Go na Stories (The Innocent Man 1)


Kay bilis nga naman ng panahon. Parang kailan lang noong una akong nangangapa dito sa blogsphere at ngayon ay malapit ng magdiwang ang blog ko ng unang anniversary. Ang saya-saya lang! At bilang gift ko sa inyo, heto na ang isang post upang ating bigyan ng moment si Mark Joe, the last innocent man!🙂

Mainit lang ang panahon o! Water please?

Mainit lang ang panahon o! Water please?

Name/Alias: Mark Joe
Blog Name: Mark Joe: The Last Innocent Man
Blog URL: http://thelastinnocentman.blogspot.com
Location: Tondo, Manila
Civil Status: Single (Forever?)
Size: XL, ng ano? Shirt size. Size zero hihi
TV Network: Kapamilya, included sa pamilya ang kapatid di ba?
Motto: Keep Moving Forward =)

7 FOR FUN QUESTIONS

1. Sino ka sa mundo ng mga blogero at bakit mo ito pinasok?
— Yun ang hindi ko alam. Siguro, isa lamang akong mantsa na nagpapadumi (or nagpapakulay) sa buhay ng mga bumabasa nito. Pinasok ko ang blogging to stalk on someone who blogged before. I liked him. Been lurking around the blogsphere since 2008 but I was only able to write something here when I was anticipating a heartbreak from my second BF =)

2. Sa likod ng blogworld, sino ka at ano ang buhay mo?
— Isa akong call center employee. Tahimik. Palangiti, parang abnormal. With the memory of a goldfish. Marami na ang nagsabi na may ADHD ako, iniisip ko tuloy magpadiagnose para malaman kung totoo nga yun.

3. Pinakamagandang naitulong ng blogging sa buhay mo?
— I’m able to share happiness. Iyon siguro. Nakakarelease din ng stress lalo na kapag may kanegahan ang mga karanasan. Ayun.

4. Ano ang mga bagay na hindi namin alam tungkol sa blog mo?
— Ang blog title ko ay plagiarized. Title ata ito ng isang nobela. Pero hindi ko alam ang istorya. Plagiarized ba yun pag ganun? Malay ko ba kung parehas kami ng title?

5. Para sa’yo, ano ang kaibahan ng blog mo sa ibang blog?
— Ang blog ko parang ako. Cute. Yung iba, guwapo o maganda. Char!

6. Anong mga tips mo upang maghits ang isang blogpost?
— Siguro, just be yourself. Plagiarized ulit ang sagot ko: write to express not to impress.

7. May nais ka bang ipayo sa kapwa mo mga blogero at sa mga gustong maging blogero?
— Para sa mga kapwa ko blogero, keep sharing your thoughts, emotions, may it be happiness, sadness or whatever. Basta keep sharing! Marami kayo naiinspire. Sa mga gusto maging blogero, pumunta kayo sa http://blogger.com o http://wordpress.com at magsimulang gumawa ng sarili niyong niche (in tagalog, nitcho) sa mundo ng blogero. Payo ba yun?

About loadplus

This world is now my " new " world! #iPlus1forFun! ;) View all posts by loadplus

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: