Nagliliyab na Damuhan (Part 2)


Ang mas mainit na karugtong…
plumab1

6. May nais ka ban ipayo sa mga kapwa mo blogero at sa mga gustong maging blogero?
— Napakalaki ng mundo ng blogging. Maraming sikat, maraming bigatin, maraming palakaibigan, at marami ring ahas. Ganunpaman, naniniwala ako na ang bawat tao na gustong pumasok sa blogging ay may karapatan. Sulat lang ng sulat. Kung pangit man ang mga posts mo, wag mong buburahin. Sa halip, gawin mo itong inspirasyon para mas mag-improve ka sa pagsusulat. In the end, ikaw din naman ang panalo. Darating din yung araw na matatawa ka na lang sa mga dati mong naisulat at magpapasalamat ka dahil natuto ka.
Matuto kang bumisita sa mga blogs ng iba pero hindi para lamang magkomento ng “ex-links? nice post!”. Insulto yan sa mga blogero. Para mo na ring sinabing nag-skip read ka sa mga posts nila. Wag kang panghihinaan ng loob kung walang bumibisita sa blog mo dahil darating ang oras na magkakaroon ka ng regular readers. At tandaan na kahit konti lang ang maging komento sa posts mo, hindi ito nangangahulugan na pangit ito. Hindi ito ang basehan. At sa oras na may pwesto ka na sa blogging world, huwag kalimutang lumingon sa pinanggalingan. Panatilihin mong nakatapak ang iyong mga paa sa lupa.

7. Ano ang madalas laman ng bag na gamit mo?
— Ipad, pabango, notebook, pens, camera

8. Ano ang masasabi mo about GMA7, ABS-CBN, at TV5?
— GMA7: Ilan lang ang marunong umarte. Good job sa patas na pagbabalita.
ABS-CBN: Mas sikat ang mga artista. May kinikilingan sa pagbabalita.
TV5: Dito yata napupunta yung mga nalalaos na sa dalawang istasyon.

9. Sino ang mga inspirasyon mo sa buhay?
— Pamilya, kaibigan, at si Lord

10. Pinakamalaking halaga ng pera na nahawakan mo?
–500k, isang araw lang hahaha

11. Brief, boxer short, or boxer brief? Coffee, milk, or tea?
— Brief, Tea

12. Ano ang nais mong sabihin sa sarili mo ngayon?
— Ligawan mo ulit siya. Wag kang torpe.

Smile naman d'yan Bino!

Smile naman d’yan Bino!

YOUR THOUGHTS ON…

BLOGGING: It’s a good way of expressing yourself. Pero dapat, think before you write.

LIFE: Life is good when you’re having fun! Lol. Hiram lang ang ating buhay sa Maykapal. Dapat natin itong alagaan sa mabuting paraan.

LOVE: Bakit ginagawang komplikado ang love? Hindi naman dapat ganyan. Pag ang dalawang puso ay nagmamahalan ng walang inaapakan na sinuman, liligaya sila magpakailanman.

SUCCESS: Ang pagsusumikap kasama ang pananampalataya at pagmamahal ang susi sa success.

HAPPINESS: It is a CHOICE.

PERSONAL MESSAGE:
Maraming salamat Loadplus sa pagkakataon na ako’y iyong makapanayam. It’s really an honor. God bless🙂

About loadplus

This world is now my " new " world! #iPlus1forFun! ;) View all posts by loadplus

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: