Monthly Archives: June 2013

Taste of Batangas


Tambay muna sa SM pag may time. (Photo source: commons.wikimedia.org)

Tambay muna sa SM pag may time.
(Photo source: commons.wikimedia.org)

Ang Batangas ay isa sa mga kilalang lugar bakasyunan ng ilang celebrities dito sa Luzon. Sa mahigit isang taon ngayon na pagtira ko dito, narito ang ilang bagay na aking nakita, nalaman, at nalasap na tanging tatak Batangas lang:
1. Pagsapit ng dapit hapon, kapag nasa bayan ka ng Batangas mismo, payo ko sa’yo, mag-ingat ka sa napakaraming itim na ibon na magliliparan sa bayan; baka ka kasi nabagsakan ng kanilang mainit-init na something. Getz?
2. Kapag ikaw ay nauuhaw, try mong tikman ang ilang masasarap na palamig dito. Best suggestion ko ang “Palamig ni Hapon”.
3. Huwag palagpasin ang kada Batangas City Day kasi tiyak na mamamangha ka sa gayak ng mga float na pumaparada. May mga sikat na stars pa.
4. Tuwing pasko, tiyak may pasabog na christmas attraction na naman d’yan sa kanilang City Hall.
5. Kapag may bagyo, ang bilis ng aksyon ng mga nasa inauukulan kung may pasok ba o suspended ang klase. Love ko ang latter hehehe.
6. Matutuwa ka rin sa kanilang mga kakaibang terms gaya ng utoy, ineng, parine, nakakasura, gayak na gayak, palot, banas, atbp.
7. Ang Tagaytay na sakop pa ng Batangas (?), sarap pasyalan.
8. SM Batangas, Bay City Mall, at Mabini Plaza, ilan sa mga tambayan ng bayan.
9. Lumang palengke at bagong palengke, andami mong pwede ma-say dito. Promise!
10. Beaches na nice, panalo din!

O siya, yan na muna.. Visit-visit din sa Batangas pag may time ha? :b


Perfectly made


Mga ka-blog, narito ang isang blogero na ating kikilalanin ngayon. Lubos akong nagpapasalamat sa blogerong ito dahil sa mabilis niyang response sa paki-usap kong ma-feature siya dito sa blog ko. Salamat John!

perfect picture lang o! jejeje

perfect picture lang o! jejeje

Name/Alias: John Danvic RosadiΓ±o
Blog name: I am perfectly me.
Blog URL: iamperfectlyme.tumblr.com
Age: 23
Location: Makati/Manila/Batangas
Civil Status: Single
Pick-up lines: (Can’t think of any. Haha, sorry.)
Sexiest Word: No specific sexiest word, but French words sounds sexy to me.
Sexiest Game: I don’t know. Lol~
Favorite book: Tuesdays With Morrie
Collection: Had phone cards collection when I was young, pero nawala na yung iba don. Now, none.

JUST FOR FUN QUESTIONS:

1. Sino ka sa loob at labas ng blogosperyo? Paano ka nagsimulang mag-blog?
JOHN: Nagstart lang ako mag-blog noong 2009, nung nagregister ako sa Tumblr. Wala lang, I just write stuff there, kung anong ma-tripan. Tumblr has no rules in blogging naman, you can reblog, etc. Kung ano ako sa blog ko, ganun din ako outside.

2. Ano ang mga di namin alam tungkol sa blog mo?
JOHN: May mga nakatagong bastos na stuff. LOL

3. Ano ang mga nais mong ipayo sa mga kapwa mo blogero at sa mga nais maging blogero?
JOHN: If you feel you want to do it, just do it. There are no rules, actually.

4. Ano ang madalas laman ng bag mo?
JOHN: Things that I use during work, and some pampa-gwapo stuff.

5. Para sa’yo, paano mo masasabing the best ang University na ito?
JOHN: If I’ll be asked what is the best University, of course I’ll say my university, the University of Santo Tomas. Sure, you’ll say your own schools. Won’t make comparisons, because I might be speaking out of ignorance. Pero as what I know, yes UP is greater. Ateneo, on some aspects, yes. Pero I would say my university excels. It may not be the greatest in all areas, but it is one of the best.

