Unang putok ngayong tag-araw


BABALA: Ang blog post na ito’y para lamang sa lahat ng mga matatandang isip bata (ganun? :p).

09:37 ng umaga, Lunes Abril 30 2012

Sa totoo lang, wala lang talaga akong ibang maisip na magandang isusulat ngayon; parang nagnosebleed na kasi ako sa mga pinaghirapan kong ingles sa nagdaan kong mga posts, kung kaya’y sisimulan ko na lang ang unang putok ng pagbabago ngayong tag-araw — isang pagbabagong sa tingin ko’y makakapaghatid ng wagas na ligaya para sa inyo Kapuso, Kapamilya, at mga Kapatid (bakit ano pala ang nasa isip n’yo? Bata pa po ako :p).
Kamakailan kasi ay pumasyal-pasyal ako sa ilang kaharian dito sa blog world kaya ayun nakakuha tuloy ako ng ilang mas nakakatuwang mga ideya at mas nakakaibang mga istilo sa pagsulat mula sa mga blogerong nasa likod ng mga kahariang hindi ko sinadyang pagnasaan, kainggitan, at gawing bagong mga huwaran. Lol. Sa lahat ng panahong kanilang ginugol sa pagbablog, alam kong lahat ata ay naranasan na nila; sila’y maituturing na nating mga eksperto pagdating sa mga ganitong bagay-bagay. Ito’y mapapatunayan sa kalidad ng bawat post na napublish nila, sa dami ng positive comments na natanggap nila, sa bilang ng mga blogerong sumubaybay sa kanila, at sa ilang karangalan na napanalunan nila. Mas nakakataba ng puso at nakakaproud dahil sila’y mga Filipino bloggers din na lubos ang pagmamahal at pagmamalaki sa bayang kanilang sinilangan. Kudos sa lahat ng katulad ninyo! Mabuhay ang mga magaganda ninyong hangarin! Nawa’y good vibes parati ang maibibigay ninyo sa lahat ng mambabasang halos hubaran kayo makilala lang ang kabuuang pagkatao ng katauhang inyong binigyang buhay dito sa blog world.
Bilang pagtatapos, ako’y lubos na nagpapasalamat dahil mukhang magtatapos ang blog post na ito na “wholesome” pa rin ang imahe ng natatangi at pinakamamahal kong kaharian (sana tama ako). Sa mga naging parte ng pakikipagsapalaran kong ito, maraming salamat pala sa inyo. Makakaasa kayong A+ of loadplus ang iaalay ko. Sige ingats! Hehehe

About loadplus

This world is now my " new " world! #iPlus1forFun! ;) View all posts by loadplus

One response to “Unang putok ngayong tag-araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: