Panahon na ang sasagot


z

“Saan ba nagsimula ang lahat?”, marahil ito ay isa sa mga katanungang minsan ay sumagi sa ating isipan. Sa ilang pagkakataon, alam natin sa ating sarili ang mga dahilan ngunit may ilang bagay sa ating buhay na sadyang kay hirap sagutin kung paano nga ba talaga ito nagsimula. Sa kabila ng katutuhanang ito, pilit nating ipinagpapatuloy ang buhay at nagbabakasakaling sa mga daang ating tatahakin ay matagpuan natin ang mga kasagutang ating hinahanap. Habang hindi kasi natin nasasagot ang tanong na nabanggit kanina ay hindi talaga natin lubusang mauunawaan ang lahat. Minsan nga may isang nagtanong sa Ask.fm kung ano ba daw ang real status nina Ryzza Mae at Bimby? Nakakatawa lang di ba? Anyway, ang ibig ko lang talagang sabihin ay mas magiging malalim ang ating kaalaman sa isang bagay kung lubusan natin itong nauunawaan. Ngunit ang ilan sa atin, hinahayaan na lang maging ‘kampante’ kung ano lang ang hinahawakang akala tungkol sa isang bagay; hindi na sumusubok na mas mapalawak pa ito. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil wala ako sa lugar nila at hindi ko rin alam ang tunay na kwento nila. Ang sa akin lang, bawat isa sa atin ay may karapatan at kayang-kaya natin ito kung susubok tayo; kung sisimulan natin. Hindi man natin hawak ang ating oras ngunit hawak natin kung paano natin ito gagamitin. Tandaan lang natin palagi na sa bawat pagkakamali natin, may bago tayong natututunan; sa bawat pagkatalo natin, mas lalo tayong nagiging matatag; at sa bawat pakikibaka natin, mas nakikita natin ang tunay na takbo ng labanan.
Sa huli, umaasa akong kasing sulit ng buy 1 take 1 na burger ang magiging wakas ng ating mga kwento. Kung paano tayo nagsimula, sana’y ganun din tayo magwakas.

About these ads

About loadplus

This world is now my " new " world! #iPlus1forFun! ;) View all posts by loadplus

2 responses to “Panahon na ang sasagot

  • axl powerhouse

    natawa naman ako bigla dun sa linya na buy 1 take 1 hha.. anyway sabi ng isang kaibigan ko parang walang silbi rin daw ang promo na iyon sapagkat binili mo pa rin ang produkto sa mababang halaga… balik sa paksa,, ika nga nila may mga bagay talaga na kahit anung intindi mo ay di mo lubos na maunawaan at hindi mo mahanapan ng sagot marahil ibig lamang ipahiwatig niyan ay hayaan mo na lamang muna at marahil sa takdang panahon makukuha mo rin ang sagot sa tanung na iyon. Ngunit kung kaya mo naman sagutin sa abot ng iyong makakaya bakit hindi! Alam naman talaga na ang bawat sagot sa isang tanung ay maaaring may matuklasan ka pa na bagay hindi ba?

  • loadplus

    Tama ka, kapag nasagot na ang isang tanong natin, tiyak may bago tayong matutuklasan. At sabi mo nga din, ang sagot na ito ay malalaman din natin sa tamang panahon. Salamat sa comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 181 other followers

%d bloggers like this: