Monthly Archives: March 2013

Nagliliyab na Damuhan (Part 1)


Let’s double the fun kaya may isa pa akong bigating blogero na handog sa inyo!

(Yun o! Parang si Coco Martin lang :b)

(Yun o! Parang si Coco Martin lang :b)

Name/Alias: Bino
Blog name: Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy
Blog URL: http://www.damuhan.com
Location: Muntinlupa
Civil status: Single with attachment
Age: 29
Pick up lines: Alam mo, hindi na ko natatawa sa mga jokes mo! Sineseryoso na kasi kita eh. Yiheeee!
Sexiest word: Boobs

1 DOZEN FUN QUESTIONS FOR BINO

1. Sino si Bino sa loob at labas ng blog world?
— Bino sa loob ng blogging: Romantiko dahil madalas love story ang tema ng mga isinusulat ko. Humorous minsan, mahilig magpasabik ng mga readers dahil maraming twist sa kwento. Reklamador sa Twitter at Facebook.
— Bino sa labas ng blogging: Mahiyain pag first time makikipagmeet sa bloggers’ eb. After a while, kalog. Mahilig dating uminom.

2. Pinakamagandang karanasan mo bilang isang blogero?
— Ang makakilala ng mga kapwa blogero na may parehong interes at may iba’t ibang personalidad. Dumami ang maituturing na kaibigan sa blogging. Yun bang kahit hindi na sila nagbablog eh may komunikasyon pa rin at kapag nagkikita eh hindi nagbago ang samahan. Yung hindi na about sa blogging lang ang usapan.

3. Si Bino bilang estudyante ay ____?
— Ooops. Di na ako estudyante eh. Pero dahil tinanong mo eh sasagutin ko. Si Bino bilang estudyante ay hindi nagpapatalo sa kanyang mga professors kapag alam niyang siya ay tama. Tandang tanda ko pa ng makipag-away ako sa teacher ko sa Physics dahil hindi niya alam sagutin ang tanong ng kaklase ko kung bakit 1 + 1= 0. Bahay — eskwelahan — bahay ako noong highschool. Lumandi noong graduating ng college kaya maagang naging ama.

4. Pinaka-astig na desisyon na nagawa mo?
— Yung mag-isang buhayin ang anak ko na ngayon ay kasalukuyan ng nag-aaral sa Canada.

5. May gusto ka bang baguhin sa buhay mo at bakit?
— Wala naman kasi lahat ng ginagawa ko sa buhay ko, laging may say si Lord. Ikinokunsulta ko sa Kanya ang lahat ng aking mga gagawing desisyon sa buhay. Mahilig akong humingi ng signs sa Kanya.


More than a Coca-cola Life (Part 2)


Ang karugtong:

4. Ano ang mga nais mong ipayo sa mga kapwa mo blogero?
-Sulat lang ng sulat! Hindi importante na maging sikat at una ang blog mo sa kung anumang ranking meron dito sa online world, ang importante maibahagi mo sa lahat ang talent, skills at passion mo sa pagsusulat. Ansaveh?

5. May gusto ka bang baguhin sa buhay mo at bakit?
— Sa buhay wala pero sa ilong ko pwede pa! Hahaha lagi kasi nila akong inaasar na pango ako! Well, kuntento naman ako sa binigay ni Bossing sa akin at kung may babaguhin ako baka kung ano pang mangyari sa akin sa hinaharap. Basta maging okay lang lahat na naayon at gusto ng karamihan (plastic mode blep)

6. Ano ang pinakamasayang karanasan mo bilang isang binata? Bilang isang estudyante?
— Maraming masasayang alaala akong gustong sariwain sa aking isipan pero ang pinakamasayang nangyari ay nung dati may girlfriend(s) ako, take note may (s) yan then ngayon boyfriend na

7. Ano ang gusto mong sabihin sa sarili mo ngayon?
— Kulapitot magbago ka na! Pagpatuloy mo lang ang gusto mo sa buhay at please wag ka ng maging mahiyain at ilabas mo na yang pagiging kalog mo sa iba.

YOUR THOUGHTS ON…

BLOGGING: Blogging is fun…
LIFE: Life mo ay nakadepende sa’yo…
SUCCESS: Success ang makukuha mo pag nagsumikap ka…
HAPPINESS: Ang totoong happiness wala sa Coke nasa tawa mo…

PERSONAL MESSAGE:
Hindi ko alam kong nasagutan ko ng tama ang mga katanungan mo dito pero nag-enjoy ako ng sobra. Paki-edit na lang kung hindi appropriate ang mga sinasabi ko at baka ma-MTRCB ka lols. Anyway, salamat sa pagkakataon para mai-share ko ang mga bagay-bagay tungkol sa wala kong kwentang buhay. Mabuhay ka! At sa mga readers mo na magbabasa sa post na ito at hindi nag-skip read at nagcomment na naayon sa mga sinasabi ko, paki-claim na lang ang suhol na pangkabuhayan showcase sa blog ko hahahahaha!


More than a Coca-cola Life


Narito ang isang makulay na blogero na hatid ko sa inyo ngayong tag-araw!

Emo mode lang...

Emo mode lang…

Name: Josh
Blog name: Kulapitot
Blog URL: http://jikoyatako.blogspot.com/
Civil status: Illegally married
Age: No comment
Pick up lines: Waaaah hindi ako marunong… Skip

7 FOR FUN QUESTIONS

1. Sino si Kulapitot sa likod ng blogworld?
— (Hinga ng malalim, 5 seconds pause) Teka, sino ba ako sa likod ng blogworld? Hindi ako si Kulapitot dahil ang totoong Kulapitot ay ang partner ko sa buhay. Nakakalito di ba? Pero hindi ako si Kulapitot. Ang taong nasa likod ng blog ay si Josh at siya si Kulapitot sa blogworld at ang blog ko ay nakapangalan sa palayaw ng partner kong si Jikoy. Ako ay mahiyain, tahimik at masayahin ehem at tsaka maganda este pogi pala. Approachable pero hindi nang-aaproach ng tao, open-minded sa mga kalokohan at akala seryoso pero malandi pala hahaha! Joke!

2. Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagbablog sa buhay mo?
— Naging pariwara ako sa buhay dahil sa pagbablog dahil minsan ayaw ko ng magtrabaho at magbablog na lang buong araw. Natuto din akong makipagkapwa-tao at makihalubilo sa iba despite sa pagiging mahiyain. So far, ang pinakamagandang nangyari sa akin ay naging bukas ang isip ko sa mga opinyon ng ibang tao at naging bukas ang puso ko sa pagtulong sa ibang taong nangangailangan (Pinoy Bloggers Outreach).

3. Ano ang kaibahan ng blog mo sa ibang blog?
— Mas matingkad ang kulay avocado kong blog kesa sa iba pak! Maraming nakaka-appreciate dahil sa design at kulay nito at meron ding ayaw dahil sakit sa mata. At sa tantya ko mahigit kumulang dalawa (2) ang gusto at isa (1) ang ayaw lols. Ang blog ko ay nagsasalamin sa totoong buhay ni Kulapitot sa labas at sa loob ng kanyang puso.

May karugtong…


Ikaw na si Darna!


As Narda... (Photo source: www.pinoyexchange.com)

As Narda…
(Photo source: http://www.pinoyexchange.com)

Narda,

Kilala na kita kahit noong ika’y nagsisimula pa. Sa mga katangian mong taglay ako’y iyong napahanga. Tunay na karapat-dapat kang mahalin. Tunay na kapusong maipagmamalaki namin. Sa bawat paglipad mo, sa bawat pagsigaw mo, sa bawat aksyon mo, at sa bawat paggamit ng mahika mo, kami ay sa’yo sumasaludo. Mas lalo ka na ngang tumibay at ngayo’y isa ng ginto. Ngunit sa tuktok ng tagumpay na hawak mo na sana, ika’y di natakot sumugal at magsimulang muli sa umpisa. Sa bagong kaharian na iyong kinabibilangan ang sabi mo, “bakit ako matatakot? Kung prinsesa sila, prinsesa din naman ako.” At dahil sa katapangan mo at sa mga natutunan mo noon mula sa mga naghubog sa’yo, ika’y mas yumabong at mas napatunayan ang sarili mo. Ngayon, muling ibibinigay sa’yo ang bato at alam kong bukas makalawa, muli kong maririnig ang iyong pagsigaw — mas bago, mas malakas! Wish ko nga lang na sana sa muli mong paglipad, ako’y iyong makakasama.

Nagmamahal,
Ding

As Darna... (Photo source: www.showbiznest.com)

As Darna…
(Photo source: http://www.showbiznest.com)


Pulang may buhay


"Ako ba talaga ang tinutukoy mo? hmhmm" (Photo source: www.photographyblogger.net)

“Ako ba talaga ang tinutukoy mo? hmhmm”
(Photo source: http://www.photographyblogger.net)

Kahit sa iyong liit, ikaw parin ang madalas gustong makita. Naglalakad ka lang sa daan, andaming mga kamay na gusto kang hawakan upang ang buhay mo’y masusubukan kung saan ang hangganan. Kapag tinitingnan kang mabuti, wala ka namang ipinagkaiba sa mga kakulay mong pulang may buhay. Taglay mo lang din ang kakaibang anyo — may kalakihang ulo at katamtamang tuwid na katawan. Pero alam ko, sa mata ng may hawak sa’yo ngayon, sa mata ng lumikha sa’yo, ikaw ang isa sa kanyang ipinagmamalaki. Ang nakakatawa lang, natatakot ang mga bata na hawakan ka dahil ang sabi ng mga magulang nila ika’y kay hapdi kung kumagat. Ang totoo, dulot ng iyong kagat ay isang pambihirang sugat na kailangang kamutin ng ilang oras lang naman. Alam kong wala kang kasalanan doon dahil ang kagat mo’y ang tangi mo lang magagawa upang ipagtanggol ang iyong sarili; dahil ang kagat mo’y di man ligaya ang hatid sa iba ngunit para sa’yo ito’y isang pagpapakita na ika’y lagi lang handa. Saludo ako sa’yo langgam na pula. Ang liit mo ngunit ang laki ng dulot mo! Yun o…