Monthly Archives: February 2013

Sinimulan ko, Tapusin mo (Part 1)


Malamig ang gabi at halos katahimikan ang bumabalot sa loob ng silid na aking tinutuluyan. Maghahating-gabi na ngunit hindi ako makatulog. Ilang oras na din akong nakahiga at hindi mapakali. Hindi kasi ako nasanay na sa ibang bahay nakikitulog. Naisipan kong bumangon na lang muna at magtungo sa kusina upang humanap ng kaunting pang-midnight snack, ngunit wala akong mahanap. Walang laman ang kanilang ref maliban sa mga lalagyan ng tubig na pinapalamig. “Ang malas naman” ang tangi kong nasabi. Babalik na sana ako ng kwarto ng biglang nagbrown-out. Wala akong makita dahil sa dilim. Halos mapasigaw pa ako sa pagkabigla ng may tumapik sa aking balikat at parang may matulis na bagay na itinutok sa aking tagiliran. “Huwag kang maingay kung ayaw mong masaktan”, ito ang sabi ng isang di ko kilalang boses. Hindi na ako gumalaw dahil sa takot na pilit kong ikinukubli sa mga sandaling iyon. “Napasok ba kami ng akyat-bahay gang o pinagtritripan lang ako ng mga mokong kong kaibigan?”, ang tanong ko sa sarili. Mas lalo pa akong kinabahan ng inutusan niya akong hubarin ang aking suot na damit. Hindi na talaga ‘to maganda ngunit wala akong magawa kundi sundin ang utos niya. Hinubad ko ang pantulog kong t-shirt. Tanging boxer short na lang ang suot ko. “Huwag naman sanang mangyari ang nasa isip ko”, taimtim kong hiling.
.
.
.
F-R-E-E-Z-E

So mga kablog, kung kayo ang tatanungin, ano ang gusto n’yong ending para sa kwentong ito?

Advertisements

Pahiram ng Pluma?


Dalawang araw na lang ang nalalabi upang makagawa ako ng isang obra maestrang kwento na maaari kong itampok sa isang munting patimpalak sa blogosperyo. Sa kunting panahon na ‘to, kaya ko pa kayang humabol? Gusto kong sumigaw at magmura ng “Puta, bakit ngayon ko lang ‘to nalaman! Sana noon ko pa ‘to nasimulan”. Gusto kong uminom ng kahit anong medisina upang tumalas ang aking isip at hindi ako mapagod habang ginagawa ang akda kong ninanais. Ganito katindi ang kagustuhan kong umabot sa deadline ang gawa ko upang may mapatunayan naman ako para sa sarili ko. Kung may kamera ka nga ngayon, maaari mong makunan ng litrato ang mukha ko na tila mukha ng isang barako na hindi alam kung ano ang gagawin upang mapaibig ang lihim na sinisinta. Sana nga ahas na lang ako upang kaya kong ahasin ang panahon. Sana nga kasingdali lang ang lahat ng ‘to tulad ng pagbili ng sorbetes sa luneta upang minsan sa buhay ko maranasan ko naman kung ano ang pakiramdam na ako mismo ang nasa headline ng isang kilalang peryodiko — nagsisilbing lampara at inspirasyon para sa ibang tao mula sa mala-kuyukot na kwento ng aking buhay. Ngunit dahil sadyang puno ng alupihan ang buhay, ang tanging magagawa ko sa ngayon ay ang mag-ingat at maniwala sa sarili ko at sa hawak kong pluma. Yun o!

***

Ang Maikling Kwentong ito ay aking opisyal na lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy


#KiligMuch


(This photo is taken from www.hdwallpaperarena.com)

(This photo is taken from http://www.hdwallpaperarena.com)

Buwan na ng mga puso at tiyak #kiligmuch is on the air. Ang sarap naman talagang magmahal lalo na kung alam mo na mahal ka rin ng taong mahal mo. Kahit minsan nga alam mong wala kang pag-asa o mukhang ikaw lang ang nagmamahal, go pa rin ang love mo sa iyong sinisinta! Pag-ibig nga namang pang-Pebebeteens hahaha (yun oh, kitang-kita sa ngiti). Pero sa totoo lang, wala akong masyadong makwento kapag ganito na ang pinag-uusapan (oizt di nga? Pahumble effect lang? :p). Kaya nga last year, sa post kong “14 Answers”, kayo na ang gusto kong magshare. Alam ko kasing mas marami kayong malalaking kwento mula sa inyong makukulit na tibok ng puso. Huwag na kayong mahiya o magdalawang-isip pa d’yan, kahit emo mode pa yang kwento n’yo pweding-pwede (share-share lang naman tayo dito). Alam naman natin na ‘di lahat ng panahon puro saya at pagmamahalan na lang. Minsan talaga may “I need space moment” at “heartbreak moment” lang. Ngunit kahit gaano man kasakit o gaano man kalaki ang naiwang pinsala dulot ng karanasang ito, huwag kayong matakot magmahal muli. Oo, matagal ang proseso ng pagpapahilom ngunit ito’y darating — may bagong umaga pa para magmahal muli. Sana nga sa muling pagtibok ng inyong puso, huwag n’yong kalimutang magtira ng kunti para sa sarili n’yo at i-enjoy lang ang moment. Love love love!