6. Sino ang mga inspirasyon mo sa buhay?
JOHN: My family, no explanation needed. πŸ™‚

7. Describe yourself bilang isang estudyante? bilang isang binata?
JOHN: I am not a student anymore, I am working. πŸ™‚ Binata, masaya so far, enjoying life the way we should enjoy it.

8. Ano ang maituturing mong pinakamalaking tagumpay na makamit mo? Ano ang sikreto ng tagumpay mo?
JOHN: Anything that I do in life successfully is considered a success, no big and small accomplishments. Kasi, if ever may gusto kang ma-achieve na isang bagay at na-achieve mo yun, you’ll set a higher goal, and higher, pataas ng pataas. Laging tumataas standards natin.

9. Pinakamalaking halaga ng pera na nahawakan mo?
JOHN: I’d rather not mention it. πŸ™‚

10. Say something about GMA 7, ABS-CBN, at TV5.
JOHN: GMA 7 has the best News and Current Affairs, especially their documentaries. ABS-CBN is good in entertainment, yun lang. TV5, with exception of Face to Face and Talentadong Pinoy, they need to innovate more.

11. Brief, boxer short, or boxer brief? coffee, milk, or tea? Monday, Friday, or Saturday?
JOHN: Briefs. Milk. Saturday.

12. Ano ang latest update sa buhay mo?
JOHN: Wala namang bago, I think. Lol~

YOUR THOUGHTS ON…

LOVE: is a weird feeling. Sometimes, it makes us happy, sometimes it makes us sad. But whatever those feelings are, we should always spread it, so everyone can feel it.

LIFE: should be enjoyed, lived to the fullest. We will only have this one, so make the most out of it.

SUCCESS: will only be achieved if we will stop searching for more.
HAPPINESS: is a feeling that everyone wanted to feel, but we cannot attain a hundred percent of it, that’s reality.

EDUCATION: is something that will take you far. If you’re serious with it, it will take you to places. If not, then find other options. By the way, grades are just numbers, they will never define who you are.

S3X: Admit it, it’s a enjoyable feeling. But, we should always be responsible. Dapat alam mo kung paano maging responsable sa bawat galaw mo. πŸ™‚

Personal Message:
My blog name states what I am: I may not be perfect, but I am perfectly me. No one can define who you are, kundi ikaw lamang. So, be perfectly you. πŸ™‚

Thank you.

Regards,
John Danvic


Wishes of an a year older


Ang kaarawan ko ay hindi lang isang ordinaryong araw para sa akin. Hindi dahil may malaki akong handaan tuwing birthday ko, kundi sadyang espesyal na araw ito para sa akin. Ngayong tatanda na naman ako ng isang taon, nais ko sanang maging mas espesyal ito sa tulong at pagmamahal ninyo. Wish ko lang sana matupad ang mga mumunting hiling na ito:
1. Sana makatanggap ako ng comment mula kina Bino, Otep, Bagotilyo, Akoni, Gasoline Dude, Lapiskamay, atbp. dito sa blog ko.
2. Sana may magbibigay sa akin ng kahit lumang regalo. Kahit katawan pwede? Haha
3. Sana may magtweet ng hashtag na #iLoadplusDay baka sakaling magtrending.
4. Sana magkaroon pa ako ng mga bagong folowers dito sa aking blog. Ikaw, pwede ka!
5. Sana makasama ako sa isang certified gimikan ng mga blogero this year.
6. Sana makagawa na ako ng isang maganda, mahaba, at may pictures na blogposts. Try and try mode din pag may time.
7. Sana may mag-feature sa akin sa kanyang blog. Free na free po ako kahit walang talent fee.
8. Sana marami pang exciting, bago, kakaiba, at makabuluhang bagay ang magagawa ko dito sa aking paglalakbay.
9. At ang huli, sana nand’yan parin kayo para suportahan ang init ng blog ko. Sama-sama parin tayo ha?

Happy Birthday To Me! (BUKAS NA PO) :p


Mga nagliparang Pangarap (Huling Yugto)


hope

Mula ng mag-artista ako, nagbago na ang lahat sa buhay ko. Dahil sa kasikatang taglay ko, naging mainit rin ako sa mata ng mga taga-press kung kaya’y ilang sex scandal, nude photos, at ilang nakakasirang isyu ang nagsilabasan tungkol sa akin mula sa aking mga bashers at sa mga gustong magpabagsak sa akin. Naging malaki na rin kasi ang aking ulo, nagkaroon ako ng iba’t-ibang karelasyon, at lihim ding nalulong sa druga at sugal. Kahit nakagawa man ako ng sarili kong pangalan sa showbiz, unti-unti ding tumamlay ang aking karera dala ng mga isyung kinasangkutan ko. Di naglaon ay bigla na lang nawala ang lahat; bumagsak ang aking dati’y napakainit na karera. Huli na bago ko na-realize ang lahat at wala na akong magagawa pa. Kahit papaano, may naipon at naipundar din naman ako mula sa pag-aartista; ngunit dahil sa luho at bisyo, naubos din ang mga ito. Mula noon, tumanggap ako ng napakaraming indecent offers. Ilan sa kanila ay nasa pulitika, may mga kilalang negosyante, at ang ilan ay mga taga-showbiz din na kadalasan ay mga nagtatagong ayaw lumantad. Katawan ang muli kong ginawang puhunan. Katawan ang ginamit ko upang muling kumita’t maabuhay. Sa kasamaang palad, nagkasakit ako. Mula noon, humina at di naglao’y natigil ang nakasanayan kong raket.
Umuwi ako sa probinsiya. Doon ay nagsimula akong gumaling sa aking pagkakasakit at bumalik ang dating tikas ng aking pangangatawan. Sa kabila ng lahat, naging kakampi ko ang aking mga magulang at kapatid. Madalas, pinagsisihan ko kung bakit di ko inalagaan ang biyayang iyun sa aking buhay. Hawak ko na sana ang pinapangarap ng lahat ngunit ang mga ito’y isa-isang nagsiliparan. Wala mang natira sa akin, pinilit ko pa ring magpakatatag, magbago, at mangarap muli. Sa ngayon, kahit sa simpleng buhay ay masaya na ako dahil sa wakas ay nakabuo ako ng isang bago at maayos na pamilyang puno ng pagmamahalan. Nakakilala rin ako ng mga taong handa pa ring tumanggap at magmahal sa akin. Ang pinto ng pagbabago ang siyang nagbukas ng lahat. At sa Panginoong patuloy na nagmamahal at sumusubaybay sa akin,lubos ang aking pasasalamat sa Kanya.

WAKAS


Mga nagliparang Pangarap 4


Dahil sa nangyari, napagpasyahan kong mangibang bayan muna. Mula sa probinsya, nakipagsapalaran ako sa magulong buhay sa Manila. Laking pasasalamat ko ng makahanap agad ako ng maayos na trabaho. Di man ganun kalaki ang sweldo ngunit di rin naman ganun kabigat ang trabaho. Noong una ay medyo nahirapan akong makipagsabayan; nahirapan akong makisama sa mga katrabaho. Lumipas ang mga araw, natutunan ko rin kung paano sumabay sa bagong agos na ito. Marami akong nakilala; ilan sa kanila ay nagpaparamdam pa ng kanilang interest sa akin. Lalaki lang ako at may pangangailangan, kung kaya’y di ‘ko na maiwasang bumigay sa iilang makamundong tukso ng buhay. Ngunit para sa akin, ang lahat ng iyun ay hindi seryoso. Wala pa akong nakikilala na gaya ng baby ko.
Isang gabi, habang pauwi na ako galing trabaho, dumaan muna ako sa isang mall. Wala naman talaga akong balak na bilhin ngunit parang may kakaibang puwersa na gusto akong dalhin papasok sa nasabing mall. Naglibot-libot ako. Napadaan ako sa stall ng isang kilalang brand ng pantalon. Magsisimula na sana akong mamili ng may lalaking lumapit sa akin at nagpakilala. Isa daw siyang talent manager at tinanong niya ako kung gusto ko ba daw mag-artista. Dumaan kami sa ilang araw ng detalyadong pag-uusap at sa huli’y humantong ng pagpirma ko sa isang kontrata. Dahil sa taglay kong hitsura at karisma, nagsimulang yumabong ang aking karera. Ilang taon lang ang lumipas ay taglay ko na ang kasikatang di ko inakala.Ilang magagandang proyekto rin kasi ang aking nagawa; hindi lang sa telebisyon kundi maging sa pelikula. Saan man ako pupunta, ako’y kilalang-kilala na.

ITUTULOY…


Mga nagliparang Pangarap 3


Masaya ang naging pagkikita naming mga ka-batch. Simula ng araw na yun ay mas naging malapit kami ng aking sinisinta. Matapos ng ilang buwan kong panliligaw sa kanya, sa wakas ay naging official na kaming mag-on. Napakasaya ko sa araw na yun; ang araw na narinig ko ang kanyang matamis na oo. Sobrang saya ko noon na halos isigaw ko ito sa buong mundo. From single dati, ngayon, in relationship na din ang status ko.
Naging mainit ang relasyon namin ng aking unang pag-ibig. Halos araw-araw ay ipinapadama namin ang aming pagmamahal sa isa’t-isa. Alam kong masaya s’ya sa akin at mas wala na akong ihihiling pa habang kasama s’ya. Kapag magkasama kami, parati kong hinihiling na sana wala ng katapusan ang lahat sa amin. Mahal ko siya. Siya lang ang buhay ko.
Isang umaga, nagising ako na tila may something na di maganda akong nararamdaman. As usual, nagtext ako kay baby ko ng “Gud mwnin bhe. Luv U!” ngunit di s’ya nagreply. “Baka tulog pa yun”, ang nasa isip ko. Ngunit matapos ng ilang oras, isang balita ang natanggap ko na halos binagsakan ako ng langit at lupa sa sakit ng ito’y aking marinig. Ang baby ko, ginahasa at pinatay kagabi! Halos mabaliw ako. Hindi ko matanggap ang nangyari kay baby ko. Sobrang sakit ng pangyayaring ito.
One year after ng pangyayaring yun sa buhay ko, hindi ko pa rin nakakalimutan si baby ko. Feeling ko, matagal na panahon pa ang kailangan bago ko muling mabubuksan ang aking puso. Hindi pa ako handang umibig muli. Sana makahanap pa ako ng babaeng katulad ng baby ko. Sana nga…

ITUTULOY…


Mga nagliparang Pangarap 2


Mahal rin kita! — ito ang sabi ng aking sinisinta na ngayon ay nasa harapan ko na. Nakatayo sa may paanan ng kamang aking kinahihigaan. Parang di ako makapaniwala. “Totoo ba ‘to?”, ang tanong ko sa sarili. Mas lumapit pa s’ya sa akin. Bumangon na agad ako at mabilis naming pinagsaluhan ang isang mainit na halikan. Mahigpit ko siyang niyakap. Ilang minuto pa’y naging mapusok na kami ng biglang isang malakas na alarm ng aking phone ang tumunog. Iyun ang gumising sa aking mahimbing na pagkakatulog; ang tunog na pumutol sa aking napakagandang panaginip. “Sayang naman!”, ang tangi kong nasambit. Panaginip lang pala ang lahat. Matapos ng ilang minuto ay bumangon na rin ako. 5:00 am na pala ng umaga ng i-check ko ang oras. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Matapos magmumog, uminom muna ako ng mainit na kape na sinamahan ko na ng loaf bread na nakita ko doon. Bumalik ako ng kwarto pagkatapos. Hinanap ko ang aking phone at may isa akong text message na natanggap. Galing ito sa barkada ko na kagagaling Canada. Magkikita-kita daw ang buong barkada (mga ka-batch ko noong high school) at inihirit pa niyang kasama daw ang aking sinisinta at marami pang iba. Excited akong nagreply na makakapunta ako. Sana aayon ang ihip ng kapalaran para sa torpeng binata na lubos lang na nagmamahal. Pag-ibig nga naman!

Itutuloy…