blogs. At pag nagkaron ka na ng followers, wag kang masyadong suplado, unless Channing Tatum ang pangalan mo!

6. Ano ang madalas laman ng bag na gamit mo?
Wallet, lighter, phone + charger, earphones, lip balm, calling cards, pen, passport, perfume, face towel (pamunas pag nabasa).

7. Craziest thing you’ve done noong grade school days mo? high school days mo? college days mo?
Grade school: I mastered our principal’s signature, tapos pinirmahan ko ng permanent marker lahat ng desks sa classroom.
Highschool: Cutting classes para manood ng “Pare Ko” starring The Gwapings, Jao Mapa and Claudine Baretto.
College: Pumasok sa campus ng naka boxer shorts at lumang t-shirt.

8. Pinakamalaking halaga ng pera na nahawakan mo?
Nung may lola na nag-surrender ng isang bag na puno ng 20 at 50 dollars (Can’t disclose further details as per Singapore
PDPA
PDP Act of 2012).

9. What can you say about GMA, ABS-CBN, and TV5? Best and worst PH’s TV series?
They are all cheesy that when I turn on their channels, I’m getting lactose intolerance.
Best TV series would be from the 90’s, yung mga dubbed cartoons pag hapon, the likes of “Dog of Flanders” at “Cedie ang munting prinsipe”
Worst, lahat ng local primetime formula telenovelas na obviously ginaya sa foreign franchise.

10. Coffee, Milk or Tea? Brief, Boxer short or Boxer brief? Shave, Trim or Forest?
Tea Tea! Tea TEA!
Boxer shorts
Korean curls

11. Inspirasyon mo sa buhay?
Si Shaider

12. Describe yourself bilang estudyante noon? Bilang isang binata ngayon? Bilang isang ama soon?
Unimaginable
Imaginative
Imaginary

13. Describe your sex life in one word.
Chimerical

14. Your way to say I’m sorry? Your way to show your anger?
I cook dinner to say sorry
I cook dinner to channel my frustration

15. Latest updates sa buhay mo?
Same shit, different age!

YOUR THOUGHTS ON…
Social Media: is the new world
Blogging: is the new media
Life: is a pen and this world is our paper
Success: is an overrated concept
Education: should not be a cookie cutter
Happiness: is a jar of peanut butter
Love: is like a rosary—-F*** I knew it, we’ll go down to this.
Virginity: is a state of mind
S3X: is an art until you reach orgasm. Then it becomes a workout.
Justice in PH: is like kapre, babae sa balete drive, Bernardo Carpio and mermaids—a myth.
Online Games: is the root of procrastination, unproductivity and body odor.
Long Distance Relationship: is a waste of tissue paper
OFW: is a misunderstood state of employment, Hindi po namin pinupulot ang pera dito.

5WHAT IF’s…
1. What if may time machine ka, anong panahon o pangyayari ang gusto mong balikan?
Pre-colonial Philippines. Tapos papakita ko sa kanila iPhone ko!
Or 1880’s. Sasama ko sa world tour ng college student na si Jose Rizal.

2. What if bibigyan ka ng power na lumipad, saang lugar ka pupunta at sino ang iyong isasama?
Anchorage, Nazca, Kilimanjaro, Santorini, Ulaanbaatar, Samoa. At wala akong isasama, para madali bitbitin ang pasalubong.

3. What if papipiliin ka: Yaman, Kasikatan, o Hitsura? Anong pipiliin mo at bakit?
Yaman, para afford ko ang gym, liposuction, derma at kung anu-anong -plasty. Tapos sasali ako sa reality show para ipakita abs ko!

4. What if lilisan ka na ngayon, anong huling hiling mo?
Idelay ang paglisan to few more years.

5. What if gagawa ka ng aklat, anong pamagat ang gusto mo?
Flip Trip

SHOW IT OFF

1. Ano ang favorite photo mo na madalas mong tinitingnan?
z1

2. Can you show us some photo of your boy crush and girl crush (kung meron)?
z2

3. Ano ang mga makikita namin sa loob ng kwarto mo?
z3

4. Ano ang pinakamahal na bagay na nabili mo sa abroad o dito sa Pilipinas?
z4

5. Favorite part of your body?
z5

6. One of those best moments in your life?
z6

7. Things that you can’t live without?
z7

8. Do you have a wacky photo of yourself?
z8

9. Sexiest photo you have in your wallet?
z9

PERSONAL MESSAGE:
Live the way you want to live and do what you believe is right. Dahil simple lang ang general rule: Walang basagan ng trip!

RON CRUZ
the traveler and storyteller of
WWW.FLIPTRAVELS.COM


Akonilandia Second Saga


Isa siya sa mga blogerong gumawa ng pangalan at tiyak akong patuloy na gagawa ng pangalan. In short, ASTIG ang blogerong ito. Narito na siya upang magbigay muli ng bagong ngiti.

Sasama ka ba sa muli kong paglipad?

Sasama ka ba sa muli kong paglipad?

Name/Alias: Akoni
Birthdate: June 9
Age: Passed
Location: Saudi Arabia
Civil status: Passed
Blog name: Kaharian ng Akonilandia (sarado na)
Blog URL: Akonilandiya.com
Twitter username: Akoni0609
Sexiest word: V_gina
Sexiest game: Billiards
Pick-up Lines: Hi!
Collection: Relo and Cap
Favorite age: Sweet 16

“JUST FOR FUN” QUESTIONS

1. Sino ka sa loob at labas ng blog world?

Sa loob ng blog world: Para akong nasa loob ng banyo, pamangahas, laging basa, raawwwrrr. Walang saplot at malaya. Kaunti lang ang limitasyon, pinagnanasaan ang mundo, ang mga tao, ang sarili, at higit sa lahat ay iniintindi ang cycle of life, ang pag-ikot ng mundo at kung anu-anong bagay sa daigdaig at binibigyan ng sariling kahulogan o pag-intindi.

Sa labas ng blog world: Isang typical na mamayang Pilipino. Jologs at korni din. Nagkukunwari, nagsisinungaling, nagmamahal, kaibigan, kaaway, fan, tumatawa, umiiyak at araw-araw ay kung anu-anong klaseng maskara ang suot. Pero hinuhubad ko ito (maskara) kapag nasa harap na ako ng isang kaibigan, minsan pati suot ko.

2. Ano ang kwento bakit naisipan mong pumasok sa mundo ng mga blogero?

Gusto ko magkaroon ng sariling pag-aari sa loob ng internet. Simple lang, tulad ng nakakarami, gusto kong makilala, gusto kong mamalimos ng paghanga at smile sa mga tao kahit kunti lang.

3. Ano ang mga bagay na natutunan mo mula sa pagbablog? Ano ang mga di makakalimutang karanasan sa pagba-blog?

Natuto akong magbasa ng mga libro, natuto ako magjoke, at natutonan kong lawakan ang aking pag-iisip.

‘yung minsan may mga naisulat ako at naiposte, tapos nung balikan ko ay pinagsisihan kong sana hindi ko na lang naisulat dahil ang panget pala at ang korni ko. Pero nandon na eh, naipost na, hindi ko na puweding bawiin, naisuka ko na, ang panget at kadiri kung kakainin ko uli yun. Dahil ang buhay ay touch move.

4. Ano ang ilang “facts” na hindi namin alam tungkol sa iyong blog?

Totoong nangyari sa buhay ko ang mga sinusulat ko, pero para hindi masyadong mahalata, yung iba hinahaluan ko ng fiction. 69% true story, 31% Fucktion.

5. Ano ang responsibilidad ng isang blogero? May maipapayo ka ba sa mga kapwa mo blogero at sa mga nais maging blogero?

Responsibilidad mong maging maingat sa pagbibigay ng opinion, lalo na tungkol sa religion, iwasan maging racist.

Sumulat lang nang sumulat hanggang sa marealized mo na hindi pala para sa’yo ang pagsusulat o hanggang sa marealized mong para talaga sa’yo ang pagsusulat.

6. Ano ang madalas laman ng bag na gamit mo?

Damit.

7. Craziest thing you’ve done noong grade school days mo? high school days mo? college days mo?

Grade School, namboboso kami sa ilalim ng stage namin.

High school, namboboso sa ilog at sa likod ng school namin.

College, ako na ang binobosohan.

8. Pinakamalaking halaga ng pera na nahawakan mo?

Hindi ko nabilang, pera ng dating company na pinagtatrabahoan ko. Nasa malaking paper bag, siguro nasa isang milyon riyals o higit yun.

9. What can you say about GMA, ABS-CBN, and TV5? Best and worst PH’s TV series?

Mga Tv Networks, wala ako IDEA.

10. Coffee, Milk or Tea? Brief, Boxer short or Boxer brief? Shave, Trim or Forest?
Coffee
Boxer short
Trim

11. Inspirasyon mo sa buhay?

Si Batman.

12. Describe yourself bilang estudyante noon? Bilang isang binata ngayon? Bilang isang ama soon?
Bulakbol pero hindi pinapabayaan ang pag-aaral (kung meron man ganyan).

Hindi ko pa alam maging ama pero may anak na ako. Hindi ko alam paano maging isang ama dahil magkahiwalay kami, na’sa Pinas siya.

13. Describe your sex life in one word.

BOOM!!!

14. Your way to say thank you? Your way to show pleasure? Your way to show your anger?

Sinasabi, minsan nanlilibre

Bubulongan

Hindi ililibre at hindi bubulongan.

15. Kumusta ang buhay na malayo sa Pilipinas at sa pamilya?

Hindi maganda, nakakamiss lahat, pati mga punong kahoy at hayop sa Pinas ay namimiss ko, lalo na ang ulan at mga ulam.

