Monthly Archives: April 2013

Kami, Siya, at Ako (Part 5)


Inggit na inggit ang lahat ng bebot sa campus kay Amara. Habang naglalakad sila ni Roman papuntang parking area ay pansin na pansin ang napakalaking teddy bear na dala-dala ni Roman. Ito ang unang sorpresang regalo ni Roman sa dalaga. Sa isang tingin, lubos na pagmamahalan ang makikita mo sa dalawang ito.
Inihatid ni Roman si Amara sa kanilang bahay at ipinakilala siya ng dalaga bilang nobyo niya sa kanyang mga magulang. Mabuti na daw yung hanggat maaga ay wala s’yang inililihim sa mga ito. Kabadong-kabado si Roman nun dahil sa tanang buhay niya at sa dami ng naging gf niya, ngayon lang s’ya nakaakyat ng bahay upang maipakilala sa mga magulang ng kanyang nobya. Naging maayos naman ang lahat para kay Roman ngunit isang babala lang ang natanggap niya mula sa ama ni Amara na ang sabi ay, “Huwag mong paiiyakin itong aming prinsesa kung ayaw mong ako ang makalaban mo. Nagkakaintindihan ba tayo hijo?”. Isang magalang na opo ang isinagot ni Roman.
Lumipas ang mga araw at buwan, masaya naman ang naging relasyon nina Roman at Amaya. “Umiibig na ba ako talaga kay Amara?”, ito ang tanong ngayon ni Roman sa sarili. Nahulog na ba s’ya sa kanyang sariling pakulo?

ITUTULOY…

Advertisements

Kami, Siya, at Ako (Part 4)


Tawanan ang bumabalot sa tambayan ng grupo nina Roman. Nasa condo unit sila ng isa nilang kaibigan. Nag-iinuman sila at ang naging pulutan nila ay ang pag-oo ni Amara kay Roman. “O ano mga tol, bilib na kayo sa akin?” ang malokong saad ni Roman sa mga katropa. “At bilang pagtupad namin sa usapan tol Roman, ibibigay na namin sa’yo ang tropeo mo”, saad ni Lucas. “Tayo ka na d’yan at nakahain na ang pagkain para sa’yo tol. Mukhang mapapalaban ka sa isang ito” patuloy pa ni Lucas.
Matapos ang paglalaro ni Roman na nakailang rounds din ay nagpahinga lang ito ng kunti, mabilis na naghot shower at nagpaalam na sa tropa. May bibilhin pa daw itong regalo sa SM para kay Amara. Mukhang ayaw paring magpatalo ni Roman sa bagong deal ng grupo. Ito ay ang usapan na dapat maka-score ito sa dalagang lubos na nagtitiwala sa kanya.
Pagkalawas ng condo, nagtext si Roman kay Amara, “Musta na ang baby ko? Sana magbukas na para magkita na tayo. Miss na kita. Love You!”

ITUTULOY…


Kami, Ako, at Siya (part 3)


Kinagabihan, kakalog-in lang ni Roman sa FB, “Dude, hanep mo! Ikaw na ang panalo. Napa-oo mo rin sa wakas si Ms. Amara dela Cruz. Kailan mo kukunin sa grupo ang premyo mo? O sige dude kitakitz na lang tayo bukas sa tambayan ng grupo. Magchange status ka na agad sa FB hahaha”, isang private message ang natanggap niya galing sa katropang si Lucas.
Sa araw na sinagot ni Amara si Roman, akala ng dalaga na nahanap na niya ang kanyang tunay na pag-ibig ngunit hindi nito alam na ang lahat pala ay nangyari dahil sa isang pustahan lamang ni Roman at kanyang mga katropa. Kawawang Amara. Lubos na tiwala pa naman ang ibinigay niya.
Samantala, nang makauwi si Amara sa kanilang bahay noong nakakakilig na araw na yun ay napansin ng Ina ang nagliliyab na kasiyahan ng anak. “O Amara anak, kumusta ang school? Mukhang masaya ang dalaga ko ngayon ah?” ang tanong ng Ina. Isang makahulugang ngiti lang ang isinagot ni Amara. Kung alam lang ng Ina kung gaano siya kasaya…

ITUTULOY…


Kami, Ako, at Siya (part 2)


