Monthly Archives: May 2013

#WhenIWasBataPa


(This photo is taken from fineartamerica.com)

(This photo is taken from http://www.fineartamerica.com)

For sure nakigulo din kayo nang magtrending ang hashtag na #WhenIWasBataPa sa twitter, di ga? Sa post kong ito, narito ang fair share ko tungkol dito:
1. #WhenIWasBataPa napakalaking halaga na ng sampung piso. Kapag binibigyan ako dati ng sampung piso feeling ko mabibili ko na ang lahat ng gusto ko. Ang saya-saya ko nun.
2. #WhenIWasBataPa kapag inuutusan ako para bumili sa tindahan malapit sa amin, inasaulo ko ang pinabibili ngunit pagdating sa tindahan nakakalimutan ko ang pinabibili kaya ang bata, balik uli sa bahay para itanong ang pinabibili. Hehehe
3. #WhenIWasBataPa patok na patok ang Dragon Balls at Ghost Fighter at hanggang ngayon patok pa din.
4. #WhenIWasBataPa akala ko patay na lahat ang mga taong napag-uusapan sa Sibika at Kultura/Araling Panlipunan gaya ni Queen Elizabeth II. :p
5. #WhenIWasBataPa ang cute ko daw sabi nila. Ano aangal ka? Sana nga hanggang ngayon pa.
6. #WhenIWasBataPa sikat ang GIMIK tapos naging Tabing Ilog at Click hanggang naging Luv U at TeenGen na rin.
7. #WhenIWasBataPa tinuturuan akong maglakad ngunit ngayon pinipigilan akong lumakad.
8. #WhenIWasBataPa takot ako sa dilim. Ngayon kaya?
9. #WhenIWasBataPa maliit daw ang sweldo ngunit mura ang bilihin, ngayon maliit na ang sweldo, mahal pa ang bilihin.

O s’ya kayo naman. Anong #WhenIWasBataPa ninyo?

Advertisements

I Belong Here


Sana kasama kita palagi sa paglalakbay ko. (Photo source: www.abc.net.au)

Sana kasama kita palagi sa paglalakbay ko.
(Photo source: http://www.abc.net.au)

Kasama sa ating mahabang paglalakbay sa buhay ang makisama sa mga taong ating nadadaanan. Minsan pa, kailangan nating maging bahagi sa isang grupo, organisasyon o basta samahan. At sa ating pagpasok, kailangan nating maging handa na ibahagi ang ating sariling kwento sa kanila. Para sa akin, upang magkaroon ng isang “sacred space” sa anumang samahan dapat magkaroon ng mga ito:
1. ACCEPTANCE. Bawat isa kasi ay makakaiba at kailangan nating i-accept na ito ‘yung kahinaan at ito yung kalakasan ng ating kasama. Kapag nagawa natin ‘to, mas magagawa nating maging mabisang suporta sa ating mga kasama upang mas ma-strengthen ang kanilang mga weaknesses.
2. OPENNESS. Sabi nga ng iba, dapat maging open ang bawat isa upang maging close. Totoo di ba? Pero syempre, ang pagiging open ay dumadaan din sa proseso. Una munang kailangan ay ma-build ang trust sa kapwa kasamahan.
3. RESPECT at SENSITIVITY. Dapat maging sensitive talaga tayo sa feeling ng iba at kailangan din natin silang i-respeto.

Hanggang dito na lang mga kablog. Sana makatulong ang blog post na ito.


A Day Before Election and Its Aftermath


WOW high tech much! (Photo source: www.untvweb.com)

WOW high tech much!
(Photo source: http://www.untvweb.com)

Bukas (May 13, 2013, Philippines’ Mid-term Election Day) muli kayang mapatunayan ng Pilipinas ang magkaroon ng maayos, malinis, at mapayapang automated election? Kahit hindi ako rehistradong botante ngayon dito sa bagong lugar na tinitirhan ko, lubos pa rin ang hangarin kong sana nga ay maging matagumpay ang eleksyong ito. Kayo mga kablog, sana’y huwag n’yong sayangin ang mga boto ninyo. Vote wisely, upang ang mga karapat-dapat lamang ang mabigyan ng upuan sa ating pamahalaan. Napakalaking responsibilidad ito sa atin hindi lamang para sa ating sarili mismo kundi pati sa future ng ating mga kapatid, pamangkin, anak, mga susunod na henerasyon at siyempre sa mahal nating Pilipinas. Ang tuwid na daan para sa bagong Pilipinas ay mukhang nagsisimula ng bumukas at sana’y magpatuloy ang daang ito. Sama-sama tayo upang baguhin natin ngayon ang mga maling nakasanayan na sa larangan ng pulitika dito sa ating bansa. Sisimulan nating lahat ito bukas. Pagkatapos ng eleksyon, may halaga pa kaya ang bawat isa sa atin sa mga nagsitakbong kandidato? Ang mga naihalal kaya sa puwesto ay ang tunay na sigaw ng mga matatalinong botante? Maraming pwedeng mangyari bukas at sa susunod na mga araw pero wish ko lang sana ang mga ito’y #DapatTama.


Kami, Siya, at Ako (Part 11)


Sa isang close family event, nagtagpo ang landas ng apat, si Roman kasama si Bella at si Alberto kasama si Amara. Ng gabi ding iyun ay sorpresang inihayag ni Alberto ang engagement nila ni Amara. Di maipaliwag ni Roman ang nararamdaman. Parang tumagos pa rin sa puso niya ang sakit ng katotohanang kailangan niyang tanggapin. Magpapakasal na ang Amara niya sa kapatid niya. Uminom ng uminom si Roman ng gabing iyun upang makalimutan ang lahat at baka daw sa paggising nito ay magbago ang lahat. After 3 months nun ang napag-usapang date ng kasal nina Alberto at Amara. “Babe, alam kong hindi po pa lubusang nakakalimutan si Kuya ngunit sana ay hayaan mong akong pumasok sa puso mo. Mahal na mahal kita at handa akong maghintay sa panahong mahalin mo ako ng buong-buo” ang minsang magsusumamo ni Alberto kay Amara. “Mahal ko si Alberto at ayoko ko siyang saktan.” ito ang naging huling pasya ni Amara. Matutuloy kaya ang kasal nina Alberto at Amara? Muli bang lalaban si Roman sa kanyang nararamdaman kay Amara? May pag-asa pa ba ang lahat para kay Amara at Roman?

ITUTULOY…


Kami, Siya, at Ako (Part 10)


Matapos ang pagkikitang muli nina Amara at Roman, halos noon lang din ay nakilala ni Amara si Alberto. Mabait si Alberto, maalaga, may humor kausap at may angking kagwapuhan din ang binata kaya di nagtagal ay napaibig na din si Amara sa kanya matapos ang ilang buwan ding pagsuyo sa kanya ni Alberto. Naging madalas ang pagkikita nila Alberto at Amara at tuwing tinititigan ni Amara ang binata ay ang mukha ni Roman ang nakikita nito. May pagkahawig kasi ang binata kay Roman at halos hindi din malayo ang agwat ng edad nito sa dating nobyo ni Amara. Hindi maipaliwanag ni Amara ang lahat basta ang alam niya ngayon ay mahal niya si Alberto at dahil dito hindi siya naging malihim dito — tungkol sa kanya at kay Roman. Sa pagtatapat ni Amara, noon din niya nalaman ang katotohanang si Alberto at Roman pala ay magkapatid sa ina. Akalain mo nga naman. Masyadong mapagbiro ang tadhana. Paano kaya sasabihin ni Alberto sa nakakatandang kapatid sa ina na ang dati nitong nobya ay ang babaing mahal na mahal niya ngayon?

ITUTULOY…


Kami, Siya, at Ako (Part 9)


Tatlong taon na ang nakalipas matapos ang hiwalayang Roman at Amara. Nakapagmove-on na kaya ang dalawa? Si Amara ngayon ay kakabalik Pilipinas lang matapos ang kontrata niya sa Canada. Sa kanyang pagbabalik ay hindi niya akalain na magkikita silang muli ni Roman. Kasama ni Roman ang isang maganda at fashionistang dalaga. Hindi sila nakapagsalitang dalawa. Akala ni Roman ay nakalimutan na niya si Amara ngunit ngayong kaharap niya muli ang dalaga ay tila hindi pa rin naglaho ang pagtingin niya dito. Matapos ang matipid na kumustahan nina Roman at Amara, “Honey let’s go!” ani ni Bella, ang babaing ngayon ay kumukulupot sa braso ni Roman na tila nagsasabi kay Amara na “this is now mine Amara”. Samantala, sa tatlong taon na nasa Canada si Amara, marami ang nagpahayag ng pagtingin sa kanya ngunit lahat sila ay hindi pinagbigyan ng dalaga. Siguro dahil hindi pa siya handang umibig muli. Siguro dahil hindi pa siya nakakakita ng katulad ni Roman. Para sa dalaga, matagal na niyang napatawad si Roman. Halos nakalimutan na nga niya ang lahat ng sakit na yun dulot ng ginawa ni Roman.

ITUTULOY…


Kami, Siya, at Ako (Part 8)


Hindi na sinagot ni Amara ang text ni Roman. Tumatawag din ang binata ngunit hindi na niya ito sinagot. Habang sakay siya ng bus na yun pauwi ay batid ni Amara na mukhang nagkamali siya na lubos ang tiwalang ibinigay niya sa nobyo. Nakauwi na nga siya sa kanila at dahil sa nangyari, hindi siya nakatulog ng maayos.
Kinabukasan, isang “SORRY NA” gimik ang ginawa ng binata kay Amara sa kanilang campus ngunit pinilit ng dalaga na magcool-off daw muna sila ni Roman. Mula noon ay nagbago na ang lahat sa dalawa. Lalo pang lumala ang sitwasyon ng malaman ni Amara mula na rin sa narinig niyang usapan ng mga katropa nito ang tungkol sa kanilang pustahan. Humingi ng tawad si Roman kay Amara ngunit malabo daw na mapatawad siya nito. Matapos ang masakit na hiwalayan, nagbago daw si Roman, madalas daw itong liban sa klase at maging sa basketball practice niya. Mukhang tinamaan daw talaga ito kay Amara kaya ganoon kabigat upang matanggap niya ang lahat. Kawawang Roman. Kahit gaano man kasakit ang nagawa ni Roman kay Amara, di pa rin maalis sa kanya ang maawa sa dating nobyo. Ngunit para kay Amara, hindi na niya kasalan ang nangyayari ngayon kay Roman.
Lumipas ang mga buwan at dumating ang pagtatapos nila. Tuluyan na kayang matutuldukan ang lahat? Magkakahiwalay na ba talaga ang landas nina Roman at Amara?

ITUTULOY…