Monthly Archives: May 2012

Go na Stories (Buena Mano 2)


(ang post na ito’y cont’n. ng aking monthly post featuring Allen Yu. Hindi kasi computer gamit ko kaya may character/word limit ang bawat post.)

Ma-Allen Yu mo na ako! hehehe

Ma-Allen Yu mo na ako! hehehe

YOUR THOUGHTS ON…

BLOGGING:
Blogging is one of our generation’s best contribution to the world and I think that we should treasure it and improve the way it’s done.

LIFE:
Life should remain spontaneous and should be lived the way we want it to be, otherwise we’ll lose our humanity.

SUCCESS:
You succeed when you think you do. You could be successful now, you probably just don’t realize.

LOVE:
The best thing that we can share.

PERSONAL MESSAGE
— Keep blogging! Keep sharing! Thanks Christian!

>>END<<

P.S.
@allenwhy, thank you so much for giving some of your time answering my questions. Saludo ako sa'yo! Keep inspiring us!

At ngayon, kung sa tingin mo ay karapat-dapat kang mapabilang dito sa aking "Go na Stories" gaya ni Allen o kung may kilala kang blogero na nais mong i-nominate, magtweet lang gamit ang hashtag na #LoadplusGoNaStories at ipaalam agad sa akin. What are you waiting for? Go na and shine! 🙂


Go na Stories (Buena Mano 1)


Magandang good morning Pilipinas! Magandang good morning sa buong mundo! :p
Ngayon, ang blog post kong ito ay ang simula ng aking monthly post featuring one inspiring blogger. Ito ay isang paraan ko upang siya’y aking mabigyan ng isang munting pagkilala dahil sa kanyang sipag, magandang hangarin, kwento, at contribution. Bilang buena mano, ang unang blogger na aking itatampok ay si Allen of The Amusing Adventures of Allen Yu! This blogger actually won third prize at the 2008 Carlos Palanca Awards for Literature with his essay “Nang Dumating Si Joe” [When Joe Came]. Hindi ko na patatagalin pa at siya’y ating kilalanin! (through an email interview, narito ang mga sagot n’ya sa aking simpleng mga katanungan)

Walang ganito sa Pinas...

Walang ganito sa Pinas…

Name/Alias: Allen Yu
Birthdate: June 26, 1990
Age: 21
Location: Vancouver, Canada
Civil status: Single
Blog name: The Amusing Adventures of Allen Yu
Blog URL: http://www.allenyuonline.com

7 FOR FUN QUESTIONS
1. Sino nga ba si Allen sa likod ng blog world?
— When I’m not at work, I’ll be out with my friends or with my brother going places and shooting pictures. When I’m not with either of them, tulog ako. I love instagram. 🙂

2. Ano ang kwento bakit naisipan mong pumasok sa mundo ng mga blogero?
— I love writing and blogging has given me a whole new medium to express myself.

3. Ano ang mga bagay na natutunan mo mula sa pagbablog?
— Pretty much everything I know about life. Natutunan ko rin magkaroon ng open mind and the drive to learn new things. 🙂

4. Ano ang ilang “facts” na hindi namin alam tungkol sa iyong blog?
— Well wala namang secret sa blog ko except that when I write short stories that I post on it, inaabot lang sya ng isang oras bago ko matapos. Hence the typos and errors. Haha

5. Para sa’yo, ano ang kaibahan ng blog mo sa ibang blog?
— Honestly, I don’t see anything unique on my blog although it clearly tells how I grew up over the years through my posts. But that’s only if you have the patience to read everything. Ha-ha.

6. Ano ang responsibilidad ng isang blogero?
— Simple lang. We bloggers have the responsibility to SHARE. We share anything that interests us, things that are important, and things that we think could help the society.

7. Sa ngayon, ano ang latest updates sa buhay mo?
— Hmmm… I’m currently busy with a lot of things. I just resigned from my position at a retail company and now works for telecommunications. I plan to travel again in the summer if all goes well and blog about it!


Dearest Mama (a late Mother’s Day offering)


08:16 am, Mon May 14 2012

Dear Mama,
Alam kong natatandaan n’yo pa rin yung first letter ko sa’yo Ma — yung letter na requirement namin sa isang subject noong high school. Ngayon, ang open letter na ito ay hindi isang requirement kundi gusto ko lang talaga. Kakalungkot nga lang dahil mukhang hindi mo pa ito mababasa sa ngayon. Nawa’y darating ang tamang panahon at mababasa mo rin ito.
Ma, salamat nga pala sa lahat ng pag-aalaga, pagmamahal, suporta, at tiwala. Sa tindi ng bilib mo sa iyong tatlong anak, madalas mo kaming ipinagbibida sa halos lahat ng iyong makakwentuhan d’yan sa ating Purok Masiyahin (peace Ma!). Alam namin Ma ang hirap na dinaanan mo (kayong dalawa ni Papa actually) sa pagpapalaki sa amin at pati sa pagpapa-aral sa amin. Wala man tayong malaking lupain at negosyo pero nakapagtapos pa rin kaming tatlo ng pag-aaral dahil sa pagtutulungan ninyo ni Papa at sa tiyaga at diskarte mo sa pagpapatakbo ng ating munting sari-sari store (na minsan sira-sira store na dahil pinapadala mong pang-allowance namin ang dapat sana ay pandagdag puhunan na). Ma, huwag kang mag-alala dahil pipilitin naming masuklian ang lahat ng pagsasakripisyo ninyong dalawa ni Papa. Pipilitin naming mapaayos ang ating maliit na nipa house at pipilitin naming magbuhay Reyna at Hari kayong dalawa ni Papa. Maraming salamat talaga sa inyo Ma. Hindi ka man namin nabati ng Happy Mother’s Day kahapon, ngunit sana sa simpleng sulat kong ito ay maramdaman mo ang pagmamahal namin sa’yo. Ikaw ang Best Mama in the world para sa amin Ma. Belated Happy Mother’s Ma! Mahal na mahal ka namin Ma!

Nagmamahal,
Loadplus (with Ate and Kuya)


Sayaw ng isang baguhang tambay


Galaw-galaw lang... (Photo source: www.runthru.com.ph)

Galaw-galaw lang…
(Photo source: http://www.runthru.com.ph)

BABALA: Hindi pwede ang pwede na, dapat nakagalaw-galaw max ka!

Taong 2011 — ang taong nagsimula akong gumalaw, sabay sa musika ng bawat tambay. Kahit puro kaliwa ang aking mga paa sa ganitong bagay, ako’y hindi umayaw dahil ito’y pagkakataong Kanyang ibinigay bilang pagsubok sa aking lakas at tibay. Batid kong mahirap ang mga steps sa sayaw na ito ngunit nakahanda akong pag-aralan ang mga ito. Aaminin kong dumating din ako sa puntong halos gusto ko ng tumigil at umayaw, subalit ang huling pinanghahawakan ko ay ang ideyang lilipas din ‘to at makakamit ko rin anuman ang naabot ng mga ka-inspirasyon ko, sa tamang oras at panahon. Noong una talaga, nahirapan akong sumabay ngunit lumipas ang mga araw at buwan ng pag-eensayo, unti-unti kong natutunan kung paano sumayaw na may puso ang galaw. Natutuwa ako dahil mukhang magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng ito dahil sa mga natutunan ko; ako mismo ang isa sa magpapatunay na ang sayaw na ito ay may nakatagong halaga din taliwas sa akala ng nakararami. Ngayong darating na mga araw, ang sayaw na nagpatibay ng kalooban ko, ang sayaw na nagturo sa akin kung ano ang mahabang pasensiya, ang sayaw na nagbigay sa akin ng pagkakataong mas makilala ang sarili ko, at ang sayaw na hindi ko akalaing magagawa ko ay malapit ng magbago dahil isang bagong sayaw ng buhay na naman ang susubukan ko. At sa pagdating ng pagbabagong ito, dadalhin ko ang mga nakakatuwang ala-ala at karanasan na hatid ng aking pagsayaw bilang isang baguhang tambay dito sa mundong tila hindi gumagalaw. For sure, I’ll break a leg soon! :p


Humor post ni Loadplus


BABALA: Huwag kang masyadong tumawa baka sa huli hindi mo masasabing “laughter is the best medicine”.

Hindi ako si Michael V, hindi ako si Vic Sotto, hindi ako si Vhong Navarro, at lalong hindi ako si Dolphy; kung “trying hard” man ang pagpapatawa ko, hayaan n’yo na lang ako, at least nag-effort din kahit hindi todo. Sana’y masungkit ko ang karangalang Humor blog of the year ng Philippine Blog Awards gamit ang post na ito. Lol. So much for that panimulang “joke” (joke ba yun? Ang korni lang), konting silence, silence! All rise, please! Period. :p
Bragging aside, noong panahong ang dala-dala ko pa’y isang bag na libro, ako ang parating nangunguna sa listahan ng mga honor students sa amin since Grade 1 hanggang 4th year high school (including Day Care 1 and 2). Kung hindi ka maniniwala, hala sige ikaw ang bahala, basta ako, hindi ako guilty! Para sa iba, ang nabanggit ko’y tila isang malaking tropeong napanalunan at dapat ipagmalaki; kabaliktaran naman ang pananaw ko tungkol dito (pero syempre kailangang i-enjoy yung moment). Hindi dahil hindi ako deserving sa recognition kundi dahil alam ko na nasa masaya ngunit maliit na comfort zone lang ako nag-aaral. Dahil yun nga ang nangyari sa ilang bahagi ng aking kwento, ayon purong-puro at buong-buo ang rutang bahay-eskwelahan at eskwelahan-bahay na sadyang sinusunod ng lingkod n’yo. Wala kasi kaming mall, wala kaming net cafe, wala kaming fast food chain, atbp., in short, walang ibang mapagtripan sa lugar namin. Dati, madalas din akong mapagsabihan na “bibilhin ko ang smile mo Loadplus” dahil nga daw hindi nila madalas nakikita na ngumingiti ako at tumatambling sila pag nakikitang nakasmile ako. Hahahaha! Ang gusto ko lang talagang sabihin, mukhang seryoso masyado ang buhay ko nang mga panahong yun; pero sa totoo lang, ang lahat ay maling akala lamang dahil ang dami ko ngang mga bilanggong kalokohan, mga power hug na jokes, at hindi ako kasing seryoso gaya ni Ninoy na nasa dating pera ng Pilipinas na limandaang piso (yung ‘di pa included si Cory). Parang gumagawa daw kasi ako ng bakod sa kaharian ko kaya hindi sila makapasok-pasok; exaggerated man masyado pero natutuwa ako dahil may ilan sa kanila na sinisira ang harang na ito makilala lang ang tunay na ako. Thank you so much sa inyo!
(itutuloy…)


Mga banat ni Juan Tam-ad (with Nene de Bakit)


BABALA: Ang susunod na pakulo ay bawal basahin ng mga masisipag na frog (ano daw? :p). Huwag matigas ang ulo…

Juan Tam-ad: Si Cory Aquino ka ba?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Marami kasing kamukha mo sa mga panaginip ko.

Juan Tam-ad: Apat ba ang paa mo?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Madalas kasi, gusto kitang upuan at higaan kahit one hundred years pa.

Juan Tam-ad: Si Chaka doll ka ba?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Parang natatakot kasi akong magtrabaho dahil sa yo.

Juan Tam-ad: Alarm clock ka ba?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Magaling kasi ako mag-set ng plano, baka gusto mo?

Juan Tam-ad: Milyonaryo ka ba?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Akala ko kasi magkatulad tayo — parang may yaya na umaasikaso.

Juan Tam-ad: Kalendaryo ka ba?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Paggumigising kasi ako sa umaga, madalas akong mapagsabihan ng ANONG PETSA NA?

Juan Tam-ad: Miss, teacher ka ba?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Gusto ko kasing turuan mo ako; ang sabi kasi nila ROBOT daw ako.

Juan Tam-ad: Si PNoy ka ba?
Nene de Bakit: Hindi, bakit?
Juan Tam-ad: Gusto ko kasi ng pagbabago; para sa tuwid na daan tayo! (may himala!)

F-R-E-E-Z-E! O s’ya, kayo na lang ang bahalang humanap ng humor sa post na ito. Sana may makahanap sa inyo. Good luck! :p


Libre lang mangarap!


BABALA: Huwag kang bumitaw kung ayaw mong mahulog.

Lahat tayo ay nabubuhay sa ating mga munting pangarap. Kayang-kaya nating isipin anuman ang gusto nating gawin; kayang-kaya nating abutin anuman ang naisin natin kahit gaano pa ito kalayo; kayang-kaya natin ang lahat dahil nga libre lang mangarap! 🙂
Ang maging isang blogero ay isa lang sa mga simpleng pangarap ko dati. Ngayon, ako’y lubos na nagpapasalamat dahil sa hinaba-haba ng paghihintay ko, ibinigay din ang pagkakataong ito. Lol. Totoo nga ang sabi ng iba na “the long wait makes the reward sweet”. Para sa isang probinsyano sa internet na tulad ko, ito’y isang simpleng katuparan na hatid/dala ay isang simpleng katanungan na kay hirap sagutin — ito ay ang tanong na, kaya ko bang hawakan/dalhin ang biyayang ibinigay sa akin? Ang puntong nais kong i-raise ngayon sa post na ito ay minsan tunay na mahirap, matagal, at malabo ang katuparan ng ilan sa ating mga pangarap; minsan nga parang gusto na nating bumigay at umayaw; subalit ang pinakamaganda nating dapat gawin ay ang maniwala sa bawat pangarap na meron tayo at siguradong ito’y ibibigay sa atin sa tamang panahon. Kung darating man ang panahon ng katuparan sa dati’y mga libre nating pangarap, huwag na huwag natin itong sayangin; ibigay natin ang lahat ng ating lakas at makakaya upang ito’y di mahulog at di mawalang bigla sa atin.
Bilang huling punto, hindi masama ang pangarap; ang mga pangarap na ito ang nagsisilbing ilaw na nagbibigay liwanag sa tuwid na daang gusto nating tahakin. Dream, Believe, Survive! — dapat parang nasa StarStruck lang tayo; at kung kaya nating isipin, dapat kaya rin nating gawin.