Monthly Archives: June 2012

Go na Stories (Hunyo Panalo 2)


(Ang karugtong…)

4) Ano ang ilang “facts” na hindi namin alam tungkol sa iyong blog?
— Lahat ng post ay nagsisimula ng isang cover image (parang yung cover photo ng fb timeline). Lahat ng post may picture, I’m a visual person kaya mas naappreciate ko pag may mga pictures.
— Sinisikap ko talagang habaan ang bawat post pero hindi yung sobrang haba. Never bumaba sa 300 words mga post ko at never lumampas ng 1,300.
— Sinimulan ko ang blog ko exclusively for arts, pero ewan mas masaya kung halo-halo from movies, books, sports, arts at kahit anong pumasok sa utak ko.

5) Para sa’yo, ano ang kaibahan ng blog mo sa ibang blog?
— A. I don’t post depressing issues. I believe every blog is unique at may storya sa harap at likod ng website, isa ako dun. Maraming storya, makulay, magulo, masaya, at maraming surpresa.
B. Badass. Pero di naman badass naman lantaran, trying hard lang na blog para maging astig.

6) Ano sa tingin mo ang responsibilidad ng isang blogero? (May nais ka bang ipayo?)
— I know talagang cliche na to pero it’s really worth mentioning: Just because blogosphere is a free world doesn’t mean you can post anything out there. Try to be sensitive to your readers, as much as possible try to limit the F bombs and other curse words. Try to credit the sources of your pictures and reference dahil mahirap makipag-away online (di mo masapak eh). And when drafting your post simply open your heart coz in my case my well-receive and well-loved entries are the one that I put heartfelt emotions. Masaya kaya, try nyo! lol

7) Sa ngayon, ano ang latest updates sa buhay mo?
— Nagsasaya dahil nanalo si Maria Sharapova sa French Open. hehe big fan ako niya!

YOUR THOUGHTS ON…

BLOGGING: Blogging is like a mirror that reflects your soul.

LIFE: Life is good and short so make the most out of it. Focus on building relationships and find positive emotions because everything is just a distraction.

SUCCESS: I don’t know the formula for success, but it better be calculated from love and respect of others.

LOVE: Happy Father’s day to my Tatay, love you! ^_^

PERSONAL MESSAGE:
Please visit my site. And thank you Loadplus for the invitation of featuring me in your site. Pagpalain tayong lahat!

–END–

P.S.
Thank you Lapiskamay sa pagpapaunlak! Parang best gift lang sa aking kaarawan. Hehehe
Sa Papa ko, Happy Father’s Day pala Pa! Salamat sa lahat ng pagmamahal at suporta. Ikaw ang number 1 Papa in the world Pa! 🙂
At sa lahat ng Ama sa buong mundo, Happy Father’s Day sa inyong lahat!
As to end this post, sana magtweet kayo gamit ang hashtag na #LoadplusGoNaStories!

Advertisements

Go na Stories (Hunyo Panalo 1)


Maraming nangyari sa buhay ko na lubos kong ipinagpapasalamat sa ngayon. Sa wakas, may work na po ako; ako’y isa ng guro sa high school dito sa isang catholic school sa Batangas City. Mahirap pala talaga ang maging isang teacher pero very challenging at fulfilling naman. Dahil nga nangangapa pa lang ako, todomax ang ibinibigay kong panahon dito kaya di tuloy ako madalas makapag-update ng blog ko.
Mga friends, ngayong month of June pala ay magdiriwang ako ng aking 23rd Birthday (hahay tatanda na naman ako ng isang taon :p)! Bilang gift ko sa inyo, isa na namang blogero ang aking itatampok dito. Siya ay si Lapiskamay of Lester Pencilhands! He is not just a blogger, siya ay isang licensed accountant, isang runner, isang photographer, at isang cartoonist. Last year, he have conquered Philippine Daily Inquirer’s Young Blood with his article entitled “When I die”. So, let’s put our hands together for Lapiskamay at siya’y ating kilalanin. Now na!

(Lapiskamay: The runner)

(Lapiskamay: The runner)

7 FOR FUN QUESTIONS
1) Sino nga ba si Lapiskamay sa likod ng blog world?
— Ako ay isang simpleng tao lang naman in the real world. Pala-boy ako: palakain, palajoker, palasulat, paladrawing, palababaero (daw), palamunin, at palainom. Hehe. Seryoso tayo, ako ay isang lisensyadong accountant na naghahanap pa ng kasagutan kung bakit tayo narito at naghahanap din ng lugar kung saan ako nababagay. In English ako ay isang vagabond or wonderer.

2) Ano ang kwento bakit naisipan mong pumasok sa mundo ng mga blogero?
— May blog ako sa friendster noon at wala namang nagbabasa dun kaya tinigilan ko. Then one day nainggit ako sa isa kong kaibigan na manunulat na may blog sa wordpress, ang cool talaga ng theme nya kuhang kuha ang kiliti ko kaya nagsign-up! Wala man lang akong kaalam-alam yun na pala ang isa sa mga pinakamagandang bagay na ginawa ko sa tanang buhay ko. 🙂

3) Ano ang mga bagay na natutunan mo mula sa pagbablog?
— Blogging is not just a writing platform, it is a community. Maraming benepisyo sa pagiging blogero dahil may lugar ka na pwede mong ishoot lahat ng pwede mong maisip, idribble ang mga malikhaing inspirasyon, iblock ang mga negatibong enerhiya, at islam dunk ang iyong pagiging dakila. Masarap magkaroon ng fans at subscribers kaya gandahan mo ang paglalaro. Ito ang tanging lugar na pwede kang maging ibang tao. Basta kung may blog cool ka kaibigan.
— Wag na wag mong sabihin sa mga coworkers mo na may blog ka. Yan ang isang lesson I learned the hard way.

(to be continued… :p)