Monthly Archives: July 2012

Go na Stories (Loadplus Moment 2)


(2/2)

YOUR THOUGHTS ON…

BLOGGING: For me, blogging is one of the great venues to enjoy, to share something great, and to be productive; and since it’s a network of different creative minds, sana mas mapansin pa sya ng masa.

SUCCESS: Ang tagumpay ay hindi lamang tungkol sa mga matatayog na tagumpay. Simple achievement is also a success that matter to me. Huwag tayong magmadali para sa tagumpay; dapat i-enjoy lang natin ang paglalakbay patungo sa ating zenith of success. Be invictus parati!

LOVE: Ang love sadyang dumadating lang yan sa buhay mo. Kapag feel mong dumating na, do your part for it. Huwag lang todo-todo at agresibo masyado ala PBBTeens; magtira ka din ng kunti para sa sarili mo. Love, love, love everyone!

CHANGE: Lumilipas ang oras at panahon kaya dapat makisabay tayo sa pagbabago. Change is constant ika nga kaya dapat mag-invest lang tayo ng mag-invest ng mga good memories and experiences ngayon.

LIFE: Life is not easy. It’s like a mathematical problem your trying to solve.

Mga friends hanggang dito na lang. Kung gusto mong ma-feature dito. Tweet me lang @youngest_ian. Sige ingatz mga kablog! 🙂

Advertisements

Go na Stories (Loadplus Moment 1)


Si @bagotilyo sana ang nais kong i-feature ngayong buwan na to pero dahil hindi ko pa sya naa-update sa aking go na stories email interview questions so ang magiging handog ko na lang ngayon ay ang pagkakataon na ipakilala ko ang sarili ko sa inyo through this post.

Name/Alias: Loadplus
Location: Batangas City
Blog Name: #iPlus1forFun
Blog URL: https://loadplus.wordpress.com
Age: nevermind 🙂
Civil Status: Searching…

FIVE FUN QUESTIONS

1. Paano nabuo ang iyong alias na loadplus?
— actually, ang alias ko na loadplus ay parang ganito lang LOADPLUS = Fully Loaded + Google plus. Kuha mo?

2. Bakit naisipan mong pumasok sa mundo ng mga blogero?
— hindi ko talaga alam ang tungkol sa blog noon dahil lumaki ako sa lugar na walang internet. Noong nag-college na ako saka pa ako nagsimulang makagamit ng computer at magsurf ng kung anu-ano. Tunay na nanginginig at kinakabahan ako noon everytime pumapasok ako sa net cafe; kaba na baka masira ko ang computer sa aking paggamit hehehe. So much for that, may friend actually ako na isang blogero at nalaman ko ang blog nya sa kayang twitter account. Na-inspire ako at yun na ang start na gumawa ako ng blog dito sa wordpress. Sa panahon din kasing yun wala pa akong trabaho kaya madalas akong may time sa blog ko at enjoy naman yung experience (WeEeh!)

3. Kaibahan ng blog mo sa ibang blog?
— siguro ang kaibahan lang ng blog ko sa iba ay kung anu-ano lang isinusulat ko dito. Hindi sya ganun kahaba at walang picture. Phone lang gamit ko dito sa pagbablog.

4. Pangarap mo bilang isang blogero?
— nais kong masustain ang blog na to. Sana magcomment naman kayo o maglike man lang, kahit yun lang masaya na ako. Pangarap kong magkaroon ng 100 posts in a year.

5. Payo para sa mga nais maging blogero.
— masaya ang pagbablog pero syempre kailangan mo ng tiyaga at pagmamahal. Yun lang ang kailangan para maging matagumpay kang blogero. Just enjoy blogging!


Agad na


Musta na kayo mga ka-blog?
Ito ang unang post ko without making a draft kaya hindi ko alam kung saan mapupunta ang post na to. Uhaw na uhaw na kasi akong makapagpost ng bago dito.
Sa nakwento ko nga sa inyo, nagtuturo na ako ngayon. Alam n’yo ang dami kong natutunan sa pagiging isang guro. Oo, nakakapagod s’ya subalit no choice na ako kaya ini-enjoy ko na lang s’ya. Bilang isang guro, kailangan mo ng kunting angas showing your authority in the class ngunit sa sitwasyon ko, dito talaga ako kulang kaya medyo nahihirapan akong ihandle yung ilang mga “makukulit” na sections na handle ko. Pasalamat nga ako mahaba ang pasensya ko. Ang tanging hangad lang naman ng kahit na sinong guro ay ang ibigay sa kanya ang RESPETO na s’yang inyong guro. Sa lahat ng mga mag-aaral d’yan, please know your place inside the classroom ha! Maawa naman kayo sa mga teachers n’yo. Huwag ng magpasaway sa klase at ibaon sa na lang sa “kaban” ang mga not so good attitudes n’yo bago pumunta sa school. At sa lahat ng mga guro sa buong mundo, saludo ako sa inyo! Mabuhay ang bawat pagtitiyaga, pagmamahal, at pagsasakripisyo natin hindi lang dahil tayo’y nagtratrabaho kundi para sa future ng mga students natin. Ang tagumpay nila ay tagumpay na rin natin. Mabuhay ang lahat ng teachers!