Si Amara at ang nobyo nitong si Roman ay parehong nag-aaral sa magkatulad na unibersidad. Pareho na silang nasa panghuling taon nila. Nursing ang kinukuhang kurso ni Amara samantalang Engineering naman ang kinukuha ni Roman. Sikat na varsity player sa basketball si Roman sa kanilang school kaya hindi akalain ni Amara na minsan sa buhay nito ay mapatingin ito at umibig sa isang katulad niya. Kung tutuusin, hindi naman talaga ito imposible dahil maganda rin naman si Amara. Marami ngang nagsasabi sa kanya na kamukha daw niya si Angel Locsin. Noong una, hindi pinapansin ni Amara ang pagpapacute sa kanya ng binata at iniisip nitong pinagtritripan lang s’ya ng mokong na si Roman ngunit dahil sa di matawarang kulit at fighting spirit ng binata ay napa-oo na rin ito. Kaarawan noon ni Roman nang sinagot siya ng sinisintang si Amara. Sa araw na yun, katatapos lang nila Roman magpractice ng basketball noon at sa loob ng gym ay napasigaw nga si Roman ng “Sa wakas, nobya ko na si Amara”. Sa harap ng mga kalaro, ay lubos ang pagmamalaki ni Roman sa nakamit na tagumpay.

ITUTULOY…


Kami, Ako, at Siya


“Stop it Roman! Ano ba?” at isang malakas na sampal ang binitawan ni Amara sa mukha ni Roman. “Oo, tayo na, ngunit hindi ibig sabihin nun na kaya mo ng gawin sa akin ang lahat ng gusto mo. Ganoon ba talaga ang tingin mo sa akin Roman?” saad ng dalaga. Natahimik si Roman at halatang nag-alala sa kanyang nagawa. “Patawarin mo ako Amara. Hindi ko sinasadya. Akala ko…” ang tanging nasabi ni Roman ng biglang umalis si Amara palabas ng kwarto. Naiwan si Roman na litung-lito.
Sakay na ng bus si Amara ng isang text message ang natanggap niya mula sa nobyo, “Amara, sorry na kanina… Sana maintindihan mo ko. Mahal kita at mahal mo ko di ba?”. Halos maluha-luha pa si Amara habang binabasa ito. “Mahal kita Roman ngunit sana maintindihan mo rin na may pangarap pa akong kailangan kong abutin. At kung tayo talaga, sana handa kang maghintay.” ang saad ni Amara sa sarili.

ITUTULOY…


Aabutin Ko Ang Langit


Maingay na mundo ang ginagalawan ko;
At tila sobrang bilis kung dumaan ang oras dito.
Araw-araw halos magkatulad lang ang ginagawa ng ibang tao dito;
Pasimpleng nakaupo at lumalanggoy sa tripleng “W”.

Wala naman talagang masama sa pag-unlad ng teknolohiya sa mundo;
Ngunit ang masaklap lang ay may ibang tao na tila nakakulong na dito.
Walang ibang magawa kundi ang magpost, maglike at magshare;
Sabayan pa ng kanilang YM at twitter.

Ngayon na ang panahon ng pagbabago;
Dapat sa tama at makabuluhan lang sana iikot ang mundo mo.
Langit man ito kung iisipin;
Ngunit sabi nga nila na kung kayang isipin ay kaya din nating gawin.

Walang imposible at lahat mangyayari;
Kapag sa tuwid na daan ka sadyang sasali.
Makiisa na at ibangon ang sarili;
Upang ang pangarap nati’y matupad ng ganoon lang kadali.


Gulong ng blog ko


May isang patimpalak dito sa blogosperyo na tungkol sa kung bakit ka nagbablog. Gusto ko sanang sumali dahil mukhang madali lang ang tema, ngunit tinamad akong mag-isip noon sa kadahilanang hindi sapat ang ilang oras ko na ako’y bakante at walang ginagawa upang makatapos ako ng isang magandang akda, kaya hindi na ako nagpasyang sumali pa. Sayang nga eh. Anyway, hindi naman talaga tungkol doon ang post na ito kaya i-close na lang natin. Pero dahil nabanggit ko na lang din ang tungkol sa pagbablog, nais ko lang isigaw sa inyo ngayon ang tagumpay na nararamdaman ko sa bawat bagong post na magawa ko dito sa blog ko. Alam n’yo ba kung bakit? Kasi para sa akin, hindi ganoon kadali na bumuhay ng isang blog gamit lang ang isang Nokia 2330c. Ang kagustuhan kong tumagal pa ang blog ko ay ang s’yang tanging pinanghahawakan ko upang magpatuloy sa pagsusulat at huwag bumitaw sa pagbablog. Ngunit minsan hindi talaga maiwasan na ako’y magself pity at parang gusto kong mamahinga muna. Pero kadalasan, madalas akong pinag-iisip ng blog na ‘to kahit may ginagawa akong iba. Yung pakiramdam na hindi pweding hindi ako makalabas at makapamasyal sa loob ng isang linggo hahaha. Sana nga sa susunod na kwento ko magbago na ang gulong ng blog ko. Salamat pala sa inyong munti ngunit totohanang suporta. Nakakataba ng puso. See u soon!