Monthly Archives: December 2012

Hiritrakas


Ang hangad ko lang noong una kung bakit ako pumasok sa mundo ng mga blogero ay dahil nais kong makilala ako — nais kong sumikat kumbaga hahaha. Ngayon, tanggap ko na ang katotohan na hindi pala ganun kadali yun at malabong mangyari ang hirit na yun. Sa kabila ng katotohanang ito, pinipilit ko na lang talaga na bawat post na mapa-publish ko ay pinag-isipan ko kung paano mapaganda at kung paano mapadulas ang daloy ng aking mga munting ideya. Sa paglipas ng mga araw, di maiiwasan na maging hectic schedule ko kaya minsan, yung putok ng ilan sa aking mga bagong post ay mabilis at walang tamang porma. Ngunit sabi nga nila, masarap ang pakiramdam kapag nakabangon ka mula sa pagkakamali at pagkakabagsak mo, kung kaya’y kuta na lang ako sa mga natutunan ko. Ganun naman dapat di ba? Ang karanasan ko sa pagbablog sa taong ito ay isang simple ngunit matibay na pundasyon ko upang #amalaya kong gawing mabuti ang pagtira sa susunod na mga labanan. At sa pagpasok ng taong 2013, sana’y nand’yan pa rin kayo upang mas lalo kong maipadama ang init ng pagmamahal at pasasalamat ko sa inyo. #KapitTuko


My 50th @ 2012


TANGING ARAL: Kung para talaga sa atin, ito’y ibibigay sa atin sa tamang panahon.

Ito ang ika-50th post ko sa taong 2012. Ang taong ito ay isang napakagandang taon para sa akin. Maraming nangyari sa buhay ko sa taong ito na talagang nagbigay sa akin ng pagkakataon para mag-grow as a person. Ilan lamang sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Naging teacher ako sa high school dito sa isang school sa Batangas. Mahirap pala talaga maging isang guro pero mas nakakatuwa at nakakataba ng puso ang ideyang naging bahagi ka ng buhay nila sa pamamagitan ng mga kaalamang iyong naibahagi sa kanila.

2. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapunta ng Tagaytay for free! Masayang-masaya ang karanasang ito kasama ang ilan sa aking mga estudyante (fieldtrip nila ‘to sa Social Studies). Nagpunta kami ng Paraizoo at sa Picnic Grove kung saan may place sila doon na overlooking sa napakagandang view ng Lake Taal. Wow na wow talaga!

3. Unang taon ko din ito na may work di ba? Masaya at masarap ang pakiramdam na hindi ka na umaasa sa ‘yong mga magulang at ikaw ang tumutulong sa kanila. Higit sa lahat, ang napakagandang plus pa nito ay may budget ka na para bumili ng gusto mo gaya ng bagong damit, pagkain, gadget, etc.

At ngayon, bilang pagtatapos ng post na ‘to, Merry Christmas at Happy New Year sa inyong lahat mga kablog. Salamat sa panahong inyong ibinigay sa blog ko at tunay na isang karangalan ang makasama kayong lahat dito. More power!