Ang Dating Damuhan


Tanging Aral: “Baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan….”

Nagising ako ng maaga nang araw na yun. Tila nanibago ako sa aking kinahihigaang banig — isang lumang banig na dati ay s’yang aking nakasanayang higaan noong bago ako mag-aral ng kolehiyo. Habang nakahiga ako, ramdam ko na ang nagsisimulang mag-init na si Haring Araw. Nais ko pa sanang ipikit ang aking mga mata ng ilang minuto pa ngunit isang “sige na, bumangon ka na d’yan Loadplus” mula kay Mama na nasa kusina at naghahanda ng aming espesyal na almusal ang nakapilit sa akin na bumangon na lang. Matapos ang aming almusal, ako’y naligo na at pagkatapos magbihis ang nagpaalam muna ako para mamasyal. Excited akong makita muli ang damuhang dati ay punong-puno ng saya at tawa ko kasama ng aking mga kaibigan habang nagpapalipad kami ng makukulay naming mga saranggolang pangarap, kumakain ng libreng bayabas, naghahabulang parang walang kapaguran at nagkwekwentuhang halos walang katapusan. Ngunit nakakalungkot isipin dahil iba ang aking nadatnan. Wala na ang damuhang aming minahal. :( Tunay na nagbago na ang lahat. Masakit man isipin ngunit kailangan kong tanggapin. Ayoko din namang mapag-iwanan ng panahon ngayon na tila si Flash lang sa bilis. Ngunit anuman ang nagbago at nawala, kailanman, hinding hindi ko makakalimutan ang mga ala-alang nagbigay kulay upang mahubog ang isang katauhang maipagmamalaki ninuman!

About these ads

About loadplus

This world is now my " new " world! #iPlus1forFun! ;) View all posts by loadplus

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 181 other followers

%d bloggers like this: