Go na Stories (Hunyo Panalo 1)


Maraming nangyari sa buhay ko na lubos kong ipinagpapasalamat sa ngayon. Sa wakas, may work na po ako; ako’y isa ng guro sa high school dito sa isang catholic school sa Batangas City. Mahirap pala talaga ang maging isang teacher pero very challenging at fulfilling naman. Dahil nga nangangapa pa lang ako, todomax ang ibinibigay kong panahon dito kaya di tuloy ako madalas makapag-update ng blog ko.
Mga friends, ngayong month of June pala ay magdiriwang ako ng aking 23rd Birthday (hahay tatanda na naman ako ng isang taon :p)! Bilang gift ko sa inyo, isa na namang blogero ang aking itatampok dito. Siya ay si Lapiskamay of Lester Pencilhands! He is not just a blogger, siya ay isang licensed accountant, isang runner, isang photographer, at isang cartoonist. Last year, he have conquered Philippine Daily Inquirer’s Young Blood with his article entitled “When I die”. So, let’s put our hands together for Lapiskamay at siya’y ating kilalanin. Now na!

(Lapiskamay: The runner)

(Lapiskamay: The runner)

7 FOR FUN QUESTIONS
1) Sino nga ba si Lapiskamay sa likod ng blog world?
— Ako ay isang simpleng tao lang naman in the real world. Pala-boy ako: palakain, palajoker, palasulat, paladrawing, palababaero (daw), palamunin, at palainom. Hehe. Seryoso tayo, ako ay isang lisensyadong accountant na naghahanap pa ng kasagutan kung bakit tayo narito at naghahanap din ng lugar kung saan ako nababagay. In English ako ay isang vagabond or wonderer.

2) Ano ang kwento bakit naisipan mong pumasok sa mundo ng mga blogero?
— May blog ako sa friendster noon at wala namang nagbabasa dun kaya tinigilan ko. Then one day nainggit ako sa isa kong kaibigan na manunulat na may blog sa wordpress, ang cool talaga ng theme nya kuhang kuha ang kiliti ko kaya nagsign-up! Wala man lang akong kaalam-alam yun na pala ang isa sa mga pinakamagandang bagay na ginawa ko sa tanang buhay ko.🙂

3) Ano ang mga bagay na natutunan mo mula sa pagbablog?
— Blogging is not just a writing platform, it is a community. Maraming benepisyo sa pagiging blogero dahil may lugar ka na pwede mong ishoot lahat ng pwede mong maisip, idribble ang mga malikhaing inspirasyon, iblock ang mga negatibong enerhiya, at islam dunk ang iyong pagiging dakila. Masarap magkaroon ng fans at subscribers kaya gandahan mo ang paglalaro. Ito ang tanging lugar na pwede kang maging ibang tao. Basta kung may blog cool ka kaibigan.
— Wag na wag mong sabihin sa mga coworkers mo na may blog ka. Yan ang isang lesson I learned the hard way.

(to be continued… :p)

About loadplus

This world is now my " new " world! #iPlus1forFun! ;) View all posts by loadplus

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: