Unlimited


Wait lang; usap pa tayo! (Photo source: pbbunlimited.abs-cbn.com)

Wait lang, usap pa tayo!
(Photo source: pbbunlimited.abs-cbn.com)

I am about to say goodbye when she started to let me feel it’s still ok. Nakiramdam pa ako ng ilang minuto and then, I just continue sending her the message. Everything seems along with the flow. Masaya at kakaiba ang usapan. Hindi na nga namin napansin ang pagdaan ng oras. Feeling ko, kami na nga lang ata ang gising sa mga oras na yun. Oo, aaminin ko, nakakapagod din ngunit sa bawat reply niya bigla na lang nawawala ang pagod ko kaya nagagawa ko pang pahabain ang reply ko. Nasa rurok na kami ng ganoong sitwasyon ng di ko inasahang tumigil siya — bigla s’yang nawala. Napa-isip tuloy ako kung may nagawa o nasabi akong hindi niya gusto. Naghintay pa ako ng isa pang reply niya ngunit wala na akong natanggap. Umiba ako ng posisyon at tiningnan ang hawak kong bagay. “Full bar naman ‘to, ano kayang problema?” ang tanong ko sa sarili. Tatayo na sana ako upang uminom muna ng tubig ng biglang may tumunog — ang hawak kong bagay kanina. “SHE CALLING…” ito ang nabasa kong nakasulat. Sinagot ko ang tawag niya at isang malambing na boses ang bumati sa akin. Di ko alam, ngunit parang iba ang pintig ng aking puso. Kakaiba talaga at ngayon ko lang naramdaman. Nanginginig pa ang boses kong sumagot ng pagbati sa kanya (sana hindi niya ito pansin). Matapos ang halos apat na minuto naming usapan, ang huli niyang sinabi ay “Good Morning! SWEET DREAM HE!”.
.
.
.
Ganito pala ang hatid pagnaka-Unlimited Call and Text ka. Maraming kacheesyhan. Nakarelate ka rin ba d’yan?

About loadplus

This world is now my " new " world! #iPlus1forFun! ;) View all posts by loadplus

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: