Narito ang isang makulay na blogero na hatid ko sa inyo ngayong tag-araw!
Name: Josh
Blog name: Kulapitot
Blog URL: http://jikoyatako.blogspot.com/
Civil status: Illegally married
Age: No comment
Pick up lines: Waaaah hindi ako marunong… Skip
7 FOR FUN QUESTIONS
1. Sino si Kulapitot sa likod ng blogworld?
– (Hinga ng malalim, 5 seconds pause) Teka, sino ba ako sa likod ng blogworld? Hindi ako si Kulapitot dahil ang totoong Kulapitot ay ang partner ko sa buhay. Nakakalito di ba? Pero hindi ako si Kulapitot. Ang taong nasa likod ng blog ay si Josh at siya si Kulapitot sa blogworld at ang blog ko ay nakapangalan sa palayaw ng partner kong si Jikoy. Ako ay mahiyain, tahimik at masayahin ehem at tsaka maganda este pogi pala. Approachable pero hindi nang-aaproach ng tao, open-minded sa mga kalokohan at akala seryoso pero malandi pala hahaha! Joke!
2. Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagbablog sa buhay mo?
– Naging pariwara ako sa buhay dahil sa pagbablog dahil minsan ayaw ko ng magtrabaho at magbablog na lang buong araw. Natuto din akong makipagkapwa-tao at makihalubilo sa iba despite sa pagiging mahiyain. So far, ang pinakamagandang nangyari sa akin ay naging bukas ang isip ko sa mga opinyon ng ibang tao at naging bukas ang puso ko sa pagtulong sa ibang taong nangangailangan (Pinoy Bloggers Outreach).
3. Ano ang kaibahan ng blog mo sa ibang blog?
– Mas matingkad ang kulay avocado kong blog kesa sa iba pak! Maraming nakaka-appreciate dahil sa design at kulay nito at meron ding ayaw dahil sakit sa mata. At sa tantya ko mahigit kumulang dalawa (2) ang gusto at isa (1) ang ayaw lols. Ang blog ko ay nagsasalamin sa totoong buhay ni Kulapitot sa labas at sa loob ng kanyang puso.
May karugtong…
ang saya naman .. thank you sa oppurtunity
Welcome…ako nga ang dapat magpasalamat sa’yo e.
cool ang blog ni kulapitot.