Libre lang mangarap!


BABALA: Huwag kang bumitaw kung ayaw mong mahulog.

Lahat tayo ay nabubuhay sa ating mga munting pangarap. Kayang-kaya nating isipin anuman ang gusto nating gawin; kayang-kaya nating abutin anuman ang naisin natin kahit gaano pa ito kalayo; kayang-kaya natin ang lahat dahil nga libre lang mangarap!🙂
Ang maging isang blogero ay isa lang sa mga simpleng pangarap ko dati. Ngayon, ako’y lubos na nagpapasalamat dahil sa hinaba-haba ng paghihintay ko, ibinigay din ang pagkakataong ito. Lol. Totoo nga ang sabi ng iba na “the long wait makes the reward sweet”. Para sa isang probinsyano sa internet na tulad ko, ito’y isang simpleng katuparan na hatid/dala ay isang simpleng katanungan na kay hirap sagutin — ito ay ang tanong na, kaya ko bang hawakan/dalhin ang biyayang ibinigay sa akin? Ang puntong nais kong i-raise ngayon sa post na ito ay minsan tunay na mahirap, matagal, at malabo ang katuparan ng ilan sa ating mga pangarap; minsan nga parang gusto na nating bumigay at umayaw; subalit ang pinakamaganda nating dapat gawin ay ang maniwala sa bawat pangarap na meron tayo at siguradong ito’y ibibigay sa atin sa tamang panahon. Kung darating man ang panahon ng katuparan sa dati’y mga libre nating pangarap, huwag na huwag natin itong sayangin; ibigay natin ang lahat ng ating lakas at makakaya upang ito’y di mahulog at di mawalang bigla sa atin.
Bilang huling punto, hindi masama ang pangarap; ang mga pangarap na ito ang nagsisilbing ilaw na nagbibigay liwanag sa tuwid na daang gusto nating tahakin. Dream, Believe, Survive! — dapat parang nasa StarStruck lang tayo; at kung kaya nating isipin, dapat kaya rin nating gawin.

About loadplus

This world is now my " new " world! #iPlus1forFun! ;) View all posts by loadplus

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: