Monthly Archives: July 2013

Bakit hindi ka mahal ng mahal mo?


Hiwaga ng pag-ibig (Photo taken from: www.prinsesamusang.wordpress.com)

Hiwaga ng pag-ibig
(Photo taken from: http://www.prinsesamusang.wordpress.com)

Lahat ginawa ko para sa kanya, ngunit bakit sa tingin niya wala pa rin akong kwenta” — ito ang makahulugang post ko sa twitter na nakakuha ng atensiyon sa ilan kong followers. Ilan sa kanila, nagawang mag-reply para magbigay ng payo sa akin. Feeling ko, mukhang naka-relate sila sa sitwasyon ko o napagdaanan din nila mismo. Sabi nila, mas mabuti daw na bumitaw na ako; give up na daw at huwag ng lumaban pa bilang respeto man lang sa sarili ko. Ang tanging sagot ko, paano ako bibitaw kung hawak niya ang pag-ikot ng mundo ko? Paano ako aayaw kung hindi pa ako handa? Mahirap nga naman talaga ang nasa ganitong sitwasyon. Alam kong parang sinasabi nila sa akin na “ang mahal mo ay may mahal na iba at ito’y kailangan mong tanggapin kahit mahirap at masakit man“. Ngunit, malay natin magbago pa ang takbo ng lahat di ba? Ayoko pa munang sumuko ngayon dahil pakiramdam ko may laban pa ako sa kanya; handa muna akong sumugal muli. Naniniwala din kasi ako na love could be insist in a good way; love could be learn and develop. Kung sa tingin niya’y kulang pa ang lahat ng ginawa ko, handa akong dagdagan ang lahat mapansin lang niya na mahal ko siya. Subalit kung ang talagang wakas ng kwentong ito ay ang pagkawasak ng puso ko, at least hindi ko sisisihin ang sarili ko na wala akong ginawa; na hindi ko siya pinaglaban. Ang mahalaga na lang siguro sa akin kung ganito ang mangyayari ay ang makitang masaya siya sa naging desisyon niya upang magkaroon na ako ng rason na piliting muling buksan ang aking puso para sa ibang magagandang darating pa sa buhay ko. Tama ba ako?


Sana’y Hawak Ko Ang Lahat


Sa pagtila ng ulan, sisikat din ang araw. (Photo taken from: naomifergusson.com)

Sa pagtila ng ulan, sisikat din ang araw.
(Photo taken from: naomifergusson.com)

Anuman ang gawin natin, may mga bagay sa buhay natin na di natin hawak. Kadalasan, taliwas ang mga ito sa mga bagay na gusto nating ibigay sa atin o mangyari sa atin; at dahil wala tayong magagawa, kailangan natin itong tanggapin at kailangan natin itong harapin ng face-to-face. Sabi nga, walang ibibigay sa atin na hindi natin kayang malampasan. Think positive nga lang daw at huwag umayaw dahil tiyak na may solusyon at sagot ang lahat.
Sa pagharap natin sa bawat laban, narito ang sa tingin ko’y mga bagay na may malaking maitutulong sa atin:
1. Manalig tayo sa Kanya, sa ating mapagmahal na Ama dahil tiyak akong nariyan lang Siya.
2. Maging resourceful tayo upang mahanap natin ang sagot o solusyon ng ating mga problema.
3. Hindi tayo nag-iisa kaya huwag tayong matakot lumapit at magpatulong sa ating mga kaibigan, pamilya o mga mahal sa buhay na nand’yan parati upang sumuporta.
4. Huwag matakot gumawa ng unang hakbang dahil kapag nasimulan mo na, go na yan ng go.
5. Sa kabila ng lahat ng dinanas o anuman sa buhay natin, tingnan natin ang kabilang side nito — ang magandang parte.
6. Gumawa tayo ng desisyon na pinag-isipan upang hindi lumala ang sitwasyon sa gagawin natin.
7. Magdasal tayo; manalig tayo; lumaban tayo; at dapat maging matatag tayo.
8. Subukang huwag pasanin ang lahat ng problema ng buo. Ilaan din ang ilang oras para sa sarili mo o sa ibang bagay.
9. Isipin natin na ang lahat ay lilipas din at sisikat din ang araw sa buhay natin.
10. Sa ating muling pagbangon at sa muling paglalakbay, huwag nating kalimutan ang mga natutunan natin sa bawat dagok na iyon sa buhay natin. Gamitin natin ang mga ito para sa mga susunod na laban.


On the go Queen


Sa unang pagkakataon, handog ko sa inyo ang isang mapakagandang dilag na blogero para kilalanin lang ha. Halina’t simulan na natin!

Tingin-tingin lang din 'pag may time! :p

Tingin-tingin lang din ‘pag may time! :p

Name/Alias: Christeen
Birthdate: 12/24
Age: 25
Location: Pasig
Civil status: Taken 😛
Blog name: Senyorita Lakwachera
Blog URL: www. SenyoritaLakwachera.com

Sexiest word: Pak 😉

Sexiest game: Bahay-bahayan
Favorite Film: 3 Idiots

Pick-up Lines: PASS
Collection: Shoes and Shades

“JUST FOR FUN” QUESTIONS
1. Sino ka sa likod ng blog world?

Isang BPO specialist sa gabi at lakwatsera sa araw. Tahimik na makwento, seryosong palabiro.

2. Ano ang kwento bakit naisipan mong pumasok sa mundo ng mga blogero?

Yung totoo? Hehe naingit lang ako, nakita ko me website schoolmate ko sa high school na maganda yung design. Tas yun na kyuryos ako at gumawa ng sariling blog.

3. Ano ang mga bagay na natutunan mo mula sa pagbablog?

Ang isa sa mga bagay na natutunan ko ay ang manindigan sa sarili – lalo na sa personal blog na kung saan personal na opinion mo ang napapaloob.

4. Ano ang ilang “facts” na hindi namin alam tungkol sa iyong blog?

Hmmm paniguro – walang me alam na may proofreader ako hindi sila profesyonal pero sapat lang yung kakayahan nila na atleast gawing understandable yung mga nilalathala ko na hindi binabago ang thoughts nito. Me spelling disorder kasi ako at nalilito sa mahahabang pangungusap, scientifically daw isa itong sintomas ng isang uri ng Dyslexia. Ngunit, gayun paman, pinipili ko parin mag sulat sa English, eto kasi ang paraan ko para kahit papano eh mapigilan ko ang pag lala ng disorder kung hindi man mapaigi sa paraang masaya ako J #whatArevelation!

5. Ano ang responsibilidad ng isang blogero? May maipapayo ka ba sa mga gustong maging blogero?

Is sa mga responsibilidad ng isang blogero ay ang pag sasaalang alang sa mga bagay na sasabihin, ilalathala o bibitawan sa internet. Kasi, sikat ka man o hindi – maaring maka impluwensya ka o makasama sa iba ng hindi mo namamalayan. J

– Sa mga gustong maging blogger, go go lang. Subok muna bago back out ;).

6. Ano ang madalas laman ng bag na gamit mo?


– Maliit na kikay kit, sticky notes, ballpen, highlighter, libro at cellphone.

7. Craziest thing you’ve done?

Kung sa blogging, ang pinaka-baliwbaliwan na nagawa ko ay ang maghop sa mga blog at mag-iwan ng comment na nagsasabing “nice dress – lets follow each other in G.Circle.”. haha

8. Pinakamalaking halaga ng pera na nahawakan mo?

Malaki, mga nasa 200k siguro – naisip ko nga itakbo eh.

9. What can you say about GMA, ABS-CBN, and TV5?

Wala akong masasabi, hindi ako pala nuod ng TV.

10. Coffee, Milk or Tea? Hot or Handsome? Beauty or Brain?

Coffee, Hot, Brain

11. Inspirasyon mo sa buhay?

Family

12. Describe yourself bilang estudyante noon? Bilang isang dilag ngayon? Bilang isang ina soon?

Bilang estudyante noon ako ay pilya (kaya pilyang kuneho title ng 2nd personal blog ko). Wala akong notes at notebook lalo na book, kunti lang laman ng bag ko, isang ballpen lang at ilang pirasong papel para iwas parasite. Pero nakaraos naman sa Science Curriculum section J

Bilang isang dilag ako ay matured, gala at mas responsible na.

– Bilang isang ina – hindi ko to naiimagine maging ina J baka bukas sa makalawa na o talagang hindi na.

13. 10 years ago, what was your greatest dream?

Maging sikat na fashion designer at malibot ang mundo.

14. Ano ang maituturing mong pinakamalaking accomplishment na nagawa mo?

Ang makabalik sa pagsusulat.

15. Latest updates sa buhay mo?

May passport na ako sa wakas!

YOUR THOUGHTS ON…

PNoy’s SONA 2013: Hindi ko to napanuod pero nag flood ang instagram ko ng post ng magagarang damit kaya akala ko Fashion Week ulit. Hehe.

Blogging: Ang pinaka produktibong paraan ng pagpapalipas oras.

Life: Isang paglalakbay

Success: Bagay na pinagtatrabahuan at hindi lang inaasam

Education: Ginto

Happiness: is a choice.

Love: my sweetest downfall! chos

Virginity: not familiar of this haha

S3X: bahagi ng buhay

3 WHAT IF’s…
1. What if may time machine ka, anong panahon o pangyayari sa buhay mo ang gusto mong balikan?

Dec. 24 2005 – 18th bday ko at huling bday na nakasama ko lolo ko.

2. What if bibigyan ka ng power na maging invisible, ano ang gagawin mo?

Makikisakay sa eroplano at maglilibot sa mundo.

3. What if isa kang prutas, ano ka at bakit?

Langka – Tough on the outside but sweet in the inside. 😉

PERSONAL MESSAGE:

Hi Loadplus,

Una, salamat sa opportunity na ma-feature. First time ko at overwhelming pala.

Pangalawa, nais kong sabihin na maganda ang segment na to para makilala natin ang iba pang blogger. Kaya ipagpatuloy.

Lastly, good luck sa blog mo at sayo.

Christeen


Si PNoy at ang bayan


15th President of the Philippines: Pres. Benigno Aquino III (Photo source: www.allvoices.com)

15th President of the Philippines: Pres. Benigno Aquino III
(Photo source: http://www.allvoices.com)

Simula sa araw na sinabi ni PNoy ang linyang “kayo ang boss ko”, alam kong napakahirap at napakalaking responsibilidad ang alam niyang nakaatang na sa kanya bilang pangulo ng Pilipinas (este Filipinas?). Sa kanyang tatlong taong panunungkulan (kung tama ang pagkakabilang ko), kumusta na nga ba ang Pilipinas? Sa tingin ba ng nakararaming Pilipino ay nakatahak pa rin tayo sa matuwid na landas o lumihis na ba tayo? Alam kong napakaraming magagandang pangarap si PNoy para sa Pilipinas; alam kong nais niyang gumawa ng kanyang sariling pangalan; at alam kong nais niyang may mapatunayan; ngunit ang lahat ba ng ito ay nasimulan na ng maayos para maramdaman ng bawat Pilipino o hanggang ngayon ay nakalutang pa rin sa hangin bilang mga pangarap?
Sa ikaapat na SONA ni PNoy, alamin natin kung may dagdag at bagong kasagutan ang ating napakaraming dating mga katanungan (di lang kung ilang palakpak ang kanyang natanggap). Mga dating tanong tungkol sa kahirapan, edukasyon, trabaho, seguridad, negosyo, pamilya, buhay, at iba pang pangangailangan. Oo, may karapatan tayong malaman ang mga bagay-bagay na tungkol dito ngunit sana lang din ay alam natin na may responsibilidad din tayo para sa ating bayan bilang mga mamamayang Pilipino. Ang lahat ng ito ay di naman talaga tungkol lang kay PNoy kaya dapat matuto din tayong makiisa, sumuporta, tumulong, magsakripisyo, at lumaban para sa isang matatag at maayos na Pilipinas. Sa sama-sama nating lakas, hindi imposible ang lahat.


#EmpiLight Moment


Mga ka-blog, sa wakas may bago na naman tayong blogero na makikilala. Mukhang yummy daw ang isang ito (Choco Martin lang o). Jejeje

Hanapin n'yo na lang ako dito...

Hanapin n’yo na lang ako dito…

Name/Alias: Empi
Birthdate: 02-07
Age: 29
Location: Diliman
Civil status: Single
Blog name: Kol Me Empi
Blog URL: marcopaolo24.blogspot.com
Sexiest word: HOT
Sexiest game: habulang-gahasa
Pick-up Line: “Love me and I love you”

“JUST FOR FUN” QUESTIONS

1. Sino ka sa likod ng blog world?

Tahimik. Suplado. Pero mabait. Ngiti-ngiti lang. Walang paki.

2. Ano ang kwento bakit naisipan mong pumasok sa mundo ng mga blogero?

Dati, wala akong alam sa pagba-blog. Si Ex-officemate ko ang may pakana nito e, siya ang nagtulak sakin para pasukin ang mundo ng blogging. Nakakatuwa dahil marami kang nakikilala at makikilala na maging kaibigan mo sa totoong buhay.

Ang aking blog ay limang taon ng nakikipagsapalaran sa mundo ng blogosperyo. From the start puro heartaches, ka-emohan, mga nega ang mga post but habang tumatagal ito. Nag-iiba ang mga post ng inyong lingkod. Sa ngayon, ang mababasa mo sa post ko is all about my experienced lalo na sa mountaineering, mga activities na ginagawa ko at mga adventures ko with my group.

3. Ano ang mga bagay na natutunan mo mula sa pagbablog?

Ang natutunan ko sa pagba-blog ay yong marunong kang makisama sa mga blogger na nakakasalamuha mo. Iba’t ibang personalities kasi ang makakasalamuha mo sa isang blogger kaya dapat alam mo kung paano sila pakisamahan. Kasi sa blogging world; may epal, maingay, may pabibo, may mabait, may maingay, may tahimik, may madaldal, lahat ng ugali ng tao ay meron sa isang blogger.

4. Ano ang ilang “facts” na hindi namin alam tungkol sa iyong blog?

Hahaha. Parang wala na yata akong ma-ishare na Facts e kasi halos lahat ng mga activities ko ay naibahagi ko na sa blog ko.


5. Para sa’yo, ano ang kaibahan ng blog mo sa ibang blog?

Hmmm. Ang ibang blog ay focus lang sa isang bagay na ginagawa nila tulad ng food blog, travel blog, health blog, etc. Ang sa akin ay halo-halo from personal to travel to mountaineering to food tripping –yan ang laman ng aking blog.

6. Ano ang responsibilidad ng isang blogero? (May maipapayo ka ba?)

Siguro ang maipapayo ko lang ay yong kung ano ang sinulat mo sa blog mo ay panindigan mo.

7. Craziest thing you’ve done?

Marami e pero ayaw kong i-share. 🙂

8. Pinakamalaking halaga ng pera na nahawakan mo?

60, 000 pero wish ko lang sa akin. Hehe!

9. What can you say about GMA, ABS-CBN, and TV5?

Wala akong masasabi sa mga network na ito dahil sila ay respetado. May mga programa silang maganda at meron din namang hindi maganda.

10. Coffee, Milk or Tea? Brief, Boxer short or Boxer brief? Monday, Friday or Sunday?

Tea. Boxer Short. Sunday.

11. Inspirasyon mo sa buhay?

Family

12. Describe yourself bilang estudyante noon? Bilang isang binata ngayon?

Pala-aral, maagang mag-submit ng mga project, Mayor sa klase, kasapi sa isang folk arts dance troupe at homebody. Bilang isang binata naman, lakwatsero na ako ngayon.

13. Latest updates sa buhay mo?

Pinaka-latest updates sa buhay ko, ito kakatapos lang ng extreme adventure with my group.

YOUR THOUGHTS ON…

BLOGGING: Sulat lang ng sulat ayon sa sinasabi ng iyong puso. Hindi yong nakikiuso ka lang.

LIFE: Life is really too short para mag-emo or maging nega…try to appreciate simple things and enjoy life.

SUCCESS: You have to work on it to be a successful individual.

HAPPINESS: You can’t find happiness if you are not contented with your life and you have to accept to be happy.

LOVE: If you love someone, let him/her feel that you really love him/her. Hindi yong puro salita lang pero hindi naman pinaparamdam.

VIRGINITY: Hmmm, kasi sa panahon ngayon bihira na lang yan.

3 WHAT IF’s…

1. What if, may time machine ka, anong panahon o pangyayari ang gusto mong balikan?

If may time machine ako, gusto kong balikan yong panahon na nag-aaral pa lang ako. Dahil gusto kong mag-aral ng medicine.

2. What if, bibigyan ka ng power na maging invisible, ano ang gagawin mo?

If may power akong maging invisible, hmmm, sisilipan ko yong mga gusto kong silipan. Hahaha! Joke lang. Siguro, ang gagawin ko, maging invisible ako kapag nalulungkot ako para hindi nila makikita na malungkot ako. J

3. What if, ikaw ang President ng isang bansa, ano ang una mong gagawin?

Siguro, trabaho o hanap-buhay para lahat ng mamayan may kinikita. Yon naman ang kailangan sa atin e. Kaya yong iba na nababalitaan natin sa mga news, nagnanakaw sila, snatch, o holdup kasi walang trabaho. Saka, i-promote ng husto ang turismo sa Pilipinas. Ang daming magagandang tourist spot sa atin e.

PERSONAL MESSAGE:

Hi Loadplus,

Thank you for the opportunity!

Salamat dahil isa ako sa mga napili mo para sa panayam na ito. Hehe!

At pasensya na sa photo ko, mahiyain ako e. Hahaha!

God bless… J


Mga Sisiw na Kaligayahan


Let's save the world! (Photo source: www.themombuzz.com)

Let’s save the world!
(Photo source: http://www.themombuzz.com)

Libre po ang service ko. (Photo source: www.outrageouspower.com)

Libre po ang service ko.
(Photo source: http://www.outrageouspower.com)

Lahat ng pangarap ko noon ay natutupad; kahit anong oras, kahit anong panahon, at kahit gaano man ito kataas. Minsan, walang makapipigil sa akin sa aking pagiging isang doktor; lahat sumisigaw at pumapalakpak sa panahong ako’y nagiging isang sikat na super hero; minsan naman, ubod ng tamis ang aking naririnig na papuri sa bawat larawang aking naguguhit. Higit sa lahat, nakakatuwa ang panahong isa akong prinsipe na pinakamamahal ng kamahalang hari at reyna. Ang lahat ng mga ito ay ilan lamang sa mga hawak ko noon; noong panahong di ko pa alintana ang problema ng mundo; noong panahong ako’y bata pa na may musmos na kaligayahan lang.

I'm the next king in town! (Photo source: roamingglass.blogspot.com)

I’m the next king in town!
(Photo source: roamingglass.blogspot.com)

Tunay na kay sarap balikan ang panahong iyon sa aking buhay dahil ngayong ako’y malaki na at nasa tamang gulang at pag-iisip na, mas nakita ko na hindi pala ganoon kadali ang buhay. Ang simpleng buhay ko noon ay masyado ng kumplikado ngayon. Ang lahat ay di na gaya ng dati. Sa bawat pangarap ko ngayon, dapat tumbasan ko na ito ng tiyaga, sipag, at paniniwala dahil ang katuparan ng mga ito’y sa tamang panahon pa ibinibigay na hindi ko alam kung talagang kailan. Sa buhay ko din ngayon, ang musmos na kaligayahan na meron ako noon ay mukhang naglaho na ngunit ipinagpapasalamat ko dahil alam ko sa sarili ko na masaya ako anuman ang meron ako ngayon. Di na man ganun kadali ang maging isang doktor, super hero, engineer, o pintor, ngunit sa mga pinagdaanan ko ngayon, masasabi ko namang natuto akong lumaban at bumangon gamit ang sarili kong mga paa habang hinaharap ang bawat realidad ng buhay. Sa tulong ng Panginoon at kasamang mga mahal sa buhay, tiyak akong makakamit ko ang hinahangad kong tagumpay na nagsimula lang noon sa aking mga sisiw na kaligayahan. Yun o!

Just enjoying life's success. (Photo source: www.isocialize.com.au)

Just enjoying life’s success.
(Photo source: http://www.isocialize.com.au)


‘Selfie’ muna ‘pag may time


Para sa kaalaman lang ninyo, may hitsura din naman ako (swabe lang o!). Sabi nga ng iba (wish ko lang totoo), di daw malayo ang hitsura ko sa ilang kilalang matinee idols sa bansa. Ang kaso nga lang, di daw ako marunong pumorma kahit pa sa dami ng mga nakapilang gustong magpapicture sa akin. Lels. Pero sa totoo lang, tayong mga Pinoy, di naman talaga natin alintana anuman ang porma’t hitsura natin pagdating sa nabanggit kong usaping picture-picture di ba? Lahat nga tayo mahilig na mahilig mag-selfie! :p Kahit walang magagarang digital cam at CP lang ang gamit, selfie pa din ng selfie. Kahit anong oras, kahit anong panahon, at kahit saang lugar, go lang ng go. Ang iba nga sa atin kahit masyadong #SPG na mga parte, sini-selfie pa din hahaha (baka daw sakaling maging viral hehehe). Anyway, ang tanging patunay sa pagkahilig nating mag-selfie ay ang mga bumabahang mga selfie photos ngayon sa ating kilalang mga social networking sites/photo sharing sites na ginagamit gaya ng FB, twitter, at Instagram. Ilan sa mga ito ay emo lang ang trip, may mga pa-demure at pa-inosente ang effect, may mga nakakalokang wacky kung wacky lang din, at higit sa lahat, ang napakaraming mga selfie photos na feeling sina Justin Bieber, Daniel Padilla, Dingdong Dantes, Angel Locsin, Marian Rivera, Anne Curtis, Mikael Daez, KC, Pooh, Kiray, Melai, Pokwang, Vice, at Ryzza. Sabi nga, walang basagan ng trip! Lels. Di daw pwede ang enough-enough dapat major-major ang parating take!
O siya mga ka-blog, makapag-selfie na nga din muna habang may time pa (ui baka gusto mong sumali? :p) Say cheese… LOL.