16. Latest updates sa buhay mo?

Uwi na ako ng Pinas at hindi na babalik sa abroad

YOUR THOUGHTS ON…

Social media: Unfair/double standard
Blogging: Malaya
Life: Experience
Success: doing not wishing
Education: Treasure
Happiness: Life
Love: Corny
Virginity: Ouch
S3X: Gift
Justice in PH: Payatas
Online Games: Cool
OFW: Sacrifice

5 WHAT IF’s…
1. What if may time machine ka, anong panahon o pangyayari ang gusto mong
balikan?
Nung pinapanganak ako.

2. What if bibigyan ka ng power na maging invisible, ano ang gagawin mo?
Tatakbong nakahubad

3. What if ikaw ang President ng ating bansa, ano ang una mong gagawin?
Magso-SONA.

4. What if kaya mong lumipad, saang lugar ka pupunta at sinong isasama mo?
Bubong namin, isasama ko si yaya para walisan yun, dami na siguro mga dahon don.

5. What if gagawa ka ng isang aklat ngayon, tungkol saan ito at anong pamagat nito?

Tungkol sa buhay ko. Pamagat ay MMK o Malabong Maalala Ko.

SHOW IT OFF (just answer with a photo or photos)

1. Ano ang favorite photo mo na madalas mong tinitingnan?
2. Can you show us some photo of your boy crush and girl crush (kung meron)?
3. Ano ang mga makikita namin sa loob ng kwarto mo?
4. Ano ang pinakamahal na bagay na nabili mo sa abroad o dito sa Pilipinas?
5. Favorite part of your body?
6. One of those best moments in your life?
7. Things that you can’t live without?
8. Do you have a wacky photo of yourself?
9. Ano usually ang madalas mong suot na pambahay? Panlakad? Pantulog?
10. Sexiest photo you have in your wallet?

PERSONAL MESSAGE:

Salamat pero wala akong personal na mensahe. Baka magalit ka eh. Walang personalan diba?


Nangingibabaw


Ganito ba ang wakas ng pag-iibigan n'yo?

Ganito ba ang wakas ng pag-iibigan n’yo?

Nang magkakilala tayo sa Tondo, nagsimula na akong mag-I Love You;
Hindi ako sumuko kaya ika’y napa-oo.
Wasak man ako noon ngunit tinanggap mo ‘ko ng buong-buo;
Kasing puro ng Kapeng Barako.

Makalipas ng mga araw, tayo’y mas nagkasundo;
Araw-araw kasi tayo’y parating kapit-tuko.
Sa umaga, sa gabi, o sa pagguho man ng mundo;
Pangako nati’y di tayo magkakalayo.

Ngunit ang lahat ay nagbago ng nangibabaw ako sa’yo;
Pakiramdam mo kasi ako ang parating panalo.
Kaya natuto na ako at ipinaubaya ko sa’yo;
Mas naging maganda naman ang bago mong puwesto.

Lahat ay maayos naman kasama ka;
Ngunit nagising na lang ako isang umaga na wala ka na.
Nangingibabaw ka na pala ng iba;
At sa Youtube mo pa sa akin ipinakita.

Wish ko lang masaya ka na ngayon;
Dahil nakaraos na din ako sa pagdaan nitong mga taon.
Sa haba ng paghihintay ko’y nahanap ko rin;
Ang taong muling magpapatibok ng puso kong nangangailangan ng pansin.


Mga usapang saan ka pupunta? Sa ibang bansa o sa ibang planeta?


(Photo taken from: onlyhdwallpapers.com)

(Photo taken from: onlyhdwallpapers.com)

So, ano bang pinaglalaban natin ngayon? Sa tingin n’yo kasama ba ang mga ito:
1. Alam kong nabalitaan n’yo si Finay, ang pusang Pinay na nakaabot sa Amerika na nabalita sa TV Patrol. Sino kayang aampon sa kanya? Maswerte ba siya o minalas?
2. Alam kong kilala n’yo rin ang pinakabagong si “Kuya”, ang pinag-uusapan ngayong commercial model ng recent ad ng McDo; yung nagsabing “kumusta ang crush mo?”. Masasagot mo kaya siya ng “Kuya nag-smile na siya sa akin.”
3. For sure nakailang tawa din kayo sa mga pakulo ni 2013 Elevator Girl. Nakailang taas-baba kaya siya sa isang araw? Kaya nga di natin siya masisisi di ba? Lels.
4. Si Chito Miranda at Neri, kumusta na kaya? No comment na lang muna tayo dito. Hahaha
5. Pinag-usapan din ba ninyo ang pagdating ng ating pinakabagong barkong pandigma? Anong tingin n’yo dito?
6. Sa mga kapatid nating Muslim na nagdiriwang ng Eidl Fit’r, Eid Mubarak po sa inyo.
7. Kunting showbiz din muna tayo. Si Reymart at Claudine, magkakaayos pa kaya ang dalawang ito? Nakailang sunod-sunod na taong “hits” na ba ang mga ito?
8. Buwan ng Wika ngayon, paano ang pagdiriwang natin dito?
9. Kapag sasabihin kung last na ‘to at sisikat ka, magku-comment ka ba?