Go Na Stories (Ako Bagotilyo)


Anong meron sa pader?

Anong meron sa pader?

Matapos ang mahabang panahon ng paghihintay, sa wakas ay makakapag-publish na naman ng isang monthly post featuring another inspiring blogger. Kung sino sya, alamin natin agad-agad!

Name/Alias: Moises John Bilang/Bagotilyo
Birthdate: July 25, 1989
Age: 23 years old…batang bata…sariwang sariwa
Location: Sa lunsod ng kabite
Civil status: Single. Pwede ka ba?
Blog name: Bagotilyo — your online superhero
Blog URL: http://bagotilyoako.wordpress.com

“7 FOR FUN” QUESTIONS

1. Sino nga ba si Bagotilyo sa likod ng blog world?
— si Bagotilyo ay isa lamang simpleng binata. Simpleng tao na kayang mabuhay sa simpleng mundo. Kadalasan torpe, minsan maharot. Part time lover at full time tambay (sa ngayon). Hindi talaga ako magaling magdescribe sa sarili ko kaya hayaan mo kong hiramin ang linya sa slambook. Judge me :p

2. Ano ang kwento bakit naisipan mong pumasok sa mundo ng mga blogero?
— sa tagal tagal kong pagiging tambay dumating ako sa puntong naghanap ako nang pagkakaabalahan. Ayun, sinubukan kong mag-blog. Nawili ako at napamahal dito. Dati pa naman akong mahilig magsulat. Oo, hilig lang talaga — hindi talaga ako nagsusulat noon pwera na lang pag ang exam ay may essay 10 pts. per question. Pag 5 pts. lang tinatamad pa din ako.

3. Ano ang mga bagay na natutunan mo mula sa pagbablog?
— kung iisa-isahin ko ang mga bagay na natutunan ko mula sa pagbablog ay baka abutin tayo ng pasko. Hindi ngayong taon. Pasko next year. Pero kung iisipin ko kung ano ang pinakamahalaga kong natutunan ay isa lang ang unang pumapasok sa maliit kong utak. Yun ay mas nakilala ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagsusulat. Na kasabay ng paglabas ng tinta ng ballpen ay umuusbong ang mga kaalaman tungkol sa aking sarili. Sapagkat ang lahat ng aking sinusulat, ang bawat salita at titik ay ako. Ako ay ang aking mga akda. :p

4. Ano ang ilang “facts” na hindi namin alam tungkol sa iyong blog?
— na ang aking blog ay ang aking taguan sa tunay na mundo. Dito malaya kong nasasabi ang mga gusto kong sabihin. Mas prangka pa ito sa bibig ni Kris Aquino at Annabelle Rama. Pero sa kabila ng pagiging prangka nito pinili ko pa ding maging wholesome sa aking mga salita at handsome naman sa aking mukha.

Itutuloy…

About loadplus

This world is now my " new " world! #iPlus1forFun! ;) View all posts by loadplus

3 responses to “Go Na Stories (Ako Bagotilyo)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: