Ang Tagumpay sa Paningin Ko


“Hindi ko kayang magmayabang dahil alam ko sa sarili ko na ang dami ko pang hindi alam.” — ito ay isa sa mga tweet updates ko sa aking twitter. Wala naman akong pinatatamaan o pinariringgan dito. I’m just speaking for myself talaga; pero sabi nga ni @otepzablan ay ang lalim daw ng pinaghuhugutan ng quoted quote kong ito (may tama ka Otep!). Pero para sa akin, simple lang naman ang gusto kong sabihin — Let’s be humble lang!
Marami na rin kasi akong mga kaibigan na ang layo na ng mga naabot sa buhay ngunit ang nakakatuwa ay di sila nakakalimot sa kanilang pinanggalingan. Nakatapak pa rin sila sa lupa. Yun ang gusto kong tularan; yun ang gusto kong ipaabot sa’yo kaibigan. Ang tagumpay para sa akin ay di dapat ipagmayabang. Yung pagmamayabang na feeling natin tayo lang ang nakakagawa at hindi kaya ng iba. Ang tagumpay ay dapat gawin nating inspirasyon para sa iba; ang tagumpay na makakamit ninuman mula sa pagsisikap at pagtitiwala. Kaya sa bawat tagumpay, ang tingin ko dito’y stepping stone lamang para sa napakarami pang mga magagandang tagumpay sa buhay. To God Be The Glory!

About loadplus

This world is now my " new " world! #iPlus1forFun! ;) View all posts by loadplus

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: